Chapter 4:The long lost twin sister

148 9 0
                                    

----------HANNAH MONIQUE VALDEZ POINT OF VIEW----------

 "Joseph? anong ginagawa mo dito?"

lumapit sya sakin...

"uumm.. may binisita lang dito sa hospital nakita kita kaya ayun tinawag kita" tumingin sya kay Ash "bakit mo kasama ito?"

"bakit pare may problema ba?!"-Ash

"wala naman... baka kasi masamang tao ang kasama nya naninigurado lang" diniin pa nya ang salitang 'masamang tao'

"naghahanap ka ba ng away?"-Ash

"what do you think?"

"Joseph? Ash? tama na yan.."-suway ko sa kanila

tumahimik na rin yong dalawa maya maya pa'y umalis na si Joseph ang naiwan ako at si Ash, si Edward umuwi na at si Sky kausap yong mama nya sa office

sa wakas pumasok na rin ako sa loob, nakita ko si mama na nakahiga hindi ko mapigilan na umiyak, tumulo na yong luha ko biglang tumingin si mama sa direksyon ko ibigsabihin gising na sya bigla ko pinunasan ang luha ko

"ah ma... a-ayos lang po ba kayo? ano po ba ang masakit nyo?"-tanong ko na medyo maluha luha

"okay lang ako anak... teka paano yong gastusin dito sa hospital?"

medyo hina hina na sya magsalita at parang mas lalo syang pumayat at pumutla pero gastusin pa rin ang iniisip nya

"ma a-ako po ang bahala sa lahat basta magpagaling lang kayo"

"anak.. wala tayong pera para sa gamot ko at lalo na ang gastusin sa hospital"

"wag na po kayong magalala gagawa ako ng solusyon dito sa problema natin basta ang importante magpagaling kayo"

"salamat anak, salamat"

niyakap ko si mama ng mahigpit alam kong isang buwan na lang sya mabubuhay pero gagawin ko ang lahat para dagdagan pa yon

biglang may kumatok kaya napabitaw ako sa pagyakap kay mama sabay punas ng luha ko tapos tumingin sa may pinto

nakita ko si Ash na pumasok halatang nabigla sya nong nakita nya mama ko

"Ash si mama, mama si Ash Lee friend ko po"-sabi ko

nagsmile lang si mama

"kamusta ka na iho?"

"okay lang po ako... yaya"

yaya?

"ang gwapo mo ha? binata ka na talaga, sabi na lalaki kang gwapo"-sabay smile ni mama

parang ang gaan ng loob ni mama kay Ash at naging maaliwalas ang mukha nya

"si yaya talaga nagbibiro nanaman pero syempre thank you na rin.. umm.. yaya iuwi ko muna si Hannah hatid ko na sya pauwi 11 na kasi ng gabi may pasok pa kami bukas, wag na po kayo magalala basta magpagaling na lang kayo"

"salamat iho maraming salamat malaki na rin ang utang na loob ko sayo balang araw pagpapalain ka ng Diyos"

"pag may pumunta po ditong Sky ang pangalan andoon na po yong gamot na dapat inumin nyo"

"sige iho salamat ulit"

"sige po yaya una na po kami"

nagnod si mama..

"bye po mama"

paglabas namin ng room eksaktong kakadating pa lang ni Sky dala yong gamot

"o san kayo pupunta?"-Sky

Geek girl turns to a gorgeous girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon