Day 2

25 1 1
                                    

JOANA'S POV

▪️K▪️I▪️N▪️A▪️B▪️U▪️K▪️A▪️S▪️A▪️N▪️

"Joy gising na!!!! Late ka naaaa!!" Sigaw ng galit kong nanay.

Agad akong tumayo para dina mapagalitan. Jusko magkakawar pa eh. Pumunta ako sa kusina para maghanda ng baon. Nagluluto si mama ngayon ng baon kong Itlog. Gusto ko kase yung may dilaw sa gitna pero diko alam kung anong tawag dun. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na ako nakakain dahil alas-sais narin naman nung ako'y nagising. Naligo ako agad at tiniis ko ang lamig ng tubig. Mapapamura ka talaga dahil parang isang baldeng yelo ang pinanliligo mo. Matapos kong maligo ay nagtoothbrush ako at umalis na ako ng banyo para magbihis at maghanda ng gamit sa school. Kinuha ang baon ko.

"Put*ng *na!!!!! Andyan na sundo mo! Ba't kase dimo kayang magising nang maaga!! Jusko malelate kanaa! Sigaw ng nag-aalburoto kong nanay. Binilisan ko nang mag-ayos para hindi malate. Makikita ko nanaman yung mga baliw kong barkada. Haysst. Umalis na ako ng bahay.

Tinatahak na namin ni Jamela ang hallway ng school.

"Uy Jam, nagawa mo yung assignment sa Filipino?" Tanong ko.

"Wala naman hindi ko mahanap sa google ta puro alamat" tugon nya

Nang makarating kami ng classroom ay umupo muna kami ni Jam. Inantay namin ang mga kaibigan namin.

"Ano bayan wala pang tumatakbong haggard" sabi ko na ikinatawa naming dalawa ni Jam. Si Harry ang tinutukoy ko dahil tuwing dumadating sya ay buhaghag ang itsura. HAHAHA

Tinignan ko ang oras at 7:03 na. Bumaba na kami ni Jam at Harry samantalang si Faith ay naiwan sa taas. Hinihintay ata si mavil. Asa lobby kami ng dumating si Mavil. Nagkwentuhan kami saglit ng biglang nagbell hudyat para sa flag ceremony kaya naglinya na kami.

JAMELA'S POV

Nang nagklase ay tamad akong nakikinig, naganahan lang nung nagpaquiz ang aming guro. Pagkatapos nun ay nag bell na at ang sumunod ay ang math. Ughhh I hate math talaga sakit sa ulo grrr.
May pinasagutan lang saamin ang teacher kaya naman ay agad na kaming gumawa ngunit hindi ko alam ang gagawin kaya nagpaturo ako kay Harry, buti nalang tinulungan niya ako kaya madali akong natapos kahit na wala pang bell kaya nagkwentuhan kami at hinintay ang recess.
*Kriiiing, kriiiing* hay salamat! At recess na riiin!
Humiwalay nanaman saamin si harry nagpunta nanaman siguro yun ng garden ewan ko ba dun mahal na mahal niya ata ang mga halaman na itinanim niya tsk.
Dahil sa ngayon lang pumasok si mavil at raiza may pasalubong sila samiiin yey haha, binigyan kami ng chocolate and ni mavil samantalang si raiza ay nagbigay ng piyaya kaya masaya kaming nagrecess noon. Ito nanaman ang ayaw ko dahil tapos na ang recess may klase nanaman hays nakakatamad.
Habang nag di-discuss ang guro sa harapan kami naman nila Joy, Raiza at ang iba naming kaklase ay naguusap, hindi nakikinig sa nagtuturo, aish naboboringan kasi ako lol.
"Araaaay!" daing ko ng pinitik ako ni Tristan ow shiiitt ang sakit.
"Ano ba yan Tristan!" pagrereklamo ko natawa naman siya. Hanggang sa inasar nila ako sa kaklase namin na nagkakagusto daw sakin na di ko naman sineseryoso.
"Ayieeeee" pangungutya nila saakin.
"Yieeee namumula yang noo mo" nang aasar na wika ni Raiza, bwisit naman to mamula sana yang baba mo! Hmmp.
Nang matapos ang science ay sumunod naman ang Filipino at pagkatapos nun ay uwian na.

Habang kumakain ay nagtatawanan si Harry at Joy mga baliw talaga, samantalang si Faith, Raiza at Mavil ay pinag uusapan ang Possessive Series sa wattpad.
"Sayang Jam at di ka namin katabi" natatawang sambit ni Joy, nakikitawa lang ako isa rin ata akong baliw hahaha. May naisip akong joke HAHAHHAHA!
" OY HALF PILIPINO HALF JAPANESE ANONG TAWAG DUN?" tanong ko.Nag isip naman ang dalawa ngunit di naman nila sinagot kaya ako na ang sumagot
"EDI PANIS"
"HAHAHAHAHHAHAHAHAHA­HHHAHAHHAHAHAHHAHAHA­HAHAHAHHAHAHAHAHHAHA­HA" tawa nila ng malakas wao bumenta pala ang joke ko? Tangina! Hahahaha
Di parin kami natitigil sa kakatawa at ang sakit na ng tiyan ko! Huta.
"Eto naman" ani Harry
"half bumbay half japanese?
Bum panis HAHAHAHAH"
"HAHAHHAHAHAHAHAHA" tawa namin ulit waaaa ang sakit na ng tiyan ko at di ako makainom ng tubig mga punyeta.
Nang maghapon ay nagpaquiz ang aming english teacher, magugulo ang mga arrangement ng upuan namin parang walang teacher sa harapan mga dimunyu HAHAHHA at yun nagtatawanan nanamin kami mga katarantaduhan ang pinag uusapan ngunit itong si joy ay may ginawang kalokohan nitutok niya pala ang ballpen saakin kaya ng napaharap ako sakanya ay natusok ang mukha ko! Agad kaming nagtawanan ni joy akala ko ay may sulat buti nalang wala, sumunod ay ang values isa pang oras at sumunod din ang mapeh.
Bullshit! Inaasar kami ng aming kaklase lahat sila! Mga punyeta arrrrgh!
"Ayieeee RAPHAELAAAAAA" hiyawan nila mga bwisit! Di ko naman gusto yung tao! The fudge.

HARRY'S POV

Pagkatapos ng English ay bumalik na ako sa dating upuan ko. Habang nagki-quiz kami.....

"Uy Harry yang kamay mo diko makita" aniya.

Di ko yun pinansin at nagtuloy sa pagsasagot.

"Uy dali na" sabi nya pa. "Uyyy dali na kasiii"

Naiirita na ako sakanya! Psh!

"Sige na pag dimo ko pinakopya hindi kan--"

"Punyeta di ko marinig. Buwisit!" Natigilan sya at nagsagot nalang.

Natapos ang quiz at sumunod na subject ay Arts.

Pagdating ng Teacher ay pinagtake nya ng special exam ang kaklase namin. Lutang ako at nabalik nalang ako sa reyalidad ng marinig ko ang sigawan at tawanan nila.

"RAPHAELAAAA"

"Yiiiiiiiiiii"

"HAHAHHAHAHAHA"

At syempre kahit ewan ko kung anong nangyari ay sumabay narin ako sa panunukso. "HAHAHAHAHA" malakas na tawa ko. "Ayiiiiiiiiiii" dagdag ko pa.

Tuloy tuloy parin ang pangungutya nang mga kaklase ko at kitang kita ko naman kay Joy na tinutulak tulak nya pa si Jamela na ngiting ngiti rin.

'Iba to ah! Tsk!'

Nagquiz rin kami dito. Pagkatapos ng quiz ay tinanong ko si Froilan.

"Froi! Ilan nakuha mo?" Tanong ko. 10 items lang naman kasi yun.

"7 nakuha ko. 7 din si Jerome. Si Ique din. Si Regine, Raiza, at Prencess"

O__O

"Bakit?" Tanong naman nito nang mapansing nagulat ako.

"Eh 7 rin nakuha ko eh? Mamaya sabihin nila nagkopyahan tayo." Sagot ko

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHHA" tawa naman nito.

Uwian na pero dumeretso muna ako ng garden syempre mahal na mahal ko mga tanim ko HAHHAHAHA.

Kasama ko ngayong pauwi si Sienna at Majia. Sa isang barangay lang kasi ang inuuwian namin at kailangang sumakay kami ng tricycle para makauwi. Naglalakad kami papunta sa antayan ng tricycle. "Baka mamaya andito yung nagdudurang ba---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marinig naming 3 ang pagtakbo sa likod namin at.

"WAAAAAAAAAAAAA" sigaw namin.

Nang paglingon namin sa likod ay isang bata lang pala ang tumakbo!

'Whew! Natakot ako dun ah!'

Pagkatapos ay umuwi narin ako ng Bahay at nahiga dahil sa sobrang pagod. Hayyyy.

Kachat ko ngayon si Jamela at sumagi sa isip ko ang Kara Mia ng GMA.

Ako: Uy ano masasabi mo dun sa Kara Mia?

Jam: Saan kaya likod nila?

Ako: Ikaw san harap mo?

Jam: Gago!

(Plat kesee Hehehehehe)

Mataposs nun ay nagreview ako at natulog narin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LunaticsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon