Chapter 11 : Hurt
-----------------> Thia's Crying
Thia's POV
Lumipas ang Isang Linggo .
Ngaun ang Full Moon .
Ngaun Lumalakas ang mga witch .
Naglibot libot ako lahat naghahanda sa full moon mamayang gabi kinakabahan ako pagkatapos kasi ng full moon sasalakayin na nila dawn ang mga dark witches nagaalala ako baka matalo o may .. may .. huwag naman sanang mawala sila .
Humawak ako sa tiyan ko .
Pakabaet ka baby ah ? -ako
----------
Nagsilabasan na ang lahat ilang minuto nalang ay full moon na .
Katabi ko ngaun si Ash at devon nasa gitna nila ako .
Nakatingin kaming lahat sa papalabas na buwan .
Kung Pwede lang na hilingin na sana wag nang lumabas pa yon Hiniling ko na ayoko kasing magkaron ng isang digmaan panigurado maraming masasaktan .
Lumabas na yung buwan .
Umuusok yung buong lugar tapos parang may ewan akong nararamdaman .
Parang lumalakas ako ?
Eto naba yung sinasabi nilang lumalakas tuwing full moon ?
Napansin ko yung mga sugat ng ibang dark witches nag hilom .
-----------
Natapos na ang Full moon .
Umaga na at nagsialisan .
Bakas sa sakanila na lumakas sila halatang sa aura palang .
Lalo akong natakot paano nalang pag sumugod na sila Dawn?
Hindi pu- pwede ..
Pinuntahan ko si ash sa kwarto namin .
Ash .. - ako
Bakit ? - ash
Nilapitan niya ako at niyakap .
May hiling ako .- ako
Anu yun ? - Ash
Lumayo siya sakin bahagya .
Ash .. sana pagbigyan mo ako sa hiling ko . Gusto kong walang masaktan sa mga susugod dito . i mean wag niyo silang sasaktan .. May Balak silang sumugo dito sila kuya . - ako
Hinawakan ko yung dalawa niyang kamay .
Ash please .. Sinabi ko na rin naman syo na susugod sila eh ako na bahala magpaalis sakanila basta wag niyo lang silang saktan please .. - ako
Ang lakas rin ng loob nilang sumugod rito .. - Ash
Ash please .. - ako
Tumulo yung luha ko .
Please ash kahit ngayon lang pagbigyan mo yung hiling ko .. - ako
Sinuklay niya yung buhok ko .
Sige . - Ash
talaga ? - ako
Nagliwanag yung mukha ko .
Salamat ! - ako
Ash's POV
May balak silang sumugod ? HA-HA ang lakas ng loob nila .
Hmm .. may naisip akong magandang plano .
Thia's POV
Biglang may malakas na pagsabog sa labas .
Dali - dali akong lumabas alam kong sila na iyun .
Nagulat ako ng may Humablot sakin .
Dawn . - ako
Tara na thia ilalayo kita rito . - dawn
Dawn .. hindi pwede .. Umalis na kayo . - ako
Anung KAGULUHAN ITO?! - Devon
Tara na thia . - dawn
Ayoko dawn .. hindi pwede umalis na lang kayo ! - ako
ang lakas rin ng loob niyong sumugod rito ah ! Bakit lumalakas na ang loob niyo porket nasa panig niyo ang white witch ?! -devon
Aakmang gagamitan ng magic ni devon ang mga white witch pero pinigilan siya ni ash .
Ginawa na ni ash yung part niya ako naman dapat .
Im sorry dawn pero .. kelangan .
Lumayas na kayo dawn wag niyo na akong iligtas . Gusto ko rito . Wala kayong mapapala sa pagpunta rito masasaktan lang kayo . - Ako
Tumalikod ako pero hinawakan ni dawn yung braso ko .
Napapikit nalang ako .
Wag ka namang ganyan dawn baka diko kayanin .
D-dawn Bitaw . - ako
Thia anu bang nangyayare sayo ? Mas pipiliin mo bang sumama sakanila kaysa samin ?! - dawn
Kaya mo yan Thia ..
hindi ko gusto sumama sakanila pero alang - alang sainyo pipilitin ko kahit auko .
O-oo - ako
Nahihibang kana thia . Nagbibiro ka lang . - dawn
Hindi ako nagbibiro . - ako
Nagpumiglas ako sakanya .
Tatakbo na sana ako pero bigla niya akong niyakap . Back hug .
Wag thia .. wag .. dito kana lang samin . - dawn