Over You

2 1 0
                                    

   Over You

"NGAYON!Mamili ka na samin!!ako bang kaibigan mo o yang kapatid ng jowa mo?"

Nang lumabas yan sa bibig ng kaibigan ko na si Tine parang biglang huminto ang Mundo ko nanlamig ang buong katawan ko biglang nanikip ang dibdib ko at nagpaunahan ng tumulo ang mga luha ko.Sa mga oras na iyon Di ko alam kung anong dapat Kong isagot kung sino ang dapat Kong piliin Di ako makapag isip ng maayos.Di ko inaasahan na aabot kami sa ganitong punto.

~*~

Hi! Ako si Diane 1st Year High School student dito sa isang public school sa cavite.

At dahil first day of school ngayon tahimik lang ako dito na nakapila sa likuran at naglalakad papunta sa room namin.

"Hayst asan na ba kase yung kaibigan kong si Micaela tagal niya naman" inis kong bulong sa sarili ko .Sa lahat kase ng kaibigan ko siya lang ang naging kaklase ko.

Maya Maya pa ay nakarating na kami sa room at sa may bandang likod ako umupo. Di ko naman kase ugaling mag Bida Bida sa Harapan ng guro at ayoko ren sa Harapan umupo feeling ko ang bait bait kong Tao pag ganon HAHHAHAHHAHHA

At kasabay ng pag upo ko biglang dumating si Micaela na hingal na hingal HAHHAHAHA "yan kase tanghali na gumising" sabi ko sa kanya habang umuupo

"Baliw sobrang traffic kase first day of school e malay ko bang ganun ka traffic ngayon hayst nako" sabe niya habang naglalakad at umuupo sa tabi kong upuan

Pagtapos ng 2nd subject namin kinausap ako ng nasa Harapan kong Babae
"Hi?Ako nga pala si Aubrey. Ikaw?" Tanong niya habang nilalahad ang kanyang kamay sa Harapan ko.

Gusto ko sana siyang snobin kase wala naman akong balak makipag kaibigan sa kanya pero syempre dahil first day Kailangan alam niyo na hahahhahha chos

"I'm Diane."yun lang ang isinagot ko at kimanayan siya. Ohemgi I need some alcohol  please HHahhahaha Arte e chos ulit

Pagkatapos ng kamayan na naganap na yon ay may dumating na guro na siyang Adviser naman namin at dahil adviser namin siya madami siyang rules dito sa room at sa time niya. At dahil siya ang adviser namin siya ren ang mag aarange ng upuan namin na pinaka ayoko sa lahat dahil ako ang pangatlo sa listahan ng babae in short sa Harapan ako uupo.

Pagkatapos maarange kung saan dapat kami nakaupo ay napasimangot ako.

Pagtapos ng pagkabadtrip na yon break time na at bumalik ako sa upuan ko sa likod aba Di pwedeng sa buong taon ay sa unahan ako uupo.

At dahil sa ginawa ko tinignan ako ng mga kaklase ko . Siguro nagtataka sila kung bakit ako lumipat ulit dito sa likod .

Tinaasan ko naman sila ng kilay sabay sabing "oh ano wala ba kayong balak lumipat sa mga upuan niyo kanina. Baka naman sa time niya lang tayo naka arrange alphabetically." at dahil sa sinabe ko tumayo sila at bumalik sa dating upuan HAHHHHAHHAHA strong ko joke.

~*~

Isang buwan na Ren ang nakalipas Simula nung pasukan.Marami na Ren akong kaibigan sa room hahahha siguro nga tama yung mga dati kong kaibigan na friendly ako.

"Ano Diane? Tuloy ba tayo mamaya?" Sabi ni Ash
"Dun ba tayo ulit?" Tanong naman ni Aira
"Asual dating gawi"sagot naman ni Tine
"Dapat ambagan tayo sa pagkain" suhestiyon naman ni Keith
"Oo nga para Di tayo magutom mamaya" dagdag pa ni Trix
"Maglaro ulit tayo mamaya ng patintero huh"nakangiti sabe naman ni grace
"Oo tsaka taya tayaan"singit naman ni arriane
"Uuwi muna ako susunod nalang ako sa inyo" sabe naman ni jerj habang nakayuko
"Uuwi ka pa ? Wag na diretso na tayo sa tambayan" sabe ni Nicole sabay batok kay jerj
"Papagalitan ka ren naman e Lubusin mo na"sabe ni Allan ang mamc namin

Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon