Chapter 10

81 7 4
                                    

Chapter 10

Candidate?

Yhazmine POV.

        Nagising ako hindi sa alarm clock ko kundi sa sunod sunod na pagtunog ng phone ko.

My earth feels like it stop turning
And my sun feel like its stop burning

Have you ever seen the sun after the heartbre--  thats my ringtone.

Agad kong inabot ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nagtext agad na namilog ang mata ko sa sunod sunod na text niya.

From: Alas

'Hey, beautiful lady😊 wake up now, susunduin kita'

'Nakahanda kana ba baby?'

'why are you not answering your phone? Damn it'

'Baby im worried'

At ang latest ay ang nagpabangon sakin papuntang banyo.

'Nasa loob nako ng bahay niyo. Ill be going in your room if five minutes wala ka pa'

Pagkatapos kong maligo ay inayos kona ang sarili ko, i wear my braces but not my glasses. Ipinusod ko namn ang wavy hair ko at saka bumaba ng hagdanan doon ko nakita si Ace na prenteng nakaupo sa sala habang umiinom ng kape. Agad na ginawaran ako ng tingin ni Ace saka tumayo at nakangiting lumapit sa akin dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso.

"Hey Good morning" nakangiting saad nito sa akin. "You look so pretty today as always" sabay kindat nito sa akin.
     
Inirapan ko na lamang siya dahil sa kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko pataas sa pisngi. Sakto naman ang paglabas ni Dad mula sa kusina.

"Oh? Ano pang tinutunganga niyo dyan?" ngiting saad ni Dad kaya napatawa kami.

"Dad! Dipa ako nakakapag breakfast" pout na saad ko, bigla namang pinisil ni Ace ang pisngi ko kaya tinapik ko ito.

"Sa University ka na lang kumain Babe 😉. Malelate na tayo" sambit ni Ace katcha ko tinignan ang relo ko at tama nga siya.

"Oh sya! Alis na kayo" sabay tulak niya sa amin ni Ace.

"Dad! Para mo naman akong pinalalayas!"reklamo ko kaya natawa naman ang dalawang ito.

"Parang ganun na nga! Choo! Choo!" Natatawa niyang saan at ng tuluyan niya na kaming mapalabas ay agad niya kaming pinagsarhan ng pinto. Oh diba? Attitude tatay ko -_-!

"Lets go?" Alok ni Ace, tumango na lamang ako at sumakay sa kotse niya.

Ff.

@A. University

"Tara na?" Sabay lahad niya ng kamay pero mabilis akong umiling dahilan para magtaka siya.

"Anukaba! Nerd ako noh? Kung ano pang sabihin ng iba diyan" nag aalala kong sambit. Nginitian niya ako saka hinawakan ang kamay ko.

"Wag kang mag alala, hindi matatago ng braces mo at ng pag iiba mo ng apilyido ang katotohanan na maganda ka" sabay halik niya sa noo ko dahilan para uminit ang pakiramdam ko.

"Whoooa! Ang init" saad ko sabay paypay gamit ang mga kamay ko. Sa pagkakataon nato sa may bandang labi niya na ako hinalikan at walang pasabi na aalis kaya hinabol ko siya.

/Hey! Why is she following our Ace!/ Froglet 1
/But she looks pretty today/ froglet 2
/Cant argue with that/ froglet 3

Sila ang madalas manglait sa akin dito ngunit taka ako na medyo kinomplement nila ako. Ano kaya nakain ng mga toh? Nagulat na lang ako bigla ng may umakbay sa akin. No! Kaming lahat pala.

"Ace" bulong ko sa pangalan niya, pero di niya ata ako narinig at ang pula ng tenga at leeg niya.

"Ace!" Tawag ko ulit sakanyan, pero katulad kanina dinedma ako ng nana nyo!

"ACE!" sigaw ko mismo sa tenga niya at doon lang siya natauhan at halatang malalim ang iniisip.

"A-ano?" Nauutal niyang sambit, kumunot naman ang noo ko.

"Nilalagnat kaba? Ang pula kasi ng tenga at leeg mo!" Tanong ko sakanya at para na naman itong walang naririnig kaya hahawakan ko sana ang kanyang noo ng bigla itong umiwas.

"Andito kana sa room niyo, pasok kana" saad niya, malumbay akong pumasok sa room pero di pa ako nakalalayo ay hinigit niya bigla ako.

"Im fine! Dont worry" saka siya ngumiti ng matamis para mapangiti ako. Hinabol ng paningin ko ang likod niya hanggang sa mawala na ito ng tuluyan sa paningin ko. Doon ko lang napagtanto na nakatitig sa akin si Justine.

"Umagang umaga ang landiii!" Maarteng sambit ni Samantha, hindi ko na lamang ito pinansin at naupo na lamang. Maya't maya pa ay nagsimula na ang klase.

Kring.. kring... Kring...

Hudyat na tapos na ang klase sa umagang ito.

"Ok class, before I leave may announcement lang ako." Panimula ni Ms. Santos.

"Dahil malapit na ang intramurals magkakaroon ng Pageant, so i need volunteers na sasali" ngiting sambit ni Ma'am na kina tili ng lahat.

"Maam! Si Samantha Corpuz po tsaka ang fiance niya!" Sigaw ni Forte's, isa sa mga maaarte kong kaklase. Habang si Samantha ay panay pabebe.

"Oweemjiii why me?" Maarteng saad niya, i just roll my eyes.

"Okay wala na ba?" Sabay tingin ni Ms. Santo sa akin. Bigla naman nagsalita si Samantha.

"Why don't we let Yhazmine to join the contest?" Demonyong ngiti niya. Agad naman namilog ang mata ko kasabay ng tawa ng lahat dahil nga sa itsura ko.

"Samantha!" Sigaw ni Justin na parang winawarningan si Samantha.

"Besh! Go na! Its time para makilala na nila ang totoong ikaw" pag checheer up sa akin ni Joana. 

"Kaya nga! G na yan" pag sang ayon ni Nicholas sa fiance niya.

"Ok thats final! Samantha and Ms. Cruz will participate in the Pageant" sabay alis nito, di man lang ako pina oo -_-.

"Goodluck bitch!" Sabay ngisi nito habang ako? Tulala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Twin Of My Ex Is My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon