Chapter 1

124 6 2
                                    

"ITIGIL ANG KASAL!" bigla silang napalingon saakin at nagsitayuan. Yung ikakasal ay parehong napatingin din saakin. 

Hingal na hingal akong tumapak sa loob ng simbahan. "anong ginagawa niya?" rinig kong bulong ng babae sa may gilid ko.

Pumikit ako at tumakbo dun sa groom kahit na sobrang pinagpapawisan ako sa gagawin ko. 

"Hindi pwedeng ituloy ang kasal kung hindi nila gusto ang isa't isa." sabi ko at hinawakan yung kamay nung lalaki. Gulat ito pero naka ngiti. 

"H-ha?! Hoy!" biglang pinalo nung babae yung kamay naming dalawa. 

"I'm sorry miss, pero hindi ikaw ang dapat sakanya." sabi ko at itinakbo na yung groom palabas ng simbahan. 

Ang daming nag protesta saakin. Ang daming humarang pero trabaho ko ito at sanay na ako kaya nakalagpas ako sakanila. 

Paglabas namin ng simbahan tumakbo kaagad ako duon sa may park kung saan nag hihintay yung cliente ko. 

"MISS!" sigaw ko tapos lumingon naman siya. Bumitaw saakin yung lalaki at tumakbo dun sa babae at nagyakapan silang dalawa. 

Hingal na hingal akong umupo malapit sa bench nila. Pinagmasdan ko lang silang mag usap at mag yakapan. 

Lumingon saakin yung babae. "Salamat talaga ha? Kung hindi dahil sayo baka sa iba na siya mag katuluyan." sabi niya saakin. Tumango lang ako at hinayaan ko silang umalis.

"Hayyy!" buntong hininga ko. Aigoo.. 

Welcome sa mundo ko. Welcome sa trabaho ko din. 

Ako nga pala si Aria Amor. Ang ganda ng pangalan ko no? Pang mayaman! Haha. Isa akong wedding crasher, tinatanggap ko lahat ng clienteng walang lakas na sirain ang kasal ng mahal nila. Katulad ngayon. Nakakapagod ano? Pero wag ka, kahit sobrang pagod na ako mahal naman ang sweldo namin! Kaya nga puro kfc ang pagkain ko eh. Haha kidding. 

Tumayo na ako at naglakad nalang papunta ulit sa building namin. Naalala ko pa nung unang dating ko dito sa trabaho ko. 

Halos hindi ko na mahanap kung saan ba ito naka pwesto eh, muntik na nga akong hindi pumunta doon kasi nakakatakot. 

Nag hahanap kasi ako ng ma t-trabahuhan pero lahat ng pinuntahan ko ay hindi ako natanggap. Hanggang sa nag give up na ako. Uuwi nalang ako. 

Nang may mahagip akong isang kapirasong papel. Sobrang liit! Ang matatalas lang na mata ang makakakita nito. 

Merong nakasulat "Hiring Wedding Crasher. Call *********** for more information." then meron din sa likod nung nakasulat.. yung address kung nasaan. 

Yung driver nga ng taxi hindi din alam kung saan yun banda. Hindi narin ako makapunta pa.. sobrang liblib kasi pero parang merong nag force saaking mag tuloy tuloy lang.

Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon