uncontrol

209 10 0
                                    


"Safier Pov"

Matapos umalis ang limang Yun ay problemado ko namang tinignan ang tulog na si Mr.salles 'bakit ko nga pala pinatulog to? Nyems!!

Agad Kong inihanda ang sarili ko at buong lakas na binuhat ang tulog Kong istudyante 'its your fault Safier, dapat di mo siya pinatulog!

Mabuti nalang at magaan lang ang batang to kaya hindi ako Masyado nahirapan buhatin siya na parang sako. Mabilis akong naglakad upang makarating kami sa malaki kong Bike at dahan Dahan ko siyang ibinababa doon,

"Aray ang sakit ng likod ko" reklamo ko sa sarili habang parang matandang nakahawak sa likod ko 'bakit ko nga ginagawa to? Ang ibang guro ngayon masarap na ang tulog ngunit ito ako pinapakialaman ang buhay ng mga Istudyante kong wala naman paki alam saakin,

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago magising si Mr. Salles, hawak hawak ng isang kamay niya ang batok habang kinukusot ng isa ang kanyang mga mata, agad kong inabut sa kanya ang salamin na pagmamay ari niya, saglit Niya itong inayos at tinignan ako

"S-sensei" saad niya habng tingin ng tingin sa paligid "nasan tayo?" Matagal siyang tumitig sa lugar bago ibinalik ulit ang tingin saakin "putok ng Baril" Nahihintakutan Niyang Saad at biglang niyakap ang sarili "sensei papatayin nila ako" humihikbing na siya ng sinabi niya iyon

"At bakit naman nila iyon gagawin?" Seryoso Kong Saad, hindi ko parin maisip Kong paano Niya nakilala ang mga delikadong taong yon,

"Natatakot ako" tuluyan na siyang umiiyak habang yakap yakap ang sarili, umupo ako upang maging kapantay Niya

"Kanino ka naman natatakot?" Saad ko habang nakatitig sa kanya, nagdadalawang isip Niya akong tinignan "you can trust me" puno ng sensiridad Kong saad

"Mga taong kinauutangan ng ama ko" biglang umpisa Niya ng kwento, tinignan ko siya na may Pag tataka "ampon lang ako ng mga Salles Pero kahit ganon hindi ko naramdaman na hindi nila ako tunay na anak" humihikbi Niyang kwento "kahit salat ako sa pagmamahal hindi ko parin maiwasan alalahanin ang tunay Kong ama siya ang dahilan kung bakit hindi ko naranasan mag hirap sa mundo" Saad Niya pa habang pinupunasan ng dalawang kamay ang kanyang mga umiiyak na mata "nang nagpakilala ako sa kanya na ako ang anak Niyang pinaampon siya ding dahilan kung bakit ako nakilala ng mga kinauutangan at tinataguan Niya mga sindikato, hanggang Isang araw lagi na ako inaabangan ng mga lalaking Yun sa school tinatakot nila akong idadamay ang mga umampon saakin " malungkot Niyang Saad at tumingin saakin "Ayoko mangyari Yun, ayokong may mangyaring masama sa kanila" Saad Niya pa habang tuloy tuloy ang paghikbi

"Kaya ginagawa mo mga pinagagawa nila?" Saad ko at pinag krus ang mga kamay na ikinatango naman Niya "bakit hindi ka nagsumbong sa pulis?" Saad ko at umiling lang siya

"Ginawa Kona Yun Pero agad nilang nalaman, Muntik ng may mangyari Kay Mommy dahil sa kagagawan ko" nasasaktan at natatakot Niyang Saad "hindi Kona alam Kong paano ko pa to matatakbuhan ng hindi nasasaktan ang pamilya ko ngayon at ang tunay Kong ama na hawak nila" agad na kumunot ang noo ko nang marinig iyon

"Nasa kanila' ang Tunay mong ama?" Nakakunot noong Saad ko

"What should I do? I'm scared sensei" nagsisimula na naman siyang umiiyak

"I will help you" bigla siyang napatigil at napatingin saakin

"How? They are armored! They are dangerous" nangangamba Niyang Saad

SenSeiWhere stories live. Discover now