Chapter 18: Saved

1.1K 41 1
                                    

(Judes POV)

"Hey, you came!" Nakangiting salubong sakin ni Clark. "Thanks man. Kahit sobrang busy ka, nakapunta ka pa rin.

"Late nga eh."

"Atleast, nakapunta ka pa rin."

Umiling ako saka ko binigay ang gift ko sa kanila.

"Maligayang bagong kasal."

Tumawa siya saka nagpasalamat at tinapik ang balikat ko. Nilibot ko naman ang paningin ko sa buong lugar. Naupo ako sa gilid, malayo sa ibang bisita.

"Son, natawagan mo na si Cassandra?"

Napatigil ako sa pagmamasid. Ramdam kong nanigas ang buong katawan ko. Shit. Pangalan lang niya yun. Langya.

"Yeah, pinatayan nga ako kanina pero nagtext na pabalik na siya dad."

So, totoong nandito nga siya. Napangiti ako saka tumayo at kumuha ng wine. Naupo uli ako. May ilang kumakausap sakin pero panay tango lang ako sa kanila. Minsan nginingitian ko na lang.

Nilagok ko ng diritsu ang laman ng pangatlong baso ko saka tumingin, 7:35 pm.

Akala ko ba pabalik na? Tumayo ako at naglakad papasok ng kanilang bahay. Nadatnan ko namang nasa sala silang lahat.

"May problema ba, dude?" tanong ko.

Napatingin naman si Clark at Sir Alex sa gawi ko ganun din ang iba.

"Dude." Akmang may sasabihin pa si Clark nang putulin ni Sir.

"Son, asikasuhin mo muna ang mga bisita sa labas. Kami nang bahala rito."

Kita kong nagdadalawang isip pa si Clark bago tumango at lumabas. Lumapit naman si Sir sa gawi ko.

"Is there a problem, Sir?" magalang na tanong ko.

"Cassandra."

Napakunot noo ako.

"She's out of reach."

Shit. Akmang magsasalita pa lang ako nang matigilan kami sa sinabi nang hinihingal na si Clark.

"Dad, you need to see this. Come on."

Sumunod kaming lahat sa kanya palabas ng bahay diritsu sa garden nila. Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko ang nasa projector. It's Cassandra. Nakatali ang buong katawan, nakabusal ang bibig at na piring ang mga mata.

"SURPRISE!" ani lalaki na nasa projector saka tumawa ng malakas.

"Ito yung gift ko sa anak niyong bagong kasal Governor." Ngumisi uli siya saka binalingan ang mga tauhan na nasa likuran niya.

"Sige, umpisahan na yan."

Kumuyom ang kamay ko nang sampalin nila si Cas. Shit. Nabaling ang tingin ko nang biglang magkagulo sa gitna. Hinimatay na ang Lola nila Clark habang nahihirapan huminga si Sir Clarkson. Todo, asikaso naman ang lahat.

"Ngayon, pumunta kayo sa lugar na itetext ko sayo. Siguraduhim mong ikaw lang mag-isa dahil kung may kasama ka, malilintikan tong anak mo. Tingin ko sobrang sarap nito.Tikman ko kaya."

"Don't you fucking dare!" Magkapanabay naming sigaw ni Clark.

Tumingin naman siya Clark.

"Send me the exact location once you received it," mabilis kong sinabi.

"Hey, dude. Wag ka munang padalos-dalos."

Di ko pinakinggan si Clark. Mabilis akong kumilos at sumakay sa kotse. Binuhay ko ang makina at mabilis na inapakan ang accelerator at pinaharurot. Sumingit ako sa magkakasunod na sasakyan. Ginalaw ko ang kambyo at nag-over take.

She's My Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon