Milyong problema nagsama-sama
Mga sugat ay sariwa pa
Buhay ko ba ay importante pa?“kakayanin ko pa ba?”
“malalabanan ko pa ba ito?”
“bakit sa akin pa nangyari to?”
Mga tanong sa aking isipanMga tao sa paligid ay lihim akong pinag-uusap usapan
Wala man lang malasakit
Sa puso ko ay pasakitHindi ito biro
Ang nararamdaman ko
Di karaniwan sa ka tulad niyo
Dahil ako ay laging nagdudusaGusto ko ng tulong niyo,
Gusto ko ng importansya niyo,
Gusto ko ng pagmamahal niyo,
Ngunit walang may gusto
Walang sino man may gustoKung sa tingin niyo ako ay nababaliw
Oo,nababaliw na ako
Nababaliw na ako sa problema kung dinadalaDahil puro na lang panghuhusga ang nalalaman niyo
Pero salamat sainyo
Salamat dahil dinadagdagan niyo ang sugat sa buhay koSa araw-araw na nabubuhay ako
Para akong patay
Patay na pinabayaan sa isang tabiHindi madaling makitungo
Dahil hindi madali ang buhay ko
Dahil Isa itong sakit na sarili mo lamang ang lunas
Wag kang tatakas sa paraang iyong pagsisihanSa panahong kailangan namin kayo
Sana ay pagbigyan niyo
Hindi panghuhusga ang kailangan namin
Dahil tulong ang aming hilingAng hirap
Ang sakit
Hindi ko na maintindihan
Buhay ay maaring maadwit sa kamatayanPara kang nasa rehas
Kinukulang ka sa sarili mong problema
Isipan ay gulong-gulo na
Iiyak ka na lang talaga sa isang tabiAng depresyon ay pinagsama-samang emosyon
Na hindi inaasahang lokasyon
At hindi para makakuha ng atensyon
BINABASA MO ANG
PANLIPUNANG TULA
PoetryIto po ay aking ginawa para sa lipunan at Hindi para sa mga walang kakwentahan.Sana po'y inyong magustuhan ang aking isinulat na tula sa lipunan,yun lamang at maraming slamat.