1

93 4 12
                                    

Sabi nga nila, every new day is a miracle. Masasabi mo na ma swerte ka parin dahil gising ka ngayon, na nagagawa mo parin ang mga bagay na gusto mo.

How about those hearts are broken? Paano ba sisimulan ang araw na masaya na hindi muna iniisip ang mga bagay na makakalungkot sayo? Mahirap. Araw-araw, paaralan-bahay lang ang destinasyon ko.

Every morning palagi kong tinitingnan ang inbox ko, nagbabasakaling may text galing sa kanya. But in the end I will end up shutting down my phone at itatapon lang sa kama. What's its use? Wala naman akong gagamitan nito, bihira lang namang may magtext sakin.

Kinuha ko na ang bag ko para bumaba. Sa kabila ng nangyari sakin, no one knows. Ayokong ipaalam, ano na lang sasabihin ko sa kanila?

Two months pa lang ang nakalipas simula nung wala na kami. Siguro nga simula pa lang wala na talaga kami. Masakit, sobra, mahirap isipin na yung taong andiyan sayo- wala na ngayon.

Parang naputulan ka ng isang paa. Ang hirap magpatuloy sa paglalakad pero kailangan. Wala naman akong makakapitan because I choose not to tell everyone.

"Good Morning." ngumiti ako ng bahagya at umupo sa mesa.

"Morning. By the way Jade, may event kasi sa school ni Aaron tomorrow. Saturday yun, pwede ka bang lumiban muna sa klase mo kahit bukas lang? I'm afraid na hindi kami makaka-attend ng Papa mo." aniya ni Mama, nakita ko namang pababa si Aaron, umupo ito sa harapan ko.

"You can't go Ma?" kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Sure Ma, wala naman akong gagawin bukas sa school." Nag-iwan lang ng assignment yung instructor namin sa NSTP.

"Kailangan namin pumunta ng Papa mo sa City bukas, may aasikasuhin kaming importante. I'm sorry Aaron, promise babawi kami ng Papa mo." tumango na lang si Aaron, sign na wala siyang magagawa. "Kasama mo naman ang Ate Jade mo, so don't worry. Okay?"

Tsk. 4th yr na pero parang bata. Nagpaalam na kaming dalawa at sabay pumasok. Hindi ko na nakakasabay pumasok si George dahil magkaiba na kami ng schedule. Parang once or twice a week ko na lang siyang nakikita at nakakausap. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang nangyari samin kaso mailap siya nung mga nakaraang buwan.

"Isasama mo ba si Edward bukas?" ani ni Aaron na nagpaputol sa pag-iisip ko.

"H-hindi. Bakit?" Nagulat ako, ngayon lang niya kasi ulit binaggit si Edward. Alam ko namang medyo ayaw niya kay Edward.

"Baka kasi isama mo." sagot niya.

"Anong klaseng event ba yan?" usisa ko para naman hindi namatayan tong biyahe namin.

"Role play."

"Mag-a-acting ka? Baka naman napilitan ka lang?" sumandal ako sa headboard habang nakatingin sa kanya.

"No choice. Grades na ang usapin e." may kinuha naman siya sa bag niya. "Here, its a ticket for the entrance. Dalawa yan, kung gusto mo siyang isama ibigay mo na lang." binasa ko ang nakasulat sa ticket.

"Love Song Story March 7 20** 10:00 am"

"Ang weird ng title nito. Guess, kakanta ka dito?" nag-iwas naman siya ng tingin ng binalingan ko siya.

"Yeah." biglang akong napahiyaw.

"Really? So, maririnig at makikita na din kitang tu-tugtog na gitara? Gagamitin mo yung binigay ko?" tumango siya, niyugyog at niyugyog ko siya dahil sa sobrang excitement ko.

"Urgh. Stop it." tumigil naman ako, plinansa niya naman ang uniporme niyang nagkagusot dahil sa pagkahawak ko sa kanya. OA talaga nito.

"Byeee Aaron! Sungit talaga di man lang ako ni lingon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RIGEL (UKM Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon