M.U lahat siguro akala na pag may ka "MU" ka ang saya saya na , dahil feeling mo may karapatan ka sa kanya yung sweet kayo sa likod at harap ng iba at nag babago ka dahil sa kanya yung ang gaan gaan ng feeling mo yung happiness lang yung nararamdaman mo.
Pero mali ang hindi lahat ay masaya dahil sa dalawang letter na yan dahil minsan jan ka makakaranas ng sakit,galit at laong lalo na ang pagseselos. Dito mo rin mararanasan ang magtanong sa sarili mo sapat na ba ang sarili ko sa kanya.
Lalo na kung nalaman mong may iba na palang gusto yung ka MU mo at parang feel na feel mong magwala, ilagay silang dalawa sa drum at lagyan ng gas at sindihan ng posporo at ang pinakaayaw mong makita ay mga happy couples at makarinig ng lovesongs.
At haharap ka sa isang katotohanan at na ang salitang MU lang kayo ang sasampal sayo para magising ka sa katotohanan na hindi mo siya pag aari.
Ang tunay na kahulugan ng MU ay hindi mutual understanding kundi ang title ng storyang to mismo
Ang bitter ko ba well sabihin na natin naranasan ko na ang ganyan na nauwi lang din sa isang not so happily ever after
=Flashback=
Isang ordinaryong babae lang ako wala masyadong nakukuha na atensyon hindi sikat na estudyante dahil nga honor student pero nagbago ang lahat ng nagka gusto ako sa kanya siya na kilala bilang badboy ng school namin.
Sino nga ba ako I'm Cristelle Villareal at ako yung klase ng tao na mahilig sa tulog kaya siguro sinasabihan ako nila ng cold dahil minsan lang ako nakikipagbonding sa kanila pero may friend ako at bestfriend.
Siya si Crame Jao isang badboy hindi literal na badboy na pang wattpad kundi sadyang masama lang talaga siya pero hindi naman siya masama dahil nasabihan lang siya ng ganyan kasi feeling siya at pikon pero isang araw nag bago ang lahat na inlove ako sa kanya kahit na hindi ko rin alam .
Dahil sa pag aakala ko yung mga tipo ko ay mga prince charming mababait at ewan ko nga din kupido nga naman kahit na impossible ginagawa.
Oo nagustuhan ko siya pero hindi naman ako ganun ka stalker at pati mismo bawat hininga niya ay alam ko oo nakikita ko siya ngumingiti ako pero hindi naman ganun ka hulog na hulog sa kanya.
Pero nag daan ang ilang buwan ay parang nawawala na ang pagtingin ko sa kanya ng unti unti pero ng may program sumali ako sa isang intermission number at tadhana nga naman ay sumali rin siya kaya nag kausap kami at di kalaunan naging matalik kaming magkaibigan ang gaan sa pakiramdam na kaibigan ka na nng crush mo nalalapitan mo na siya, nakakausap at nakakasama mo siya ng walang nakaka alam.
Feel na feel ko ang mga panahong yun at dahil nga umaasenso ako naging mag bestfriend kami lahat ng problema namin ay sinasabi namin sa isa't isa kaya alam ko lahat ng problema niya.
Minsan nga eh nagkaproblema ako sa grades ko sa gen scie tinulungan niya ako mabuti na nga lang at nandiyan siya dahil wala naman kasi akong magulang na nag babantay sa akin dahil nandoon sila sa ibang bansa nag tatrabaho.
Ilang buwan na kaming mag bestfriend 3 buwan na ata at yung nararamdaman ko para sa kanya ay mas lalong lumalalim pero mas gusto ko pang maging bff kami pero noong Valentines Day eh nagtapat siya sa akin sa isang booth at yun doon nag simula noon eh nagsimula na kaming maging sweet sa isat isa parati kaming nag chachat sa fb at nag kikita sa school dahil MU nga kami siguro akala ko na obligado gawin to.
Hanggang sa nanging grade 8 na kami ganun parin yung status namin pero mas lumalim pa. At may inamin siya sa akin na nagagandahan daw siya sa classmate niya ngayon pero ok lang naman sa akin kasi alam ko ako parin naman pero may kunting kirot dito sa puso ko pero sina walang bahala ko lang yun.
Isang araw sumilip ako sa room nila at nagulat ako sa nakita ko silang dalawa nag yayakapan at nasa harap ng teacher habang yung iba ay nag hihiyawan at nakatayo lang ako sa puwestong yun pinapanood sila pero hinila na ako ng kaklase ko buong maghapon tulala lang ako iniisip yung nakita ko at katulad parin ng dati nilimut ko na lamang ito.
Sabado wala akong magawa kaya binuksan ko yung fb niya at nagbasa basa ng message hindi naman sa pangenge alam pero wala lang talaga akong magawa at yun nakita ko na binasa ko at nasaktan ako sa nakita ko
" kuya sino crush mo?"
" Si Nika <3" sabi niya at may heart pa
At dahil sa mga salitang yun tumulo ang malalaking butil ng luha galing sa mata ko pakiramdam ko parang niloko lang ako. Eh saan naman ang Nika na pangalan sa pangalaan ko ay Cristelle hindi Nika ang laking mali wala na akong mapaglabasan ng sama ng loob kaya kinipkip nko ito.
Pagbalik ng pasukan tinanung ko siya tungkol sa nabasa ko at tanging nagawa lamang niya ay yumuko
" Siya na ba ha " sambit ko sa kanya ng sumisigaw
" Cris I'm sorry" sabi niya tsaka nagtatangkang yakapin ako
" Wag " pinigilan ko siya " Wag mong ituloy ang gagawin mo, pinag mukha mo akong tanga umasa ako sa sinasabi mo yun pala umaasa lang ako sa wala, ang sakit dahil kahit na may hinala na ako eh hindi ko parin yun pinaniwalaan ang laki laki kong tanga sana maging masaya ka sa kanya " sabay talikod ko at sa kalagit naan ng paglalakad ko patungong ointuan lumingon ako sa kanya
" Sana tama yung desisyong ginawa mo dahil dalawa lang ang hindi ko kaya ang mag solve ng math problem at balikan o mag antay sana Crame sana " sabay alis ko at yun ang huling pag uusap namin.
= End of Flashback=
Malbilis rin namang nawala yung balita tungkol sa aming dalawa at akalain mo nga naman sila na ni Nika hindi niya ba alam ang 6 month rule nag mo move on parin ako .
Kaya hindi niyo ako masisisi kung ganun ko i describe ang salitang MU dahil sa dalang letrang yan mag babago ang buhay mo ang salitang SAKIT mararanasan mo kaya wag kang mong ibuhos ang sarili mo kung nasa kalagayang yan dahil sa laro ng pag ibig ang dalawang manlalaro ang magpapasya kung gusto nilang manalo silang dalawa pero kung yung isa lang ang may gusto masasaktan at masasaktan lang siya.
Kaya nga MU= MARAMING UMAASA