Prince Charming

67 0 0
                                    

Isang simpleng babae lang ako na nangangarap nang isang prince charming.

Prince charming, who will makes my heart skip a beat.... every time I'll looked into his eyes,

who will care for me,

who will protect me,

who will love me.

And prince charming that could give me a happy ending and a promise of forever.

Until one day, tayo’y pinagtagpo nang tadhana. Naramdaman ko na ikaw na yung lalaking matagal ko nang hinihiling. Ang lalaking unang kita ko pa lang hindi na mawaglit sa isipan ko. Ang lalaking unang ngiti palang hindi na ako makahinga sa kilig. At ang mas malala pa, sa tuwing magtatagpo ang ating mga mata saglit na napapahinto ang aking paghinga.

Tunay ngang lubos ang aking paghanga, hindi ka man perpekto sa mata nang iba ngunit sa puso ko ikaw lang ang nag-iisa.   

Hahahahaha 9(^___^)6 ..... hindi ka man kasing gwapo ni prince charming, punong puno ka naman nang sex appeal.

Hindi ka man kasing kisig ni prince charming at least ikaw, hindi nya kasing baduy manamit. Dahil kahit isang simple pink na polo lang ang suot mo pang model na ang dating.

At hindi ka man kasing yaman ni prince charming, sa diskarte mo palang taob ang mga ginto’t pilak nya.

Dahil sa lubos na paghanga pinilit kong mapalapit sa’yo. Naging isang mabuting kaibigan ako sa’yo. At aaminin kong umaasa ako na dadating ang araw na magugustuhan mo ako hindi bilang isang kaibigan ngunit isang babae sa paningin mo.

Nagtyaga akong maghintay.

Nang maghintay.

Nang maghintay.

Nang maghintay.

Sabi ko ‘hindi ako mapapagod because you are worth waiting for.’ Dahil alam kong may puwang ako dyan sa puso ang hindi ko lang sigurado ay kung ilang porsyento. Pero naniniwala akong may tamang panahon para sa akin, sa atin.

Masayang lumipas ang tatlong taon sa buhay natin, ngunit nanatili tayo sa piling nang isat isa, sa lungkot, sa saya, sa kalokohan, sa kabaliwan, at sa iba’t ibang trip sa buhay. We were the best, when we were together.

Ngunit isang araw nagtext ka, pinapupunta mo ako sa park kung saan una tayong nagkakilala at naging tambayan na natin. Ang sabi mo sa text magsuot ako nang bestida dahil espesyal ang araw na iyon dahil may ipagtatapat ka sa akin. Sobrang saya ko. Feeling ko parang tumama ako sa lotto dahil sa wakas matatapos na ang paghihintay ko. Ito na ang tamang panahon para sa pagmamahalan natin.

Kaya naman nang gabing iyon totoong nagpaganda ako, nag make-up, nag ayos nang buhok, nag suot nang pink na dress dahil paborito mong kulay ay pink.

‘Hahahaha ikaw pa lang nakilala kong lalaki na ang paboritong kulay ay pink.

Nang sumapit ang ales nwebe ng gabi pumunta na ako sa park hindi na ako nagpahatid pa dahil ilang kanto lang naman ang layo nito sa bahay namin. Kinakabahan ngunit masaya kong tinahak ang daan.

Habang papalapit ako sa park lalong pabilis nang pabilis ang bawat tibok nang puso ko. Unti-unti ko namang naaaninag ang mga nagkikislapan at naggagandahang mga ilaw sa park at ang magagandang mga bulaklak sa paligid. At napatingin ako sa aking paanan, may rose petals sa bawat daan na tatapakan ko, may tumutugtog nang violin sa harap nang mesa na may nakahanda para sa isang romantic candlelight dinner sa gitna ng park.

Parang gusto kong umiyak sa sobrang tuwa dahil sa effort mong pasayahin ako sa araw nang pagtatapat mo ng pag-ibig.

‘Oh God thank you for this day thank you for this man na lubos kong minamahal na ngayong mahal na rin ako, He’s really worth waiting for.’ nasambit ko habang nakatingin ako sa'yo.

Nang mapansin mong nasa malapit na ako ngumiti ka pa at kinuha ang isang bouquet na red roses. Tumayo ka at dahan dahang lumapit sa akin. Nang nasa harapan nakita, sinabi mong ang ganda ganda ko nang gabing 'yon, at nagbiro ka pa;

‘kung alam ko lang na magta transform ako nang ganon kaganda sana matagal ko nang ginawa ito.’

Halos hiindi na ako makahinga nang oras na yon dahil sa kaba at kakaibang sensasyon na aking nararamdam. Hindi pa ako makapagsalita dahil parang may bumara sa aking lalamunan kaya tumungo na lang ako para itago ang kabang nararamdaman ko.

‘I didn’t know what to say. This is all new for me kaya sobrang nahihiya ako at kinikilig. Feeling ko nga pulang pula na ang aking pisngi dahil sa kilig. Hahahaha nakakamatay ba ang sobrang kilig dahil kung oo malamang mamaya eh nakaburol na ako. Pero hindi ako pwedeng mamatay dahil ngayon ko pa lang matitikman ang tamis nang pag-ibig nya sa akin.’ –sa isip isip ko.

Tinap mo lang ang ulo ko. At sinabing ang ‘cute mo talaga’ ngunit sa hindi ko malamang dahilan bigla mo akong nilampasan.

Nagulat ako.  

Bigla mong nasambit na... ‘Babe’.

Kahit hindi ko man nakikita alam kong masayang masaya ka. 

………

State of Shocked parin ako.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Litong lito ako sa nangyayari.

Tinawag mo ang pangalan ko ngunit hindi parin ako lumingon dahil ayoko. Hindi ko kayang makita. Hindi ko kayang tanggapin ang kasunod na mangyayari.     

Ngunit nang hindi parin ako lumingon sa pangatlong tawag mo lumapit ka na sakin tangan ang kamay nang isang napakandang babae.

Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak.

‘Hahaha suplada ka na porket ang ganda ganda mo ngayon hah?’ Anyway sya nga pala ang fiancée ko, kulit. Gusto ko ikaw ang unang makaalam kaya pinapunta kita dito hehehehe actually monthasary rin namin ngayon kulit.’

‘Paanong..?’ tanging naitanong ko lang.

‘Hahahahaha last three months pa naging kami through chat and skype, then summer lang kami halos nakita at nagkasama sa New York.’

I didn’t even notice. Napakamanhid ko para hindi maramdaman o magkaroon man lang ng clue. Because I was so busy imagining things. Na pwedeng maging tayo. Na ikaw ang prince charming na hiniling ko sa dyos.

Naiiyak ako at nagagalit sa katangahan ko. I was so stupid.

‘At Kahapon kaya ako pumunta sa Davao eh para sundan sya don at mag propose.’

Oh dyos ko…. Ang sakit… ang sakit sakit. I feel like I was stabed. Oh god.’

‘Hihihihihi. We’re getting married na... kulit.’

Tuluyan na akong umiyak…..

Hindi ko alam kung paanong iyak ang gagawin ko para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Because it was a kind of pain that is so unbearable. 

Ang prince charming na akala ko ay magbibigay nang happy ending and a promise of forever ay ang magdudulot pala nang kakaibang sakit na nakakabaliw. Ang sakit na parang dadalhin ko pang habangbuhay. Ang sakit na tatapos na nang lahat.

Pain.

Pain.

Oh Pain, why you have to be this hard?

Prince Charming.

August 28, 2014

©MoniqueClo

Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon