Nakaraan.

17 1 0
                                    

Ang aking nakaraan.

Na sobra sobra nagparamdam sakin ng kasiyahang tila walang katumbas at pagmamahal na tila walang kupas.

Ngunit sya ding nagdulot ng pinakamalaking sugat na hanggang ngayon ay di pa rin nawawala. Ang sugat na iniwan nya saking puso. Ang puso kong iniwan nyang durog at nasasaktan.

Paano nga ba ako babangon mula sa nakaraan? Halos lahat ang sinabi sakin ay "Move On" pero ang tanong "Paano nga ba mag-move on?" Yun ba yung lahat ng alala nya sayo ay itatapon mo? pero sa huli manghihinayang ka at kukuhaning muli. Yun ba yung pagnakikita mo sya pagseselos mo pa? Kahit na alam mong wala ka na sa kanya? Yun ba yung pagnakikita mo yung bago nya lagi mong ikinukumpara ang sarili mo? Yun ba yung lagi mong iiyakan sa gabi at sasabihing "Eto huling iyak ko na sayo 'to bukas hindi na." pero kinabukasan makita mo lang picture nya iyak na naman ng bongga. Yan ba yung klase ng move on?

Hindi ko kasi talaga alam kung saan ako magsisimulang muli mula ng iwan nya ako ng walang sapat na dahilan. Mas matatanggap ko pa siguro kung sinabi nyang hindi nya na ko mahal pero yung sabihin nyang di kami bagay dahil may malala daw syang sakit at natatakot daw sya na baka maiwan lang ako pero makikita mo sa mall masayang tumatawa na may kasamang iba. Yun ba ang may malalang sakin na malapit ng mamatay? Gagawa na lang ng excuse yun pang hindi katanggap-tanggap.

Tuwing makikita ko syang kasama ng iba yung puso ko parang dinudurog. Eto na naman ako at umiiyak kasi naalala ko na naman sya.

Masakit lang kasi sakin kasi bestfriend ko pa mismo ang pinalit nya sakin at ang bestfriend ko siniraan ako sa mga kaibigan namin kaya ang nangyari nawalan na ako ng boyfriend, nawalan ng friends at higit sa lahat nawalan na din ng bestfriend. I really feel empty and alone.

Binasa ko ang nakalagay sa taas ng kwartong papasukan ko. "Operating Room". Ngayon na kasi ang pagpapa-opera ko dahil may sakit ako sa puso. May bara kasing ang daluyan ng hangin dugo sa puso ko.

Sinabi ng Doktor na 50/50 ang lagay ko its either makayan ko ang opera at magising o makayan ko ang opera ngunit hindi na ako magising pang muli.

Saming dalawa bg dati kong boyfriend ako ang tunay na may malalang sakit at takot na maiwan sya pero nagpapasalamat na din ako dahil may mahal na syang iba kasi kung di man ako magising na pagkatapos ng operasyon at least panatag ako na iiwan kong masaya kahit pa sa piling ng iba.

Pinasok na ako sa loob ng Operating Room mga 8hours akong in-operahan. Nagising naman ako makatapos ng successful operation.

Ngunit isang aksidente na naman ang dumating sa buhay ko ng malaman kong nag-aagaw buhay ang taong mahal ko sa ospital. Agad akong pumunta sa sinabing ospital ngunit huli na ako dahil na lagutan na sya ng hininga pero sa kanyang huling hininga sinabi sa akin ng kanyang bagong girlfriend na pangalan ko raw ang huli nyang binanggit.

Sa sobrang lungkot ko at di ko na kinaya ang emosyong nararamdaman ko ay agad na sumakit ang puso ko.

Third Person's POV

Nang malaman nya ang nangyari sa taong mahal na mahal nya ay di nya na kinaya ang emosyong nararamdaman nya at inatake sya sa puso at agad syang dinala ng mga nurse sa emergency room ngunit huli na ang lahat dahil na lagutan na din sya ng hininga.

San Buenaventura, Anthony Troy G.

Time of death: 5:59 pm

Cause of death: Car accident

Tambunting, Gabrielle Emmanuelle Daniella A.

Time of death: 6:03 pm

Cause of death: Heart attack

Ngunit may isang naiwan si Ged (pronounced as Jed) ang kanyang anak kay Troy na si Antoinette Fanniella Marie T. San Buenaventura.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakaraan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon