Ay! Nahulog...

10 0 0
                                    


Dedicated ko to sa lahat ng nagtyatyagang magbasa ng aking kaunting istorya hahaha. Sana po magustuhan nyo. Ciao! Ciao!


---

Pagpasok na pagpasok ko palang ng gate ng university, eto na naman si ako. Nahulog ang libro, nahulog ang cellphone, hayyyyyy...Aril! katangahan 101 ka na naman ngayong araw. Lalagpas pa lang ako sa may guard ng tawagin ako nito.

"Miss!Miss!" sigaw naman nya.

Napalingon at ngumiting pilit kahit na nakakabwisit ang pagmumukha ni manong na parang pinaglihi sa sama ng loob ng nanay nya dahil halos magdugtong na ang kilay nya sa pagsasalubong nito.

"Hmmm..ano po yun kuya? nagmamadali po ako"

"Wala akong pake kung nagmamadali ka,diba No ID, No entry?"

"Bakit? may ID ak--"

Napahawak ako sa dibdib ko, Jusme!!! ang ID ko saan napunta? Tae naman! saan nahulog? nakakataranta naman to. Nilabas ko na ang awa-effect side ko kay manong di ko talaga alam saan nahulog ID ko.

"M-manong, pwede po bang palampasin nyo na ko? di ko po alam kung saan nahulog ang ID ko irereport ko pa po sa Admin para gawan ako ng bago...please po Manong..please"

"Nako, Miss kung yung iba nga di ko pinagbibigyan ikaw pa kaya?kahit teacher nga na walang ID di ko pinapayagan ikaw pang estudyante"

"Sige na Manong, may ipapasa pa kong project oh...Sige ka kasalanan mo kapag bumagsak ako, lagot ka din sa magulang ko na nagpapakahirap para itaguyod ang pag-aaral ko kaya Manong sige na please?"

"Hindi talaga pwede Miss--"

Naputol na lang ang pakikipagpakiusapan ko kay Manong ng may sumingit.

"Kuya, eto ang ID nya papasukin mo na sya"

Napanganga na lang ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Grabe mga Dai!!!nakakita ako ng isang anghel? wait...parang nahuhulog ang eyeballs ko.

"Miss!Miss!" narinig kong sumisigaw na sya, ay! di ko namalayan nakatulala na pala ako.

"Sa susunod kase wag lang clip ang gagamitin mo sa ID mo, may butas naman yan para lagyan ng ID lace diba? tignan mo nakaistorbo ka pa sa mga pumapasok"

W-what? ang sungit? Antipatikong lalaki pala to. Nawala ang ang paghanga ko sa kanya.

"Thank you ha?pasensya na kung naabala pa kita" sarkastikong sagot ko sa kanya. 

Dumiretso na sya sa pagpasok na wala man lang lingon lingon. Grabe, ang sungit pala nakakainis. Crush ko na sana kaso panget ng ugali. Madami na palang nangyari pero di pa pala ako nagpapakilala. Ako si Aril Jam Santos, half-sexy, half-maganda charot!. Isa akong Civil Engineer student, ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko to? siguro sa hilig kong maglaro noon ng Jengga Blocks kaya pati sa course gustong gusto ko na ding magbuild ng mga building at bahay.

Habang nasa klase, eto na naman ang mga kaklase kong walang ibang ginawa kundi mag-ingay, mang-epal at lahat ng MA nasa kanila na. Parang di college ang pinasok ko, parang nasa Elementary lang ako. Natahimik din ang lahat ng dumating na ang Terror naming prof sa Calculus. Mukhang may kasama ah? sino kaya to? wait...teka..This can't be..si kuyang masungit? bakit sya nandito?

"Goodmorning class, today may bago kayong classmate. Mr. Soriano pakilala ka sa kanila"

Bago sya magsalita napatingin sya bigla sa akin at parang may gulat din sa mga mata nya samantalang ako? eto parang tutang itinatago ang mukha. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ay! Nahulog... (One-Shot)Where stories live. Discover now