TEACH YOU HOW TO ESCAPE

1.6K 45 3
                                    

X POV:

(Kinabukasan)

Nandito na naman ako sa classroom namin at pansin ko ang mga tinginan nila sa akin na napakalagkit na para kang kakatayin. Pero ano namang kasalanan ang nagawa ko sa mga 'yan?

Wala na bang kapahingahan ang nangyayari ngayon lagi na lang mga taong may gusto ng away ang nakakaharap ko.

Pero dito naman ako ipinanganak. Sa buhay na magulo at puro away ang inaatupag. Kaya normal na ang bagay na ito sa akin.

Ngunit nandito ako sa paaralan na ito para sa misyon at mabuhay ng normal na tulad nila.

Kaso bakit hindi ko magawang maging normal?

'Dahil ba may mga tao ang nandiyan para guluhin ka at saktan ka? Haist what a life!'

Tinapunan ko na lang sila ng isang matalim na sulyap bago umupong muli sa aking upuan at saka walang emosyong nakatingin sa bintana.

Ang natatangi ko lamang nakikita mula roon ay mga punong sumasayaw dahil sa ihip ng hangin.

Gayon din ang mga ibong nag-aawitan sa mga puno habang ang iba'y masayang nagliliparan.

Ang masasabi ko lamang dito, malaya at masaya. Sobrang laya nila na gusto ko ring maramdaman.

Pi-no-problema lamang nila ay ang bagyo at gayon din ang mga panganib na maaaring magdulot ng ikapapahamak nila.

Noon, hiniling ko na lang na maging ibon para malaya akong lumipad sa kung saan-saan ngunit may nagsabi sa akin na 'lahat ng bagay ay may limitasyon' kaya naisip ko rin iyon.

Hindi naman kasi sa lahat ng oras magagawa mo ang gusto mo.

Dapat may natitira ka pang lakas para makatulong sa ibang tao hindi lamang sa sarili.

*bogsh*

Rinig kong pagkalantog ng pintuan ng room ngunit hindi ko na lamang tiningnan ang pumasok.

Kita naman sa bintana na sila 'yung mga taong nag-utos kay Ger na batuhin ako.

Speaking of Ger mabuti nagkaintindihan na kami ng lalaking iyon. Magmula ng makauwi ako sa bahay, napansin ko agad siya na malayo ang tingin. Para bang may bumubulong sa kaniya na siya ay mamatay na.

Pero nang makita niya ako ay bigla siyang namutla.

Sino bang hindi? Kung may dala na akong latigo sa kamay ko.

(Flashback)

Nakarating na ako sa aming bahay at saktong may hawak na latigo si Kuya. Kaya nilapitan ko siya bago halikan sa pisngi.

"I'll borrow this, kuya." Sabi ko sabay kuha sa kaniya ng latigo kaya napataas ang kan'yang kilay.

"Para saan mo 'yan gagamitin?"

"Kanino pa ba?" Binigyan ko siya ng malamig na tingin kaya napalunok siya.

"Pero hindi pa siya..." Tinutukan ko siya ng kutsilyo sa kan'yang leeg at masama siyang tiningnan.

"Wala akong pake kung hindi niya makakayan ito. I already told you before, kapag may ginawa siyang kasalanan sa akin pagbabayaran niya nang malaki kung ayaw niyang umalis sa bahay."

Napabuntong-hininga naman siya. "O-Ok, he's inside praying that you're not mad at him."

"Pray for him..." Sabay pasok ko sa loob ng bahay at saktong nakita ko siya sa sofa na malalim ang iniisip.

Secrets Of The Nerd (Published On Finovel, Novelah, And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon