mahal umaasa ako na babalik ka pa,
umaasa ako na pwede pa,
umaasa ako na magiging akin ka ulit kahit alam kung malabo na,
kasi mahal, parin kita.hindi ko parin matanggap na wala na, tapos na tayo.
mga pangakong binitawan mo na hanggang ngayon umaasa akong tutuparin mo,
bakit ka bumalik sa kanya at hindi nanatili sa tabi ko?
ano bang meron siya na wala ako at nagawa mong iwan ang isang katulad ko,
nagkulang ba ako?
kasi kung oo!! sana sinabi mo hindi yung babalik ka sa kanya dahil nasakanya lahat ng hinahanap mo.ang sakit sakit, sobrang sakit na,
ang sakit makita na sumasaya ka hindi dahil saakin kundi dahil na sa kanya,
ang sakit makita na hinahawakan niya ang iyong mga kamay at hinahalikan ang iyong labi na dapat ako ang gumagawa.pero alam ko mapapagod din akong mahalin ka,
at gigising ako isang araw na may ngiti sa labi at wala ng nararamdaman pa,
pag dunating yung araw na yan asahan mong pupuntahan kita,
titigan kita sa mata para makasiguradong wala na talaga
at pag nangyari yun ito lang masasabi ko sayo
"salamat sa lahat, pinapalaya na kita".
YOU ARE READING
spoken poetry tagalog
Poesíapara sa mga taong iniwan at umaasang pwede pa kahit malabo na