Ang bilis umikot ng mundo noh?kasabay ng bawat pag ikot nito ang pagbabago ng dating nakagawian at ngayo'y nag bago na dulot ng modernisasyon. Ang daming sumusulpot at biglang mawawala. wala na talagang permanente sa mundo maliban sa mga pagkakataaon nararanasan natin na sa di katagalan isa na lamang nakaraan.
Nakakamiss yung mga panahon kinakagat mo yung bakal ng monggol pencil mo para lumabas yung pambura at makapagbura ka,ang mahirap lang dun hiraman pa kayo ng mga klasmeyt mo sa iisang lapis iisang bakal iisang kagat hindi pa kasi natin alam nun yung salitang kadiri eh.Samantang ngayon pa g-tech gtech kana naghahanap ka pa ng point 3 pinapaingatn mo pa kapag may manghihiram sayo.
Sinisilip mo din ba yung ref nyo habang sinasara mo kung paano namamatay yung ilaw,kumakanta ka din ba ng mga kanta sa harapan ng electricfan na sarap na sarap kang saluhin ang lahat ng alikabok,sumusulat ka din ba ng pangalan mo *love* pangalan ng crush mo sa maalikabok na salamin ng sasakyan?o nagpauto ka din sa nagkalat ng tsismis na dumadami at nabubuntis ang mga kisses pag binabad sa pabango o alcohol
ang sarap sulyap-sulyapang ng mga ganung pagkakataon sa buhay natin,ngayon napapangiti ka kung minsan nahihiya ka pa tuwing pinapaalala ng mga magulang mo sayo, kasi nga matanda ka na isa yan sa masistemang proseso sa buhay ng isang tao ,ang pagtanda hindi lang sa edad pati na rin sa isip.
siguro kaya mo nagawa ang mga nakakatawang kalokohan mo nung ikaw ay musmos palang para ngayon matanda ka na maaalala mo at meron kang mga bagay na pagtatawanan *HINDI LANG SA IBANG TAO* pati na rin sa sarili mo
Marami na kaseng nagbago at magbabago at mangyayari ang lahat ng yan sa tamang panahon.Hindi pedeng pahintuin mo at itambay mo yung sarili mo sa kung anung buhay meron ka dati o ngayon dahil patuloy na dadaloy ang buhay mo,patuloy na iikot ang mundo sa axis nito,lulubog-lilitaw ang araw,uulan-aaraw,dadaan ang maraming bagyo,makakaranas tayo ng elniño at marami pa ang magbabago pero bukod sa presyo ng fishball na 50cents isa ring pinakapermanenteng bagay sa buhay natin ang "PAGBABAGO" ang kaylangan mo lang sumabay,
Oo masarap balik-balikan ang mga maliligayang araw natin sa ating kabataan.pero diba't mas masarap isipin na yung simpleng bata na nanghihingi ng kaunting barya pambili ng cottoncandy eh ngayon nakakapagsulat na sulating binabasa mo ngayon,mula sa A,E,I,O,U hnggng ngayon.
Mula sa simpleng batang naglalaro at tumitikim ng sariling sipon
Marami talaga ang magbabago pwede mong muling sulyapan ang nakaraan pero hindi mo na literal na mababalikan ,magbabago ang lahat pwede mong sabayan pero hindi mo mapipigilan.