Synopsis

8.3K 140 35
                                    

He hates her, she hates him. Know why? Because he named her a flirt. Is the more you hate, the more you love true?

Nang hiwalayan si Gail ng kanyang kasintahang si Ken ay halos ginugol at inubos na niya ang kanyang oras sa pagmumukmok sa kwarto. Ang rason daw kasi nito ay dahil isa siyang dependent. Hindi raw marunong tumayo si Gail sa sariling mga paa. Ni humanap ng trabaho para kahit man lang sa sarili niya ay hindi niya magawa. That hurts her so much! Pero ang mas masaklap, ay dahil nakipagbalikan pala ito sa dating kasintahan. Naging rebound tuloy ang lugar niya. Ginawa pang palusot ang pagiging buhay prinsesa niya upang hiwalayan siya ng gago. Kasalanan ba niyang ipinanganak siyang hindi na kailangang kumayod upang mabuhay? Kasalanan ba niy dahil pinanganak siya with a golden spoon at only daughter pa?

Upang mapatunayang kaya niyang tumayo sa sariling mga paa ay napapayag naman niya ang mga magulang na maghanap siya ng trabaho. Doon naman nakatagpo niya ang isang napakasungit na binata, si Carl. Mamahalin ang mga ngiti, tila lagi kang susunggaban at mamatay ka kapag nilapitan mo ito. Kaya niya namang umiwas na magkasalubong ang mga daan nila at magtimpi sa kasungitan nito. Ngunit ang hindi niya kinaya ay ang tawagin siya nitong 'flirt'. Hindi niya lubos maisip kung saang sulok ng daigdig niya nakabangga ang binata o kung ano ang nagawa niyang kasalanan dito gayong ngayon lang naman niya ito nakita at nakilala.

What the heck is this man thinking? Ganoon ba kababa ang tingin nito sa kanya? Aminin man niya sa sariling gwapo ito kahit hindi pa niya nakitang ngumiti ang binata ngunit, gosh, tamaan na siya ng kidlat ngunit hindi niya yata kayang makipagkaibigan dito. At higit sa lahat hinding-hindi niya magugustuhan ang binata sa sobrang suplado nito. Ngunit isang pagkakataon ang nagpabago sa pagtingin niya sa binata. Lalo na nang malagay sila sa isang alanganing sitwasyon kung saan ay kailangan nilang magtulongan upang maisalbar ang kanilang mga sarili. Sa isang pagkakataon ay hinalikan siya ng binata. Nalito ang kanyang puso at utak. Naging malambot na ba ang pusong bato nito? Gusto na ba siya ni Carl? O baka naman siya na ang nagkakagusto rito?

He Named Me "A FLIRT"Where stories live. Discover now