(I wrote this story nung nasa 3rd year High School na ako!Pasensiya na sa kabaliwang to’!It’s up to you naman if you want to read it!But my bestfriends in high school have already read it at ang nasabi lang nila, I’m really crazy!)
Sa pagkakatanda ko ay nagsimula lang ito ng makita ko si Spencer sa "Okay Ka, Fairy Ko". Humanga ako agad dito dahil super cute siya. Simula noon ay sinusubaybayan ko na siya sa "Okay Ka, Fairy Ko". Hanggang isang araw ng Miyerkules at ako'y nanonood ng "Eat Bulaga".
Ang kuwentong kong ito ay tungkol sa kabaliwan ko sa idol kong ang STREETBOYS!!!!High School pa ako nung time na ‘yun.Well, sino nga ba ang tinatawag nilang Streetboys? Siyempre, hindi sila mga lalaking kalye di ba?Kilala sila as ons of the most popular dance group noon hanggang ngayon.Sila ang dance group na walang katakot-takot na umikot-ikot sa ere natalagang nakakahangang panoorin.Akala mo tuloy ay mga stretchable ang mga buto sa galing sa pagtumbling at kung anu-ano pang acrobatic na stunts.Paano ko ba nakilala ang STREETBOYS?
Mayroon silang isang dance group na ang pangalan ay Streetboys.Well, hindi ko pa sila kilala noon dahil mas sikat ang UMD that time.Hindi ako masyadong mahilig sa sayawan noon nguni’t hindi ko alam kung bakit napatutok ako sa panonood ng t.v. at talagang napahanga nila ako sa ganda ng sayaw nila.Hindi ko lang matandaan kung ano ‘yung sinayaw nila noon.Isa-isang na-close – up ang bawa’t miyembro at talagang natigilan ako ng may isang lalaking aking namukhaan.Alam nyo ba kung sino ‘yun?Sino pa ba, eh di si Spencer Reyes!
Hindi ako makapaniwala ng Makita ko siya hanggang matapo ang kanilang sayaw.Pati sa “Tsibugan Na” ng Channel 9 ay nakita ko silang sumasayaw ng mailipat ko ang t.v. naming sa paghahanap ng ibang palabas sa t.v.Araw naman ‘yun ng huwebes at nandoon din si Spencer.Hanggang sa isa-isa ko na silang nakilala.Sila ay sina Meynard Marcellano, Joey Andres, Nicko Manalo, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Chris Cruz, Joseph De Leon at siyempre, si Spencer Reyes.
Unti-unti ang naging pagsikat nila.Nagkaroon sila ng commercial with the Kids at Work at ilang batang babae.Nagkaroon din sila ng sunod-sunod na telesine sa GMA 7.Mas lalo akong humanga sa kanila dahil hindi lang pala sila sa sayawan magaling kundi sa pag-arte din.Nagkaroon din si Spencer ng mga solong telesine hindi lang sa GMA 7 kundi pati na rin sa Channel 2 sa show ni Maricel Soriano.
Dumami ang show nila pero regular pa rin silang napapanood sa Eat Bulaga tuwing Wednesday.Lahat sila ay naging guest na rin sa “Okay Ka, Fairy Ko”.May ibang sitcom din silang nasamahan.Sa dami ng show na tinatanggap nila ay mas lalo tuloy silang nagkaroon ng fans.
Unti-unti ang naging pag-angat ni Spencer Reyes dahil madalas itong invited sa iba’t-ibang shows.Naging kaloveteam niya sina Aiza Seguerra at Angelika Dela Cruz.Naging madalas na rin ito sa ASAP ng Channel 2 at nakasama rin siya sa Esperanza na isang soap opera.
Nguni’t kahit nauunang sumikat si Spencer ay hindi ito umalis sa Streetboys.Hindi ito katulad ng ibang dancer na ng sumikat ay iniwan ang kanilang grupo. (Noon ‘yun ha!)Very loyal siya that time sa kanyang grupo.Ang alam ko, naging pangako nila sa isa’t-isa na kahit anong mangyari ay hindi sila maghihiwa-hiwalay.
Nagkaroon ng panahon na nagkaroon sila ng Dance Album, ang “Street Hits”.Nakacomplie dito ang ilang song na sinayaw nila simula ng naging Streetboys sila.Siyempre, bumili ako nito at hindi ko ito pinalagpas.Bumili rin ako ng mga pictures nila at kapag nakikita ko sila sa magazine o diyaryo ay ginugupit ko ang mga ito.Never akong bumili ng poster dahil wala pa naming akong sariling kuwarto noon at mas gusto ko na nailalagay ko sila sa aking wallet.
Nang magkaroon ng show sa Channel 5 na ang pamagat ay “Good Evening Please” ay nakasama dito sina Nicko at Joey.Naging host sila dito at every Monday ay guest ang boung Streetboys dito.Nagkaroon pa nga sila ng portion na “Street Smart”.Sa show na ‘yun ay nagbibigay sila ng mga tips tungkol sa mga problema ng mga teenagers at kung anu-ano pa.

YOU ARE READING
ME AND MY IDOL - "STREETBOYS"
Teen FictionI wrote this when I was in High School when I was so crazy with Streetboys. if kids nowadays, is crazy with K-Pop, J-Pop and others... On our time, it's UMD, Streetboys, Manouevers etc. Just wanna share this. This is for all StreetBoys fans! I Miss...