*Play the song*
Alliyah's POV
Childhood memories
Matapos ang nangyari na aksidente ay ilang araw din akong namalagi sa ospital. Nagtamo ako ng fracture sa kanang binti dahilan upang hindi ako makalakad, i also suffered PTSM dahil sa aksidente. Halos wala akong kibo at imik, ni wala akong kinakausap at tulala lang lagi. Sinubukan nila na ipa counsel ako sa psychiatrist but they are still waiting for a good result.
Tulad ng mga nakaraang araw naiwan akong mag isa sa aking silid, walang imik at nakatitig lamang sa kawalan ng isang katok mula sa labas ng aking silid ang aking narinig. Tumayo ako upang silipin kung sino ngunit kahit anino ay wala maliban lang sa mga doktor at nurse na palakad lakad sa pasilyo. isasarado ko na sana ang pinto ng mapatingin ako sa sahig; isang asul na sobre ang nakahambalang sa pinto.
"Kanino to galing?" tanong ko sa aking sarili. Agad ko itong dinampot; asul na sobre na may mga sticker pa na teddy bear ang naka dikit. Binuksan ko ito at binasa ang sulat.
wag ka ng malungkot, iyon ang naka sulat at may naka guhit pa na smiley face at sa di ko maipaliwanag na dahilan ay napa ngiti din ako.
Simula noon ay lagi may nag iiwan ng sulat o di kaya laruan sa labas ng aking kwarto, kahit di ko kilala kung kanino ito galing ay gumagaan ang loob ko kaya naman sa isang sulat namin ay nakiusap ako na mag pakilala na sya at hindi naman ako na bigo, nakipag kasundo sya na makipag kita sa akin.
Isang gabi lumabas ako ng aking silid upang abangan kung sino ang taong nag iiwan palagi ng sulat sa labas ng aking kwarto. Naupo ako sa mahabang upuan malapit sa aking silid, mahigit trenta minuto na ang lumipas ngunit wala pa ding nag pakita.
Maya maya ay nagulat ako sa batang lalaki na biglang lumabas sa isang silid na di kalayuan ng sa akin. Tumatakbo sya at umiiyak, hinabol naman sya ng nurse ngunit hindi sya naabutan.
Nakita ko ang batang lalaki na nagtungo sa isang kwarto na walang tao kaya naman sinundan ko sya. Nakaupo sya sa isang sulok at umiiyak.
"Bata, wag ka ng umiyak." pag aalo ko sa kanya. agad naman syang napatigil sa pag iyak at napatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito? lumabas ka na!" pag susungit sakin ng batang lalaki.
"lalabas ako pag tumahan kana." sagot ko. "bakit ka ba kasi umiiyak?" pag uusisa ko at tumabi sa kanya.
"Nalaman ko kasi na patay na pala si mama, iniwan na kami ni papa." at humagulhol sya ng iyak. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya, ang sakit na nararamdaman nya ay tulad ng sa akin. " wag ka mag-alala, sigurado akong masaya na sila sa langit kasama ng mama ko at binabantayan tayo." napahinto sya sa pag iyak at napatingin sa akin. Hindi nya siguro inaasahan na wala na din ang mama ko.
"Wala ka na ding mama?"
"kahit wala na sila, lagi naman silang nasa puso ko at siguradong binabantayan nila ako." ngiti ko sa kanya.
"kung nandito siguro si mama hindi ako matatakot para sa operasyon bukas." mallungkot nyang sabi.
"bakit ooperahan ka?"
"may namuo kasi na dugo sa utak ko kaya kailangaan operahan. Natatakot ako, sana nandito si mama." nagulat ako sa mga sinabi nya at naawa. Agad kong inabot sa kanya ang knitted doll na hawak ko.
"Sa iyo muna si Princess para bantayan ka, ginawa ng mama ko yan para sa akin. Ipapahiram ko lang yan kaya kailangan mong gumaling at ibalik sa akin yan." kiinuha naman nya ang laruan at sumilay na ang ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
My Fiance and I (On Going)
RomancePano kaya pag nalaman mo na ikaw ay na ka fix marriage na sa iba? Tapos para makalusot ka sa arrangement ay nakipag deal ka sa taong kakakilala mo palang na mag girlfriend at boyfriend kayo. At isang araw magugulat na lang kayo na ang fiancee at fak...