The Runaway

181 4 8
                                    

This story is for Meica dela Cruz. I shall grant your wish.  This story is a Fan Fiction of BEAST/ B2ST currently i'm addicted to them I love their songs , but then again i wont forgot my first love One Direction.

So Here it Goes . Enjoy ~

_______________________________________________

"Gi Kwang-ah Saranghae" malambing na sambit ni Meica sa boyfriend niya. Biglang nanigas sa kinatatayuan niya si Gi Kwang.

"Paano ko ba ito sisimulan kung ganito siya kalambing sakin ngayon?" kausap niya sa kanyang isip. Ipapakasal na kasi siya sa isang babaeng hindi niya kakilala ng kanyang mga magulang para sa kanilang kumpanya. Kung sa kanya lang ay tutol siya ngunit hindi papayag ang mga magulang niya. Ngayon lang siya nakalabas ng bahay nila dahil bantay sarado siya nakalabas lang siya nang sinabi niyang tanggap na niya ang mangyayari at tatapusin na niya ang lahat sa kanyang nobya. Si Meica. At ngayon ang araw na iyon ngunit hindi niya ito masimulan dahil hindi niya kayang saktan ito bukod sa mahal na mahal niya ng sobra ito. Pero anong magagawa niya, kailangan nang gawin ang dapat. Malalaman din naman niya bigla tuloy niya naalala ang una nilang pagkikita....

(Ang Flashback na ito ay POV ni Meica) 

Pagod na pagod na si Meica kakasayaw ngunit hindi pa rin niya makuha ang mga steps sa kanilang sayaw , nagpasya siyang lumabas nalang muna ng practice room upang bumili ng maiinom nang mapadaan siya sa isang bukas na practice room dahil sa lakas ng tugtog na nagmumula roon ay tiningnan niya kung ano ang mayroon sa loob. Nakita niya ang isang pawisang lalaki na sumasayaw, napukaw nito ang atensyon niya dahil napakagaling nito at kahit na sobrang pawisan na ito sa suot nitong sando ay parang mukhang fresh na fresh pa rin ito. Napansin ata nito na may nakatingin sa kanya kaya tumigil ito sa pagsayaw at tumingin sa gawi niya. Bigla siya nitong nginitian (Nasa gilid yung picture ni Gi Kwang with his eyesmile) biglang parang may bumanggang trak sa puso niya upang bumilis iyon ng tibok. 

"Hello" anito habang papalapit sa kinatatayuan ko.

"H-hi" nauutal na sabi ni Meica.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito .

"A-ah wala na-narinig ko lang na may tumutugtog dito kaya tiningnan ko tapos nakita kitang sumasayaw. Ang galing mong sumayaw kaya pinanood kita" paliwanag niya nang may kasamang ngiti. Natigilan ito. "Aalis na ko mukhang naiistorbo ko ang pag-papractice mo. Sige paalam" sabi kaniya at tumalikod na siya ngunit agad siyang pinigilan nito sa paraan ng paghila ng isa sa mga braso niya.

"Teka lang..." anito.

"B-bakit?"nagtatakang tanong niya.

"M-matanong ko lang a-anong p-pangalan mo?" tanong nito na mukhang kinakabahan. Napangiti siyang bigla.

"Iyon lang ba? Ako si Meica dela Cruz" sabi niya at inilahad ang kamay niya.

"Lee Gi Kwang" pagpapakilala naman nito sa sarili at tinanggap ang kamay niya. 

"Sige na Mukhang naaabala na kita sa pag-eensayo mo. Aalis na ko." paalam niyang muli.

"Hindi! Tapos na ko. Pupunta ka bang cafeteria?" tanong nito kapagkuwan.

"Oo bakit?" tanong niya.

"Sabay na tayo , teka lang" anito at dali-daling pinatay ang component at tumakbo pabalik sa kanya. "Halika ka" aya nito at nagpatiuna na sa paglakad papuntang cafeteria.

Napangiti si Gi Kwang sa naalala habang nakatingin sa nobya niya. Nung panahon na nginitian siya nito ay ayaw na niya agad itong mawala sa paningin kaya pinigilan niya agad ito sa pagtangkang umalis at tinanong ang pangalan nito. Matapos nilang pumunta sa cafeteria ay nagsimula na ang closeness nila, siya rin ang nagturo rito ng mga steps na hindi nito makuha sa sinasayaw nito. Napakasarap balikan ang mga araw na iyon at huwag nang kumawala pa sa mga panahong iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My One Shot Love Stories <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon