Isang magandang umaga sa bayan ng Frances July 12, 2018, gumising na si Celso sa kanyang higaan at nagkape at naligo at nagbihis para pumasok gustong-gusto ni Celso na maglakad dahil ng magandang tanawin, Pagkarating niya sa eskwelahan natural na palagi siyang binubully ng isang tropa sa eskwelahan, Kuha si pagkain, pinapahalik sa pader, Sinusuntok, At dinadare sa mga mapahamak na bagay, isa na namang masamang araw para kay Celso umuwi ng malungkot si Celso, kumain si celso nang hindi man lamang sinasabi sa kanyang magulang ang kanyang dinaranas, nag toothbrush at natulog na si Celso, kinaumagahan ganun ulit ang nangyare kay Celso noong pahapon nakasalubong ni Celso ang mga bully sa kanya at inutusan siya na pumanta sa isang abandoned town na ituturo nila kung hindi bubugbugin ito, At sa ganun nga hindi makatangi si Celso tuluyan nga na pumunta si Celso sa lugar na iyon na Tinatawag na River Town, nasira ang River Town dahil ng flash flood dahil ng bagyo, pumanta si Celso sa River Town na mag-isa dahil sa medyo malawak ito naligaw na si Celso at para makita ang daan pauwi umakyat siya sa ikalawang palapag ng sira-sirang bahay at dahil marupok na ang bahay pagapak ni Celso sa isang parte ng ikalawang palapag ng bahay ay nagpatak ito at napatama ang ulo, dahil sa mataas na pagkakapatak nakatulog si Celso at pagkagising niya nagtaka at gawa ang bahay at maging lahat ng estraktura sa River Town takang-taka siya at nakita niya ang petsa maging ang buwan at taon sa kalendaryo na June 13, 2014, lalo pang nagtaka si Celso sa kanayang paglilibot siya ay nauhaw at nagutom , dahil walang salapi pumunta ito sa isang open restaurant at nanguha ng tira ngunit sinita siya ng isang babae na nagngangalang Lina a working student sinabi nito na walang mannners si Celso gayun pa man pinalabas na si Celso, Makaraan ang ilang oras at gabi nagaalala si Celso ng lugar na matutulugan at naisip nito na bakit hindi na lang sa unahan ng restaurant total wala namang tao na, Kinaumagahan si Lina ang naatasang magbukas ng restaurant at nakita nito si Celso na natutulog kaya ginising niya ito at pinalis noong tanghali nmn din ay bumalik si Celso, napansin ni Celso na hindi pa siya naliligo makaraan ang ilang araw kaya naligo muna ito sa may ilog at sinuot ang dati niyang damit at bumalik sa restaurant, masama ang tingin ni Lina kay Celso dahil bumalik pa ito, makaraan ang ilang minuto umupo na si Celso sa labas at may pumasok na lalake na may tinatago sa may damit at tinutukan ng baril si Lina upang magnakaw, nakita nmn ito ni Celso, nakakita si Celso ng isang tabla ng isang kahoy kaya tinulungan niya si Lina, nasa likod si Celso at hinampas sa ulo ang lalake at nakatulog ito kaya nadakip ng patrol, Nagpasalamat si Lina kay Celso bilang kapalit ay pinakain niya ito habang kumakain si Celso umupo din dito si Lina at kinausap si Celso saan ka ba nakatira bakit diyan ka sa unahan ng restaurant natutulog sabi ni Lina, ewan ko di ko maintindihan kung paano ako napapunta dito sabi ni Celso, sabay nagtanong si Celso ano nga pala ang iyong pangalan nais kong malaman, Ako si Lina, 14
tugon ni Lina, ahh magkaedad tayo ahh sabi ni Celso, ehh bakit ka nag tatrabaho sa ganyang edad sabi ni Celso, Hindi mo na kailangan na malaman yun tugon Lina, umalis at bumalik na sa pagtatrabaho si Lina nung pauwi na siya sinundan ito ni Celso hanggang sa natunton niya ang bahay nito, nakita ni Celso kung gaano kahirap ang buhay ni Lina walang higaan, lamesa, sofa lamang at mga gamit sa kusina ang meron siya sa sahig sila natutulog kasama ang kanyang pamilya, kaya nagisip ito ng paraan kung paano matutulungan si Lina, Pumunta si Celso sa simbahan at nagdasal, nagapply siya sa Mail post at pinuntahan si Lina at sinabi lahat ng aking sahod ay ibibigay ko sa iyo bilang tulong, Ano ba hindi mo kailangan gawin yun sino ba ako sa iyo at bakit ka din nagtrabaho ehh estudyante ka lang din at kung ganun ang gagawin mo wala ng matitira sa iyo sabi ni Lina wala pa akong pinakakagagagastusan iyo na yun para sa pamilya mo tugon ni Celso at pumunta na ito sa kanikanilang trabaho sa paglilibot ni Celso dahil siya ay Mailman nakita niya ang isang matandang lalaki at nadapa ito at muntikan nang masagasan ngunit niligtas ito ni Celso, Maraming salamat utoy anonh pangaln mo sabi ng matanda, Celso po tugon ni Celso, Paano ako makakabawi sa iyo sabi ng matanda, ay huwag na po hindi ko kailangan ng kapalit tugon ni Celso, Hindi ito ang ibibigay ko sayo isang lupain sa hilaga ng ilog, tinangihan ito ni Celso ngunit mapilit ang matanda kaya tinanggap niya ito, naisip niya na patayuan na lang ito ng isang restaurant kaya lahat ng kikitain niya ay iipunin pang pagawa ng restaurant at sinabi niya ang kaniyang plano kay Lina pagkatapos sabihin ay niyaya niya ito sa isang date, Lina pwede ba kitang mayaya na lumabas sabi ni Celso, Ahh sige tapos na naman ang trabaho diba tugon ni Lina pumunta sila sa isang parke at pumunta sa isang cafe, ngunit nakita ni Lina ang kaniyang totoong ama sapagkat ngayon nabubuhay siya kasama ang step father niya, Celso huwag tayo dito sa iba na lang ,sabi ni Lina, Ha bakit may issue batong cafe na ito tugon ni Celso, Dali tara na ayaw ko dito sabi ni Lina, Pero nakapag pareserve na kasi ako eh sayang naman tugon ni Celso, Sige na nga ,sabi ni Lina, bakit ba kasi ayaw mo dito anong meron, sabi ni Celso, Nandito kasi totoong tatay na nangiwan sa aming magkapatid tugon ni Lina, Halika sumama ka sa akin, sabi ni Celso at sumama nga si Lina at lumapit sa kanyang tatay na may date na iba, Sir excuse me gusto ko lang sabihin na maraming salamat sa pagsira ng buhay ng girlfriend ko your a nice father, sabi ni Celso sa ama ni Lina. Na shock si Lina sa ginawa ni Celso, Girlfriend ? sabi ni Lina, Gusto ko sanang magtapat ng aking nararamdaman Lina na noon unang nakita kita nabighani ako ng iyong mata ng brown mo na buhok ay ang maganda mong kutis, flattered si Lina, Pagkatapos nito ay naglakad sila sa parke at nagbabalak si Celso na magtanong kung pwede maging sila, Lina pwede ba kitang maging ahh huwag na nga, sabi ni Celso, Maging ano, tugon ni Lina ngunit hindi kaya ni Celso na magtapat kay Lina, kaya humingi siya ng tulong kay Devy katrabaho niya sa Mailpost. Pinalano nila Celso at Devy na magsagawa ng prank na dumating yung magnanakaw sa restaurant muli at ginantihan si Celso, isasagawa nila ito bago magtapat kay Lina, Kinabukasan ng prank nagkunyareng duguan at nakalupagi si Celso at tinawag na ni Devy si Lina, Lina lina bumalik yung magnanakaw sa restaurant at tinambangan si Celso, sabi ni Devy, Kaagad na pumunta si Lina napaluha at alalang-alala si Lina, Celso naman eh nawala ka pa mahal naman din kita dapat pala noon palang eh sinabi ko na mahal kita, sabi ni Lina, gumising na si Celso at sinabi Ano yun anong sabi mo hindi ko napakinig ehh, Ano to, sabi ni Lina, Ano muna ang sinabi mo kanina, sabi ni Celso, Oo na mahal kita, sabi ni Lina. Ano yun pakiulit, sabi ni Celso. Mahal kita, sabi ni Lina. Total mahal natin ang isat-isa pwede na kitang maligawan, sabi ni Celso. Sige na nga, sabi ni Lina.
At masayang umuwi sa kani-kanilang bahay sina Lina at Celso. Pagkauwi ni Celso may narinig siyang anunsiyo sa radyo na may paparating na bagyo maaring magka flash flood at landslide sa mga masasabing lugar, Whistleton, Rivertown, Mountscape City. Ngunit binalewala ito ni Celso at natulog makaraan ang ilang oras naramdaman niyang parang yumayanig kaagad itong lumabas at tiningnan at nakita niya ang malaking masa ng tubig na rumaragasa sa ilog sa bilis nito nalamon siya at lahat ng tao at estraktura sa Rivertown. At bigla nalang nagising si Celso na nasa Ospital at nakita-niya na ang kanyang magulang na tuwang-tuwa, Agad siyang kinausap ng doctor, kamusta Celso mahigit apat na linggo kang na coma dahil nagpagkakapatak mo sa isang gusali hayaan mo magaling ka na sa susunod na araw, Nasaan si Lina okay lang ba siya, sabi ni Celso. Sino si Lina, sabi ng doctor. Yung babae sa Rivertown, tugon ni Celso. Agad siyang sinagot ng doctor, matagal ng abandonado ang Rivertown dahil ng flash flood noong June 30, 2014, walang tao dun Celso. Hindi may tao dun nandun si Lina, sabi ni Celso. Magaling pa eh umuwi na kayo at dun kana magpahinga ha, tugon ng doctor.
BINABASA MO ANG
The Otherside
RomanceIsang romantikong istorya ng isang babae at lalake na sina Celso at Lina na magkaiba ang Timeline