Chapter 5: Gustuhin mo

103 9 6
                                    

Chapter 5: Gustuhin mo

Tao's Pov

Biglang nawalan ng malay si Ellie. Puteek. Buti nasalo ko kundi baka nabagok na ulo nito. Binuhat ko sya at inihiga sa likod ng kotse ko. Sinasabi ko na nga ba eh,magcocollapse to dahil sa lamig. Kahit kaaway ko to,kelangan ko parin syang tulungan. Konsensya ko pa pag pinabayaan ko to. Chineck ko kung may lagnat sya. Anak naman ng tipaklong oh. Antaas ng lagnat. Ganto na ba to kasensitive at nagkalagnat pa sya? Magiging doctor pa tuloy ako. Sa condo ko nalang sya dadalhin. Hindi sa condo namin. May iba akong condo. Ginagamit ko lang para mapag-isa ako. Kasi kung ihahatid ko to sa kamember nya bka bungangaan na naman ako ng mga yun. Maibuntong pa sakin yung kasalanan. Sabihin pa nilang pinagsamantalahan ko at maging dahilan para makita ako sa dyaryo. Ito naman kasi,aalis-alis tapos walang jacket. Tingnan mo tuloy yung nangyari.sumakay na ko sa harap at nagdrive.

**Condo

Kelangan ko pa syang buhatin paitaas. Baka kung ano isipin ng mga tao dito. Binuhat ko na sya at sumakay kami sa elevator. Salamat nalang sa gumawa ng elevator. Mapapadali to. Pinindot ko yung 3rd floor. Nandun kasi yung condo ko. Buhat ko syang may lagnat,kayat sisiguraduhin kong gagaling ka kaagad bipukas para di tayo paghuntingin ng mga kamembers mo. Biglang huminto yung elevator at bumukas. Naglakad na ko papuntang condo. May password kasi tong unit ko. Nilagay ko na yung password kahit hirap na ko sa pagbuhat. Bumukas na yung pinto ng unit ko at agad akong dumiretsosa kwarto para maihiga ko na sya. Binalotan ko sya ng comforter para di sya lamigin. San kaya ako matutulog nito? Sa sofa? Aba,matinde. Pumunta ako sa kusina at naghanda ng malamig na tubig apara ipunas sa kanya. Ito kasi yung ginagawa ni mama sakin. Bumalik na ko dun na may dalang planggana na may lamang tubig at towel. Umupo ako sa gilid nya at ibinabad yung towel sa tubig. Inuna kong punasan yung mukha nya hanggang sa mga braso nya. Hanggang dito nalang. Baka di pa ko makapagpigil. Tinupi ko yung towel at nilagay sa noo nya para mahigop yung init. Napatingin ako sa itsura nya. She's beautiful and i cant deny it. Her eyes,her nose,her lips,her face. Its all beautiful. No one can resist her. No make ups on. And i like that. Ayoko sa mga babaeng kong todo make up ay parang pupunta sa birthday para maging clown. This girl is different. Natural beauty. Bigla syang nagising at kita ko sa expression nya na nanghihina pa sya pero pinilit nya paring ngumiti.

''Tao. Pa-pakipatay yung aircon. Ang la-lamig''

Halata nga sa boses nya na nilalamig sya.

''Nakapatay na ah. Di pa ba sapat yung comforter para mainitan ka?''

''Ang lamig parin eh.''

Naalala ko yung ginagawa sakin ni mama pag nilalamig ako. No choice,kawawa naman kung pabayaan ko tong lamigin. Humiga ako sa tabi nya at nagkumot ng comforter. Bigla syang nagulat sa sunod na ginawa ko.

''A-anong ginagawa mo?''

Niyakap ko sya ng mahigpit.

''Sabi ni Mama,wala daw mas mainit sa yakap na mahigpit. Ayaw mo naman siguro buhusan ng tubig na mainit diba? Kayat ito,niyayakap kita para mabawasan yung lamig. Wag ka ng mag-inarte dyan. Kunwari ka pa,gusto mo lang eh''

Di sya nakaimik.

''Malamig pa ba?''

''Hindi na. Nabawasan na. Sa-salamat''

''May bayad to,isang halik bukas''

Di na sya nagsalita. Ano? Tulog na? Andali naman yatang matulog nito. Pinagmasdan ko sya habang tulog. Ang sarap nyang yakapin habangbuhay.

Ellie's Pov

Pagkagising ko. Bumungad ang mukha ni Tao. Napangiti ako kahit nanghihina ako dahil sa sobrang lamig. Thankful ako kasi di nya ko pinabayaan. Kayat wala kong pakialam kung saan ako ngayon.

Unexpected Love (Exo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon