Written by Judycute (Chapter 3)
FAST FORWARD
Malapit na yung meeting namin excited na ako lumabas 1 minute nalang at yan palabas na ako.
“Judy Ann Good luck” Sabi ni kyla at tsaka nag-wink
“Ha? Anong Good luck pinagsasabi mo pupunta lang ako sa meeting naming sa Club”
“Basta dun mo na malalaman”
“Ewan ko sayo” Tsaka lumabas nang classroom.
Hala late na ako ng 5 minutes nakakahiya. Kaya tumakbo nalang ako mabilis
“I’m sorry if I’m la—teka ba’t walang tao ditto?”
“Nandito ako”
“Ahhhh Charles naman eh tinakot mo naman ako ay teka ba’t ikaw lang mag-isa dito wala pa ba sila?”
“Ang totoo nyan wala tayong meeting”
“Ay na postpone?”
“Hindi ang ibig kong sabihin walang na postpone na meeting at wala talagang meeting na magaganap”
“Ha? Eh bakit may nag-announce kanina”
“Ikaw lang yung pinasabihan ko para makapag-usap tayo” Nakalimutan ko pala sabihin makapitbahay kami kaya palagi ko syang nakikita at naging magkaibigan kami minsan lang kami mag-usap.
“Makapag-usap? Tungkol saan? May contest ba na igaganap dito sa school?”