Dumeretso nalang sa paglalakad si dennis, hanggang nakarating na siya sa tapat ng kanilang bahay.
Pinagdesisyunan niya na sa likod siya dumaan upang di siya mahalata ng tao sa kanilang bahay.
Nariringig ni dennis na maingay sa kanilang bahay.
“bakit kaya maingay ??. Dumating na kaya sila lola ???” tanong ni dennis sa kanyang sarili
Tumungo na nga siya sa likuran nila at unti-unti ng tumungo sa pintuan ng kanilang kusina.
Nasa tapat na siya ng pintuan ng ….
“san ka galing ???? anong oras na huh … kagabi ka pa wala”
Nagulat si dennis sa sunod sunod na tanong na sumambulat sa kanyang tainga, nagulat siya ng makita ang nagmamay-ari ng boses, naka-upo ito, at nakangiti sa kanya. Lalo itong pumogi sa suot nitong relos.
“kuya stanley ???” – dennis
“oh mukhang nakakita ka ng patay ah …” – stanley
“wala nagulat lang ako, kaylan pa ikaw dito ?” – dennis
“kahapon pa kaya kami nandito, ikaw ang dapat tinatanong … san ka galing ah !!!, sumbong kita kina lola” – stanley
“kami ??? what do you mean may kasama ka pa ?” – dennis
“oO andito si Jun, Mariel, Lilibeth at Ralph ….” – stanley
“huh ? talaga ???” – dennis
Gulat na gulat si dennis ng maringig niyang andito ang kanyang limang pinsan na anak ng kanyang tita nieves.
“wag mong ibahin ang usapan san ka galing ?” – stanley
“ah sa kaibigan ko , lang ginabi na kami kaya dun ako nakitulog sa kanila …” – dennis
“anong ginawa niyo dun ???” – stanley
“wala” – dennis
“weh … oh talagang balak mo lang matulog dun sa kaibigan mo?”
“ewan ko nga sayo kuya !!, sige at maliligo pa ako” – dennis
“oo nga eh amoy zonrox ka nga eh” – stanley
Nanigas si dennis sa kinatatyuan niya ng maringig ang sabi ng kanyang pinsan, di niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya rito. Kung sasagutin niya pa ba ito o didiretso nalang sa kanyang kwarto at maghanda na sa kanyang pagpapaligo.