Chapter 1

3.3K 92 12
                                    

 Saklaw ng buhay ang bawat pagsubok na binibitawan ng tadhana sa bawat nilalang, wala kang ideya kung kailan, saan at paano darating, kumbaga sa isang lindol, isang sorpresa ang pagdating ng problema na ni sa panaginip ay hindi mo inaasahang guguho sa matibay na ikaw.  Mahirap, nakakawalang pag-asa at higit sa lahat ito ang humahatak sayo para kumapit sa patalim na hindi iniisip ang magiging kahihinatnan. Maraming sumusuko, maraming namamatay at karamihan, nagpupumilit labanan at harapin ang unos na sadyang nagpapahirap satin. Pero sabi nga nila, ang sumusuko ang laging talo, at ang nagtitiyaga ang panalo. Pagkatapos ng sakuna, muling sisikat ang haring araw, muling babangon mula sa pagakalugmok ang mga nadapa, at sisibol muli ang panibagong pag-asa sa bawat puso ng mga nabiktima. Hindi binibigay ang pagsubok para pahirapan tayo,hindi rin para parusahan tayo, binibigay ito upang  matuto tayong tumayo at magdesisyon ng naakma sa tama, at higit sa lahat, upang turuan tayong magbagong-buhay dala ang mga napulot na aral na magagamit natin sa paglalakbay sa buhay, at maari rin nating ibahagi sa susunod pa na henerasyon.

 

   Maingat na isinara ko ang hawak kong libro. Matagal akong tumitig roon bago ko inangat ang ulo ko upang pagmasdan ang tahimik at payapang kapaligiran. Halos wala na akong makitang ibang kulay kundi berde, napapalibutan kasi ang kabuuan ng paligid  ng mga puno at mga ga-hinlalaki na taas na mga damo. Para akong nasa paraiso, malayo sa maingay na siyudad, presko ang halimuyak kumpara sa ma-polusyon na urban. Napakatagal ng panahon simula ng umalis ako dito, marami nang nagbago, simula sa mga taong nakatira rito hanggang sa paligid  na kinalakihan ko, pero tanging ang lokasyon na ito ang nanantiling tahimik at maayos. Tila isang bata na inosente pa sa kamunduhan. Nakatayo pa rin ang paborito kong puno at nananatiling matayog sa kabila ng mga kalamidad na dumating.

    Bigla ay umihip ang malakas na hangin, nagsayawan ang mga damo, nakisabay sa pag-alon ang buhok ko. Napakasarap sa pakiramdam. Banayad akong pumikit, at habang dinadama ang malamig na hanging dumadapo sa pisngi ko ay muli kong binasa sa isipan ko ang huling talata na nabasa ko sa librong hawak-hawak ko.

   Aaaaah... pagsubok....

    Pagsubok na nagmulat sakin para gisingin ako sa realidad ng buhay. Ito rin ang nagtulak sakin para tanggapin ang katotohanan, na hindi lahat ng gusto mo ay akala mong para sayo. Minsan, pinapahiram lang talaga sayo ang mga bagay para sandali kang pasiyahin. Nakakapandamdam, pero iyan ang buhay.   Masakit, nakakapagod, minsan naiisip mo na lang na hindi mo na kaya, pero sabi nga, may bahagharing sisibol mula sa ulap pagkatapos ng ulan.

  "Ellaine! Ellaine! Hija! "

Please RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon