— ᴍ ᴀ ᴜ ʀ ɪ ᴇ —
"Doon na lang tayo sa may Science bench!"
Nahihirapan kong binitbit ang tray na may lamang pagkain namin. Ngumiti ako kay Sena bago kami nagpatuloy sa paglakad.
Marami-raming mga kamag-aral ko ang naglalakad-lakad sa paligid dahil lunch break na.
Nang makaupo kami ay kaagad na kumain si Sena.
"Ano kayang meron do'n?" Tinuro ni Sena kung saan naroon ang Freedom Wall. Napatingin ako ro'n, may mga kumpol ng estudyante, ang iba pa ay nagtatawanan.
Hinila ako ni Sena patayo. "Tara, tignan natin."
"Kumakain pa tayo, eh," angal ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Sena kaya ay wala akong nagawa kundi ang sumunod. Hila-hila lang niya ako habang papunta kami ro'n.
"Sena tara na, hindi tayo makakadaan dito."
Maingay ang mga nandito at marami. Hindi ko lang alam kung ano ang mayroon.
Nakikisiksik si Sena habang hila-hila pa rin ako. Ako na ang humihingi ng pasensya kapag may nabubunggo siya.
"Kung gusto niyo ng ka-chat or ka-text, 'wag kayong mahiyang i-add sila sa facebook o i-save ang number nila. Enjoy guys!"
Nakita kong inilabas ni Sena ang phone niya at pinicture-an ang bahagi ng Freedom Wall kung saan naroon ang mga accounts at mga number."'Diba may boyfriend ka na bakit—"
Tumaas ang kilay niya. "Para sa'yo 'to. Akin na phone mo."
"P–Pero Sena—"
"Akin na sabi, eh."
Bumuntung-hininga ako bago kinuha ang phone at ibigay sa kaniya. Wala akong choice, eh.
Ibinalik niya ang phone ko. "I-text mo 'yan, ah?" Tumango na lang ako.
Kinabukasan, wala akong nagawa kundi ang i-text ang ibinigay na numero sa akin ni Sena. Pinilit niya ako kaya hayun, ginawa ko.
Mabait at magaan naman kausap ang nagmamay-ari ng numerong 'yon pero hindi ko naman talaga 'yon kilala.
Nang magtext siya ng pangalawang beses ay parang napilitan na lang din akong magreply. Medyo naiilang pa rin kasi ako.
Hanggang sa isang araw, nawala 'yong ilang ko. Hindi ko namalayang kaibigan na pala ang turing ko sa kaniya. Alam kong lalaki siya, mabait at maganda kausap. At doon niya ako pinasasaya. Kwela rin siya. 'Yon bang tipo ng taong hindi mo pagsasawaang kausapin.
Nagulat pa nga ako no'ng isang araw dahil may nag-add friend sa akin sa Facebook account ko. Noong una, akala ko kung sino, si Lake pala, 'yong lagi kong ka-text. Nag-ch-chat din siya sa Messenger. At natutuwa ako roon.
BINABASA MO ANG
Just on Line (One Shot)
General Fiction"Don't trust anyone... especially the one you only know online." One shot story.