IT'S THE END.

286 13 7
                                    

"It's hard to say goodbye to someone you love for a long time"

Siguro kung nasabi ko ang nararamdaman ko siguro magiging ok ang lahat.

Siguro kung hindi ako sumuko hindi ako nagsisisi ngayon..

Siguro kami pa rin hanggang ngayon ..

"FLASHBACK"

3 years ago..

Nandito ako sa Terminal ng bus. Palaging ganito ang scene tuwing papasok ako ng school. Nothing special. Pero nag iba ito ng makilala ko siya..

"Hi miss :)" Sabi ng isang lalaking katabi ko sa upuan sa waiting shed dito sa terminal. Parang kilala ko na siya.

"ahmm. Hi " Sabi ko naman. Medyo natagalan ako bago ko sabihin yun sa kaniya. Kasi parang kilala ko na siya pero di ko matandaan talaga ee. Pero mukhang mabait naman ee.

"Ayan na ang bus!" Sigaw ng isang lalaki.

Siguro nagtataka kayo kasi walang dumating na bus kagad. Masyado pa kasing maaga kaya kakabalik pa lang ng bus.

Naglakad na ako papalapit dun sa bus. Nagulat ako nung pahakbang na ako kasi inalalayan ako nung lalaking katabi ko sa waiting shed kanina. Well :"> hahaha XD

Ayun nasa may dulo na ko nakaupo -___- ang dami kasing nauna sakin ee. Pagong me XD

Oops.. may tumabi sakin. wait lang ah aayusin ko lang ang pagupo ko *ayos here ayos there*

ay yung lalaki pala na katabi ko sa waiting shed. Ang gwapo din pala nito. Parang kilala ko talga to. Waaaaaaaaaaa. Sino ba toooooooooo? -_____-

ayun nung nakababa nako sa school dumiretso na ko sa room. Yun nothing special na.

Araw-araw palaging ganun ang umaga ko.

Kung minsan di ko namamalayan na nakakatulog ako, sa balikat niya. nakakahiya -___-

Habang tumatagal mas nagiging komportable akong katabi siya.

Nakakasanayan ko na rin na kausapin siya.

At di ko namalayan na nahuhulog na pala ang loob ko sa kaniya.

Araw araw nag ngingitian lang kami.

Araw araw magkatabi.

Nandito ako ngayon sa bus. Nakatayo ako -____- Nalate kasi ako pero ayos lang atleast naka sakay na ako. Yung lalaki ring palaging katabi ko  ang kasama ko ngayon. Nakatayo din siya. Ang akward lang -____- harapan kasi kami ee.

*puuuuuuuuuuuuuuuuut* (preno po ng bus yan hindi kung anoXD)

ohem O_O napayakap ako sa katabi ko -_____- Shz. Si... si lalaking palaging katabi ko pa -____-

"Ay sorry" sabi ko. lumayo ako sa kaniya at kumapit na lang ako sa may upuan.

"Ayos lang" sabi niya sabay smile. Wag kang mag smile please? naiistatwa ako dito ee. Parang may naaalala ako sa smile niya. Smile na minsan nagpatibok ng puso ko..

Araw-araw hindi ko maiwasan kiligin. Araw-araw napapangiti niya ako.

May oras na parang may binubulong siya kaso di ko siya marinig dahil naka salpak ang headset ko . Paminsan naman pag pinapaulit ko sinasabi niya wala nakanta lang daw siya , sabay ngiti. Nakakatanga na diba? Naasa ako na hindi lyrics ng kanta ang sinasabi niya. Assumera lang talaga ako.

Sinubukan ko ng umamin sa kaniya kaso parang wala ring nangyari. Paano ko nasabi na wala rin nagyari? Ganito kasi yun.

"Alam mo bang mahal na kita? kahit di ko alam ang pangalan mo? Di ko alam kung pagtatawanan mo ko dahil dito pero totoo tong nararamdaman ko sayo. Mahal ki-----" Tulog pala siya. Sa haba ng sinabi ko wala siyang narinig ni isa.

Meron ding time na ganito..

"mahal kita" Kaso nakasalpak pala ang headset niya. Astig no? pero di pa rin ako nawalan ng pagasa.

May sulat akong ginawa. Andun lahat lahat ng gusto kong sabhin kaso ganito ang nangyari..

Ilalagay ko sana sa loob ng bag niya kaso dumulas ito at nahulog sa likod ng upuan namin. Di ko naman ito makuha dahil natatakot akong gumalaw baka magising siya. Yes, tulog siya. At wala ring taong nakaupo sa likuran namin kaya walang maaring umabot nito.

Siguro nga tama na tong kahibangan ko. Tama na. Wala rin namang nangyayari. Ayos lang sakin na nakakatabi ko siya at nakakausap. Hanggang dun na nga lang siguro kami. Kaibigan. Ayos na yun.

Kaso nag iba ang lahat. Isang akala kong normal na araw ay magiging kahindik-hindik pala.

*puuuuuuuuuuuuuuuuuuuuut* preno ng bus.

Isang napakalakas na preno ng bus. Ang aming sinasakyan ay nabunggo.Agad niya akong niyakap upang hindi ako mauntog kaso ang sarili naman niya ang di niya naligtas. Nauntog siya at natamaan pa ng mga bubog dahil sa bintana ng salamin ng bus. Marami akong nakikitang duguan. May mga umiiyak at ang iba ay humihingi ng tulong. Ako naman ay may mga sugat kaso siya grabe na ang mga sugat sa katawan nya.

"uy dumilat ka nga" sabi ko sa kaniya. Unti unti namang dumidilat ang mga mata niya. 

"pede mo bang makuha ang papel sa bag ko at pakibasa iyon?" sabi niya. Halatang halata sa boses niya na nahihirapan na siya.

"ha? tsaka na. Kelangang pa nating humingi ng tulong. Di mo ko iiwan diba?"

"Paki kuha na.. na lang pwe..pwede ba? Parang di ko na yata kaya. pata...tawad" sabi niya sabay ngiti at unti unting pumipikit ang mata niya na may luhang natulo rito.

Ginawa ko ang kanyang sinabi. Binuksan ko ang bag niya at may nakita akong papel. Binasa ko ito.

"Dear Cheska, " Nagulat ako dahil bakit cheska ang tawag niya sakin. Sa pagkakaalam ko iisa lang ang natawag ng ganyan sakin.

 "Salamat pala sa mga araw kong binubuo mo. Sa araw na pinapangiti mo ko. Salamat. Mahal kita matagal na."

Di ko siya magets. Paanong matagal na? Eh kakakilala ko pa lang sa kaniya. Teka-

"Alam kong nalilito ka. Hindi mo ba ako natatandaan? Haha. Nagka-amnesia ka nga pala. Sorry dahil hindi ako nagpakilala sayo ng harap-harapan.Nagawa ko na yun kaso malas talaga. Natatakot din ako. Baka layuan mo ko"

Parang kilala ko nga siya.

"Sorry sa mga nagawa ko dati. Sorry. Mahal kita. Mahal pa rin kita. Sana mapatawad mo ko. Ang tanga tanga ko. Salamat sa lahat lahat. May mga pagkakataon na naamin ako sayo kaso palagi kang tulog kung minsan may nakasalpak ng head set yang tenga mo. Sayang :< Hanggang dito na lang ako. Mahal kita My Bus girl :)      ~Kevs"

Siya nga.

Ang ex ko..

*END OF THE FLASHBACK*

Tatlong taon na rin ang lumipas.

Sayang nga talaga. Kaya pala kaagad nahulog ang loob ko sa kaniya ee matagal ko na pala siyang kakilala at matagal ko na rin pala siyang mahal. Hindi ko pa rin makalimutan ang pangyayaring iyon. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa. Ang hirap mag-paalam sa isang taong mahal na mahal mo sa mahabang panahon. Pero I need to move on. I dont want to stuck in this time. 

Good bye My Bus boy ..

*END*

AN: Hahahaha. First time ko lang po gumawa na ganito kaya sorry kung medyo fail XD.

THANKS kay pumpkinorange ara sa aking book cover. tentenenteneeeeeeen~ yulsoo shipper ako. kahit ako lng ang gumawa ng LT <3 meheehe

THANKS FOR READING :D

-Rainraingoawayy with love <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IT'S THE END.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon