Prologue

4 1 0
                                    

Sa mundong ito, hindi maiiwasang manghusga ng tao.

Mabuti man ang ipakita mo, may masasabi paring negatibo.

Masyadong pinapalaki at pinapalala ang problema at sitwasyon.

May mga nakikisawsaw kahit hindi naman dapat.

Heto ang mga halimbawa :

Mahirap ka? Pwes hindi ka maaaring makihalubilo sa mayayaman.

Anak ka sa labas? Kung ganoon, hindi ka maaaring makitira sa tunay na pamilya.

Hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral? Tatapak-tapakan ang pagkatao mo.

Pangit ka? Hindi ka dapat nangangarap sa mga magaganda at guwapo.

Nabibilang ka sa ikatlong kasarian? Pandidirihan ka ng mga tao.

Pero sa ganitong pag-iisip ng mga tao ..

Saan kami lulugar?

Paano kami mabubuhay?

Kung ang turing sa amin ay mga salot sa lipunan.

Mga walang halaga,

Mga kailangang itago sa mata ng mapangutyang mundo.

How can the misfits like us live with normals like you?

-Moonchild (The Midnight Deity)
01/13/19

The Misfits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon