>Eya's POV<
"Eya! Mall tayo mamaya after class?" tanong ng best friend ko. Si Danica, Nica for short.
"Sige! Matagal na rin tayong hindi nakaka gala." sagot ko
After Class
"Nica" tawag ko
"Oh? Bakit?"
"Mabilis lang tayo, madaming assignment eh."
"O sige."
"Mamayang mga 6 uwi na tayo."
Nakakapagod pa rin kasama tong si Nica, andami naming ginawa. Nag laro kami sa time zone, sinamahan ko rin sya sa Department store ang dami nyang biniling mga gamit. Damit , sapatos and jewelries. Eh pano, may date daw sila nitong boypren nya eh. Kaya naman pala nag yaya mag mall.
Tas kumain kami sa restaurant ek-ek.
Tumingin na rin ako ng mga libro. Mahilig kase ako sa mga books. Nahawa ako ng kababata kong lalaki, ndi ko maalala pangalan nya. Ang naalala ko lang ung tawag ko sa kanya 'Kulit' . Musta na kayo yun? Wala akong lablyp kase inaantay ko sya. Sabi nya babalik sya. Sabi nya babalikan nya ako.
*flashback*
"Eya! Aalis na kami."
"San kayo pupunta? iiwan mo ako?"
"Babalik ako. Babalikan kita pangako!"
may kinukuha sya sa bulsa nya.
"Eya, eto. Ingatan mo 'to. Wag mo wawalain. Dapat pag balik na sayo pa rin yan"
"OO promise."
*flashback off*
umalis sya 8 ako sya naman 9 yrs. old ngayon 16 na ako kaya sya naman I'm sure 17 na yun.
Antagal nya namang bumalik.
Nakalimutan nya na ba ako? Pero nangako sya eh.
OO, inaaamin ko. Crush ko sya. Pero di nya alam.
Back to reality
Kumakain pa rin kami dito sa ek-ek restaurant. 2nd floor ng mall.
Tiningan ko orasan ko..
PAKSHET! 7 pm na. Lagot ako. Madami pa namang gagawin.
"Nica! Uwi na tayo. Papagalitan na ako neto eh." sabay tayo. Lagot na ako.
"Ah. pano tong pagkain?"
"Edi, mauuna na ako!"
"Hindi. Sabay tayo." tumayo na sya at inayos na ung mga pinamili nyang mga chechebureche nya.
Pag dating sa elevator.
"ARAY! Syet! Bat ngayon pa?!!!" ang sakit. pano ba naman sa kakamadali ko may nabungo akong lalaki. Nahulog tuloy ung laman ng mga bag ko. Nahulog ung mga papel.
Pinulot ko yung iba pero yung iba, ndi na. Sabay sakay sa elevator.
"Miss, yung iba mo pang gamit."
Hindi ko na sya pinansin.
Umalis na kami after nun.
Pagdating sa bahay wala pa sina mommy at daddy. buti na lang naka ligtas! Wohoo!
Kinuha ko yung bag ko, gusto ko kasing tingan ulit ung binigay nya saken.
Kalkal dyan kalkal doon. HALA! Asan na yun? Bat nawawala? Hui, wag naman ui!!