Prolouge

86 2 0
                                    

Eunice Freizt Santos....

"Ako na lang ang mahalin mo, ako nalang ang pakasalan mo. " pagmamaka-awa ko sa kanya.

Habang yakap ko siya mula sa kanyang likuran. Pilit kong tinatatagan ang aking damdamin.

"Eunice you know where do i stand in the things between us. For me we're just fuck buddies. " walang emosyon niyang sagot.

Nakakapanlamig ang mga salitang lumalalabas sa bibig niya, kung dati mga salitang halos mahumaling ako sa ligaya ngayon ay pawang mga lason ang mga binibitawan niyang salita.

Maaga akong naulila sa mga magulang at ang taong tumayi bilang pangalawa kong ina ay nawala din sa akin.

Nais kong magkaroon ng taong mamahalin ko at mamahalin ako, kaya ng makaramdam ako ng pag-ibig para sa kanya ay isinugal ko ang lahat, pero wala siyang ipinangako sa akin.

Bagkus ay sinabi niya sa akin na ganito lang ang kaya niyang ibigay, ang kaligayahan sa piling niya.

Kaligayahan sa kama, sex! No string attached! Fuck buddies! Yan lang ang totoong papel ko para sa kanya.

Pero mahal ko siya, at umasa ako na bakasakali ay matutunan niya akong mahalin.

Ngunit narito na ang araw na pinaka kinatatakutan kong dumating, ang araw na iiwan na nya ako.

"I am successful but, I want more Eunice . And I wouldn't have that more if i will marry you. " parang punyal ang bawat salita niya.

"And besides, Loves is not valuable as money and power. Now if you can't give me one important reason to be with you. I gotta go now. " akma syang tatayo na pero hinigpitan ko ang yakap.

"Babe. I.... I'm pregnant! Please don't leave me! Kailangan ka namin ng magiging baby natin. " Hindi ko na mapigilan nabasag ang boses ko.

Oo buntis ako, nalaman ko ito noong nakaraang linggo lang, sa halos kalahating taon na pagsasama namin ay  dalawang buwan na akong buntis.

At hindi ko hahayaan na matulad sa akin ang magiging anak ko. Gusto ko siyang lumaking masaya at buo ang pamilya.

"What?!" binitawan ko siya dahil sa bigla niyang pagtayo, humarap siya sa akin at kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

Napaatras ako sa aking kinauupuan, ngunit hinawakan na niya ang magkabilang braso ko para mapigilan ako sa pag galaw.

"B-buntis a-ko" nanginginig ang boses na sabi ko.

"So you broke my most important rule. " malamig niyang saad. "You did it on purpose huh?! " nakangisi siya pero bakas sa boses niya ang panunuya.

"No, hindi ko---. "pinutol niya ang iba kopang sasabihin.

"Get rid of that baby! I'll give you huge amount of money, and never show your face to me. " tumayo siya at tinalikuran na ako.

Sobrang sakit ang mga salitang iyon na halos parang pinapatay na ako sa sakit. Mas masakit pa iyon sa isang sampal o siguro ay mas nakamamatay pa iyon kesa sa talim ng isang kutsilyo.

"Don't try to dissobey me Eunice, dahil kapag nalaman ko na itinuloy mo ang batang yan, mapapahamak kayo. I don't want a bastard, a child from a low class woman like you. " dagdag niya sa malapunyal na salita bago siya tuluyang umalis.

Walang patid ang pagluha ng aking mga mata, ang sakit sa aking puso ay walang katulad. Ang lalaking minahal at pinag-alayan kong lahat ay isa palang walang pusong halimaw.

Iniyakan ko ang buong magdamag, ni hindi ko na alam kung nakatulog nga ba ako, nagising na lang ako sa mga katok mula sa aking pinto.

Dali-dali akong tumayo at lumapit sa pintuan, dahil baka siya  iyon at nagbago ang kanyang isipan.

The Shadow Of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon