CHAPTER 1
KATH'S POV
*Kring kring*
Bwisit na alarm clock yan. Inaantok pa ako eh!
Kinapa ko yung alarm clock ko at nang makapa ko, pinatay ko na yung alarm. Ba't pa kasi ako nagset ng alarm eh.
Naramdaman kong may nagpoke sa cheek ko.
ANO NANAMAN BA TO? CAN'T THEY SEE THAT I STILL WANT TO SLEEP?
Hindi ko pinansin yung nagpopoke sakin. Bahala siya dyan, basta ako, matutulog ako.
"Beb.." Bigla akong napadilat dahil sa narinig kong boses.
"Sabi na nga ba eh! Boses ko lang makakapag pagising sayo eh!" Napairap ako at bumaling sa kabilang side ng bed ko.
"Beb.."
"Huy beb!"
"Beb! Dali na!" Habang pinopoke pa rin yung cheek ko.
"Beb, 5 more minutes please.."
"Beb, tara na. Go take a bath. May pupuntahan tayo."
"5 more minutes.."
"Okay." Naramdaman ko siyang humiga at niyakap pa ako.
Sanay na ako dyan. Sa pagyakap niya, sa paghalik niya sa noo o sa pisngi ko, sa pagiging sweet niya.
He's my best friend since I don't know when.
Pero sa magbest friends, hindi maiiwasan na ang isa ay mahulog habang yung isa, walang kamalay malay na nahuhulog na yung isa. Kaya yung isa, palihim na nasasaktan habang yung isa, nakatuon sa iba ang atensyon at masaya.
At ang magbest friends na sinasabi ko ay kami ni Daniel.
Ako yung nahulog at si Daniel ang nakatuon ang atensyon sa iba at masaya.
Ironic isn't it?
I'm so stupid to fall in love with my best friend.
"Oh, beb, tapos na 5 minutes mo. Go take a bath."
"Okay, fine. Tss." Nagdabog pa ako papunta sa CR.
Pumasok ako sa CR at humarap sa salamin kong napakalawak.
"Ang ganda ko."
Yes, I'm vain.
Tinanggal ko na ang damit ko at naligo. Syempre alam niyo naman ang mga babae, natural na ang pagiging matagal maligo. Madami kaming ritual noh.
Shampoo, conditioner, babad yung sabon sa katawan. Ginamit ko rin yung body wash ko. Hehehe.
Pagkatapos ko maligo, dun ko lang naalala na hindi pala ako nakakuha ng damit from my walk in closet.
Pero, keri lang kasi lagi naman ako nakikita ni DJ na nakatowel lang pag lalabas ng CR.
Lumabas ako ng CR at dumeretso sa walk in closet ko. Si DJ busy sa phone niya.
Tss. May bago sigurong pinopormahan.
Hindi ako nagseselos.
Oo, HINDI.
Okay, fine.
OO NA, NAGSESELOS NA AKO.
Nang mahanap ko ang perfect clothes for me, bumalik ako sa CR at dun nagbihis.
Humarap ako sa full length body mirror ko dito sa CR.
Perfect.
I'm wearing a dress and keds.
YOU ARE READING
BEST FRIEND
FanfictionManhid at tanga. Yan ang dalawang bagay na pwede mong ilarawan sa best friend ko. Ako tong nasa tabi niya pero nasa iba ang atensyon niya. Magka-stiff neck sana siya sa kakalingon niya sa ibang babae. Ginawa ko ang lahat mapansin niya lang ako...