Speechless

20 1 0
                                    

Speechless - Dan + Shay

~

"Hello? Earth to Daniel?"

"Ha?"

"Tsk. 'Di ka na naman nakikinig sa sinasabi ko."

Nakasimangot na naman si Sunny. Nakanguso, nakakunot ang noo, masama ang tingin, at nakahalukipkip. Ganito siya lagi kapag nahuhuli niya akong hindi nakikinig.

Pero nakikinig ako. Hindi lang ako kaagad na nakakasagot kasi sa sobrang attentive ko, mas gusto ko na lang siyang titigan habang nagsasalita. Ang sarap pakinggan ng boses niyang laging masigla sa pagkukwento ng mga hilig at mga bagay na nagpapasaya sa kaniya. Ang sarap titigan ng mga mata niya na kumikislap. Ang mga ngiti niya, nakakalusaw, pero hinding hindi ako magsasawang pagmasdan.

Bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya. Para siyang araw, parang lumiliwanag ang mundo ko kapag nakikita, kasama o kausap ko siya. May humahaplos na init sa puso ko kapag napapangiti ko siya o kahit na anupaman ang reaksyon niya sa mga sinasabi o ginagawa ko. Gaya ngayon. Mukhang nagtatampo na siya. Ang unfair. Kahit nakasimangot, ang ganda pa rin niya. Kahit nakasimangot, may epekto pa rin sa puso ko.

"Nakikinig naman ako. Mainipin ka lang sa sagot." I chuckled when she wrinkled her nose. Hindi naniniwala.

"Sige nga. Kung nakikinig ka, anong sinasabi ko sayo kanina?"

"Sabi mo, 'Paano kung katulad mo si Song Joong Ki? Anong mararamdaman mo na iba na ang ka-loveteam ng asawa mo? Tapos may kissing scenes?'" Saktong-sakto. Pati facial expression at tono niya kanina, gayang gaya ko. Atentibo nga kasi ako. Lalo na sa kaniya o tungkol sa kaniya.

"Okay. Tama. So, ano ngang sagot mo?"

"Hmm. Una, 'di ko naman pinangarap maging artista o mag-asawa ng artista. Nasanay lang ako sa panonood ng ganiyan dahil sa'yo. Pero para sa tanong mo, siyempre magseselos ako lalo na sa kiss. Ako lang dapat yun eh."

Isipin ko palang na si Sunny ang mahahalikan ng iba, umiinit na ang ulo ko. Partida, hindi pa kami nito ah. Ni hindi ko pa nga naaamin na gusto ko siya eh. Matagal na. Higit na sa gusto...

Simula high school ay kilala ko na siya. Classmates kami simula first year. Hanggang college, blockmates kami. At oo, inaamin ko, sinundan ko siya sa course na gusto niya. Pero eventually, nagustuhan ko na rin naman ang course namin. Masaya ako lalo na kasama ko lagi ang inspirasyon ko.

"Work lang naman iyon. I'm sure professional sila at naiintindihan nila iyon. Pero may point ka rin na dapat asawa lang ang kini-kiss. Naku. Ang hirap pala talaga maging artista! Buti na lang, behind the cam lang tayo." Tumawa siya.

Mabuti nga iyon. Maganda kasi si Sunny. Pwede talaga siyang mag-artista kung gugustuhin niya. May-ari ang Tito niya ng isang talent agency. Yung isa niya pang Tito, direktor naman. May nag-alok na rin sa kaniya na maging commercial model at cover girl, pero tinanggihan niya yon. Okay na raw sa kaniya ang manood lang ng mga palabas at favorite niya ang KDramas.

Bawat KDrama, magkasama naming pinapanood. Nasanay na ako. Ang importante naman kasi, kasama ko siya. Kesa naman magyaya pa siya ng iba eh nandito naman ako. Yun din ang isa sa mga bonding namin. Tshirt ko ang nababasa kapag naiiyak siya sa eksena. Braso ko ang namumula kapag hinahampas niya ako sa sobrang kilig niya. Okay lang, hindi naman masakit... minsan. Pero ang mahalaga, nag-eenjoy siya.

Minsan hindi naman ako nanunuod. Kumakain lang ako. Taga-abot ng pizza, popcorn, chips, o softdrinks kasi hindi niya maialis mata niya sa tv.

Minsan naman, nakatitig lang ako sa kaniya. Siya, walang kasawa-sawa sa panonood... ng kdrama. Ako, walang kasawa-sawa sa pagnonood... sa mga mata niya, sa ngiti niya... at lahat sa kaniya. Hay. Gusto ko na tuloy asawahin. Para sa akin na lang siya kikiligin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon