SANDY POV
*LIKOD NG UNIVERSITY*
(Hay naku kung Hindi ko lang talaga kaibigan to kanina ko pa siya binatukan, pinapunta niya ako dito para lang samahan siyang tumambay dito)
"Para kang timing alam mo yun, bakit mo na kasi ako pinapunta dito?" (Naiirita kong tanong sa kanya, umupo na lang ako sa damuhan sa tabi niya at sumandal ako sa puno, humiga naman siya at ginawa pang unan ang binti ko, at nakapikit lang siya, Tsk!!)
"So tutulugan mo lang ako" (sambit ko sa kanya, lagi na lang Ganito, tatawagan ako tapos tutulugan lang ako.)
"Nga pala kilala mo ba yung sumisisikat na babae na kumanta sa Auditorium nung Monday?" (Tanong niya pero nanatili siyang nakapikit, si Gift ang tinutukoy niya haha oo sumikat siya bigla dahil dun sa ginawa niya kung first day of class haha ang daming nagandahan sa kanya at sa boses niya)
"Ahh oo si Gift, siya yung kasama ko sa bahay, teka bakit mo natanong?" (Pagpapalit ko ng tanong iba pakiramdam ko sa tanong niya, umayos naman siya ng upo)
"Wala" (Walang Emosyon niyang sagot sa akin)
"Hoy Mr. Luxury Axel Villarica, binabalaan Kita kahit Bestfriend Kita uupakan kita, tigilan mo si Gift ngayon pa lang" (pagbabanta ko sa kanya napaka bully pa naman ng lalaking ito)
"Nakita ko si Ellyson nakabalik na pala siya" (pagchachange topic niya)
"Yeah, nakita ko nga siya kahapon sa Canteen" (sagot ko at tumingin siya sa akin, na may ngiting nakapangilabot sa akin)
"Ohh, bakit ganyan ka makangiti? " (pagtatanong ko aasarin na naman ako nito)
"Miss Him" (nakakaloko niyang tanong sa akin na nakangiti at pataas taas pa ang kilay, nakaramdam ako na umiinit ang pisngi ko, umiwas na lang ako ng tingin sa kanya, pinisil naman niya pisngi ko, sa akin lang siya ganyan sobrang sungit kaya sa iba yan)
"You're Blushing" (natatawa niyang sabi sa akin, tumayo sa siya at tumalikod sa akin)
"Punta ka mamaya sa court may practice ang basketball team after class" (sambit niya sa akin at maglakad na siya palayo sa akin)
"Ok" (sagot ko huminto siya sandali at bahagyang tumingin sa akin)
"Nandun din Ellyson Bumalik na siya sa team" (sabi niya at tumakbo na siya paalis)
(Napabuntong hininga na lang ako, one year ko siyang Hindi nakita at ngayon bumalik na siya na miss ko siya Ewan ko trip nun umalis na lang bigla tapos andito na naman siya, Ako si Lux at si Ellyson ang magtrotropa junior high pa lang barkada na kami haist Ewan ko ba junior high pa lang crush ko na siya kaso crush lang, tumayo na ako para bumalik sa classroom)
***
ZEPHANIE POV
"Z tara mag-audition mamaya sa Music Theater" (yaya sa akin ni Megan, gusto ko din yan halos lahat ata ng MBM Special A kasali, kung bakit MBM ang kinuha kong course dahil gusto ko ipagpatuloy ang sinimulan ni papay, at gusto ko din ito.)
"Ok" (maiksi kong sagot, binalik ko ang tingin ko sa librong binabasa ko ng may umupo sa tabi ko sino pa ba edi si mokong)
"Caaa.. " (napatigil ako sa sasabihin ko ng makita kung sino ang tumabi sa akin, hinawakan naman niya baba ko at tinaas ito para isara)
"Hello baby girl, may practice game kami mamaya manuod ka ipag cheer mo ako para ganahan ako" (masayang yaya ni Elly sa akin, yah close ko din siya, siya nga madalas kong kasama kasi si megan at carl laging may lunch date, sila pala kailan ko lang nalaman, but im happy for them)
"Hoy, baby girl hindi mo naman ako pinapansin, kanina pa ako nagsasalita dito" (parang bata niyang sabi sa akin, natawa na lang ako sa kanya, ang cute na lang niya tingnan)"Punta ka ha" (sabi niya at nag pout pa siya sa akin)
"Pleasee" (pagpapacute niyang sabi)
"Ok" (sagot ko na lang, at ang laki ng ngiti niya sa akin, napangiti na lang din ako, nakakahawa kasi ang ngiti niya)
"Antayin kita dun baby girl ha" (masaya niyang sabi, at tumayo na siya)
"Special A punta kayo ah cheer niyo ako mamaya" (announce niya, tumingin naman siya sa akin at kinindatan niya pa ako at bumalik na siya sa upuan niya, sinara ko muna yung libro at tumayo)
"San ka pupunta?" (tanong ni megan)
"CR lang sandali" (sagot ko tumango lang siya at naglakad na ako papunta sa CR, after kong maglabas ng liquid lumabas na ako cubicle at lumapit sa salamin naghugas lang ako ng kamay at lumabas na ako sa pagmamadali ko may nabangga ako at napaupo ako)
"Ah. A. Ouch" (napahawak na lang ako sa pwetan ko ang sakit, tatayo na sana ako ng may nag-abot ng kamay sa akin, tiningnan ko naman siya, siya siguro yung nabangga ko, inabot naman niya ako at hinila patayo sa sobrang lakas napasubsob naman ako sa dibdib niya, binitawan ko siya at lumayo sa kanya napayuko na lang ako)
"Sorry po" (sambit ko)
"What is your name?" (may authoridad niyang tanong sa akin)
"Zephanie Gift Po" (sagot ko pero nakayuko pa rin ako)
"Bakit ba nakayuko ka? Tingnan mo ako" (utos niya na puno pa rin ng otoridad, kaya ginawa ko naman, napatingin ako sa Black na black niyang mata)
"Next time, mag-iingat ka, sige na makakaalis kana" (sabi niya kaya nagmadali akong bumalik sa room)
"What happen to you? Bakit parang aligaga ka?" (nag-aalalang tanong ni Megan umupo na lang ako sa upuan ko)
"Ha? May nabangga kasi ako kanina na lalaki, ang sakit nga nagpagkabagsak ko" (sagot ko na lang sa kanya, at sinubsob ko ang mukha sa desk, sino ba ang lalaking yun??)
.....
TO BE CONTINUE!!!

YOU ARE READING
I LESS THAN 3
Fiksi RemajaNagmahal ako at nasaktan. Pero kahit ganun, hindi pa rin ako magsasawang magmahal. Dahil sa likod ng nadama kong sakit at pagkabigo, ay natuto ako at masasabi kong NAGMAHAL AKO NG TOTOO.