Nathan

7 0 0
                                    



First time kong pumunta sa ganitong klase ng lugar. Oo nga tama. Madaming pagpipilian. Binata, may edad, kalidad, lahat pasok sa banga.

"Sir pili na, lahat sariwa, magagaling, papaligayahin kang tunay" sambit ng may-ari ng lugar habang tinuturo ang mga lalaking walang saplot pang itaas at tanging maikling sapin at sapatos ang suot.

Akin ngang iniabot ang kwarta at itinuro ang binatang mas bata sa akin marahil asa bente ang edad. Matangkad, singkit at halatadong madalas laman ito ng gym. Matipuno at pamilyar ang binata.

Nang makarating sa loob ng madilim na kwarto agad nitong sinindihan ang dalawang kandila sa magkabilang gilid ng kama. Agad akong umupo sa kama at inilabas. Inilabas ang bagong damit at pantalon na binili sabay abot sa kanya.

"Magpalit ka ng damit lalabas tayo" sambit ko sa kanya.

Matapos makapaggayak agad kaming tumungong kahera at nagbigay ako ng extra fee sa may-ari dahil may bayad ang pagtake-out ng kanilang alaga.

Tahimik lamang ang binata habang nakasakay kame ng jeep palayo sa kanyang lungga at busy sa pagkutingting ng kanyang cellphone. Walang imik, at tatango-tango lamang ito kapag tinatanong.

Nang makarating sa destinasyon. Agad akong umorder ng maiinom at pagkain. Pansin kong gutom ang binata dahil pangatlong extra rice na nya ito.

"Masaya ka ba sa ginawa mo sa bar?" Putol ko sa tahimik na paligid.

Napatigil ito sa pagkain at agad tumingin sa akin. Kumonot ang noo at maikling sabi na "Oo." At di na ako nagtanong ng kung ano ano dahil wala atang balak makipagusap sa akin ang binatang ito.

Matapos maabot ang bayad sa waiter ay agad na kaming lumabas at pasin kong tuluyan na ngang bumagsak ang ulan ang kaninang ambon.

"Kuya balik na akong club" paalam ng binata. Medyo nalungkot ako bigla dahil kakaunting oras palang kaming magkasama pero bakit parang kailangan na naming mag hiwalay. Pansin kong nangingilid na ang mga luhang kanina pang pinipigil noong kame ay kumakain. Napabugtong hininga ako at akin ngang hinugot ang pera sa pitaka at iniabot sa kanya.

" Sorry kuya" sambit nito.

At bago pa ito tuluyang humakbang papalayo aking hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay at huling sabi

"Bunso uwi kana. Miss ka na nila mama at papa!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GAY BARWhere stories live. Discover now