Talking to the star

26 7 45
                                    

Jerome's POV

The memories of us during our college days was still fresh in my mind. Every time I think about it, I just can't help myself from smiling like an idiot.

Can you still remember the day we met? You are sitting beside me and reading your notes and I was staring at you. You have the beauty that every man wants to have, perfect shape of face, long eye lashes, pointed nose, perfect eye brows, thin but pinkish lips, long curly blond hair, and of course my favorite in all, your brown little eyes that captivated me, and I know you will have a special part in my heart. Ganun ako kasigurado sayo, nahuli mo pa nga akong tumitingin sayo kaya tumataas ang kilay mo sabay sabing "What are you staring at?" Ang sungit at taray ng dating mo kaya umiling na lang ako bilang sagot dahil natameme ako sa ganda ng boses mo, it's like I am talking to an angel that falls from the sky.

"Weirdo" saad mo at bumalik na ulit ang atensyon mo sa notebook mo kaya napatawa na lang ako, di mo na ulit ako pinansin hanggang sa dumating na ang instructor natin. Sino nga ba naman ako para mapansin ng isang kagaya mo?

Lumipas pa ang mga araw at buwan hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang graduation day, di mo parin ako pinapansin kaya naglakas loob na akong lapitan ka at kausapin.

"Hoooo!! Kaya ko ito" pangche-cheer up ko sa sarili ko.

"Hi." Sa hinaba-haba ng panahong di kita nakausap isang "Hi" lang nasambit ko? Isang salita lang ang nasabi ko makalipas ang ilang buwan ng huli mo akong mapansin pero unti-unti kang lumingon sa akin dahil busy ka sa pakikipagtawanan sa mga kaklase natin.

"Yes?" Nakangiti mong sagot. Sht bakit ang ganda mo? Tanong ko sa sarili ko.

"Pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?" Sabay tingin ko sa mga kasama mo upang humingi ng permiso at tumingin ka na rin sa kanila at nagsitanguan naman sila.

"Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin?" Tanong mo habang naglalakad tayo papalayo sa mga kausap mo kanina. Nang makalayo na tayo ay saka tayo huminto sa paglalakad.

"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pwede ba kitang ligawan?" Straight forward kong tanong sayo na ikinagulat mo dahil nakita ko kung paano lumaki ang magaganda mong mata.

"A-a-ano ulit yun?" Nauutal at namumula mong sagot sa tanong ko kaya natawa ako dahil dapat ay ako ang nauutal at hindi ikaw.

"Sabi ko, maaari ba kitang ligawan? Simula kasi ng makita kita ay gusto na kitang makasama habang buhay," napangiti naman ako ng makita kong namula ulit? ang mga pisnge mo dahil sa sinabi ko.

"Magpaalam ka muna sa parents ko lalong-lalo na kay papa, kung pumayag siya ay papayag na rin ako."

Napasigaw naman ako ng "Yes!" dahil sa sinabi mo kaya pinagtitinginan na tayo ng mga tao sa paligid pero wala akong pakialam dahil ang importante ay may chance na ako sayo.

-- -- -- -- -- -- -- -- -- --

"Seryoso ka ba sa anak ko?" Bungad na tanong sa akin ng ama mo pagkaupo ko agad sa sala ninyo. Bakit di ko nalaman na ang yaman niyo pala? Ang laki ng bahay niyo para sa tatlong tao.

Habang nakaupo ako sa sala ninyo ang iyong ama naman ay nasa harapan ko lang nakaupo habang ikaw ay naka-upo sa tabi ng iyong mama na kamukha mo. Alam mo bang labis ang kabang nararamdaman ko dahil ang seryoso ng papa mo? Pero kailangan kong magmukhang matapang para di niya mahalata ang kaba ko.

"Opo sir, seryoso po ako sa anak niyo," sagot ko sa tanong ng ama mong halos di na pumikit kaya nahigit ko ang hininga ko sa takot at ramdam ko na rin ang ilang butil ng pawis na tumutulo sa sintido ko.

"Papa! Wag mo naman po takutin si Jerome baka di na yan bumalik" natatawa mong sagot sa ama mo kaya natawa na rin ang iyong ina.

"Tumahimik ka dyan, gusto ko lang makasigurado na di ka lolokohin ng lalaking ito, alam mo namang ikaw lang ang prinsesa namin," baritonong hayag ng iyong ama kaya napangiti ako dahil parehas lang pala kami ng iyong ama.

Talking to the Star [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon