"Uy hindi makakarating boyfriend ko. Next time nalang daw"
"Heey next time nalang kayo magmeet ni boyfie ko. Busy siya eh"
"Next time mamemeet mo na talaga siya"
______
"Bes gusto mo?"
Tumango ako at kinuha ang isang cupcake na inaalok ng bestfriend ko.
"Ang sarap.."
"Yiee buti nagustuhan mo. Ginagawan ko kasi ang boyfriend ko"
"Kailan mo ba ipapakilala sa akin yan, ha?"
"Next time!"
___
Next time.. Puro nalang next time.
Ayaw niya bang makilala ko ang boyfriend niya?
"Uy tulala ka yata?"
Napatingin ako sa boyfriend ko nang magsalita siya.
"Wala 'to. Okay lang ako"
_____
"Bes, next time nalang tayo mag-usap huh? Magmemeet kami ni boyfie eh"
"Okay fine"
____
Naglalakad akong mag-isa sa park ngayon.
May nakita akong dalawang tao sa isang bench, naka-upo't naghahalikan.
Sweet.
Tinawagan ko ang boyfriend ko.
Kasabay nun ay ang pagring ng cellphone ng lalakeng kahalikan ng babae sa bench.
"Teka lang ah"
"Mamaya na yan babe"
Natulala ako.
Dinial ko ulit ang number ng boyfriend ko.
Nagring muli ang cellphone niya.
"H-hello?"
Sagot niya.
"Look behind you"
Napatingin siya sa akin.
Kinaway ko ang kamay ko at tinignan ang kasama niya.
My one and only bestfriend.
"I'm breaking up with you"
____
Lame hihe