UNSPOKEN FEELINGS

1 0 0
                                    

Inis akong napakamot sa ulo ko saka asar na tinignan ang lalaking prenteng nakaupo sa harap ko habang busy sa pag-babasa nang kung ano.

"Neth! Dali na~"buong lakas ko siyang hinatak sa braso kaya lang walang epekto.

"Sandra,alam mo naman na hindi ako marunong sumayaw? Don't force me to dance because you want. Ikaw na lang mag-isa ang sumayaw at mag-mukhang tanga,'wag mo na akong idamay."tumayo siya at nilampasan ako. Naiwan lang akong parang napako sa kinatatayuan dahil sa mga salitang binitawan niya.

A-ang sakit!

Kanina ko pa kasi siya niyayaya na sumayaw sa harap ng mga bata dito sa ampunan. Pero ayaw niya. Para naman sa ikasasaya ng mga bata ang gagawin namin ah?

May naramdaman akong humawak sa balikat ko. Pag-harap ko,si Sister lang pala.

"Iha,ayos ka lang?"puno nang lambing ang boses niya.

Ngumiti ako ng bahagya saka sinabing okay lang ako. Nag-kwentuhan pa kami ni Sister ng ilang mga nakakatuwang bagay hanggang sa napag-pasiyahan ko ng mag-paalam. Baka kasi gabihin ako ng uwi at mapano pa ako sa kalsada. Iniwan pa naman ako ni Kenneth. Naturingang best friend ko,iniiwanan ako.

"Mag-iingat ka sa daan Sandra."

"Opo Sister. Salamat po."

Nag-ngitian pa kami bago ako tumalikod saka lumakad patungong sakayan ng Jeep.

Naiinip akong patingin-tingin sa mga jeep na lumalampas sa akin. Panay punuan ang sakay kaya nahihirapan akong pumara.

Naibaba ko ang kamay ko nang lampasan lang ako ng Jeep na pinara ko.

Badtrip eh!

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

From: K<3S
Sandra. Sorry kung iniwan kita. May date kasi kami ni Julie. Hindi na din kita maihahatid pauwi. Ingat na lang.

Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko na para bang gusto kong durugin ito. Wala namang mahalaga sa akin kung masira ang cellphone ko. Pwede ko pa namang ayusin o bumili ng bago pero ang pinoproblema ko yung puso ko. Unti-unti na kasi itong nadudurog at nagkakapira-piraso. At kapag nadurog na ito ng tuluyan,mahihirapan na akong buuin ito.

Nanginginig akong nag-type. Hindi ko kasi kaya yung sakit. Dahan-dahan akong nilalamon nito. Matapos kong i-send ang reply ko. Napasandal ako sa poste na nasa likuran ko. Feeling ko nawalan ako ng lakas.

To: K<3S
Ayos lang Neth :) Goodluck sa date niyo ni Julie.

◽◽◽

Hanggang kailan? Hanggang kailan ba ako dapat mag-panggap na hindi nasasaktan?

Muli akong napasulyap kay Kenneth na masayang nakaakbay kay Julie habang nasa parke kami. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila nakikita ang nakasimangot kong mukha.

Bakit pa kasi ako sumama. Sana hindi na lang ako pumayag nang alukin ako ni Kenneth na sumama. Naging third wheel pa ako—at unti-unti kong mas lalong dinudurog ang puso ko—mukha akong chaperone ng dalawa.

Napabuntong hininga ako bago tumayo mula sa pag-kakaupo. Makauwi na nga lang kesa torturin ko ang sakit na nararamdaman ko tuwing makikita ko silang dalawa. Hindi naman ako sadista para saktan ng sobra itong puso ko.

◽◽◽
"Sandra! "

Hindi ako lumingon ng tawagin ni Kenneth ang pangalan ko. Kunwari hindi ko siya narinig. Siguradong tatanungin niya lang ako bakit ko sila iniwan ni Julie sa parke.

"Sandali lang Sandra!"

Muli na naman niyang tawag sa akin. Ilang beses akong bumulong at nilabanan ang aking sarili huwag lang lumingon at pansinin siya.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon