1

24 1 0
                                    


Eunice Friezt Santos.....

"Mag-iingat ka anak, huwag mong kalilimutan na narito lang kami para sa iyo." iyon ang mga huling salita sa akin ni mother Anita noong masigla at malakas pa ito,bago ako tuluyang umalis sa orphanage na kinalakhan ko para mag-aral at makapagtrabaho sa maynila.

Limang taon na iyon nakatapos na ako sa aking kursong IT pero two years ko lang na kinuha iyon dahil wala namang budget ang orphanage para sa pag-aaral ko, may nag sponsor lang at sabay nag sideline ako ng part time job.

Heto at babalik ako dahil may sakit na ang matandang madre na tumayong ina ko mula nang mawala na si nanay. Sa unang dalawang taon ay madalas pa akong makauwi at nakakapagbakasyon pa ako sa orpanage dahil estuyante palang ako noon at maraming oras pa akong libre.

Pero itong huling tatlong taon ay naging subsob ako sa aking trabaho na di ko na namalayan na hindi ko na pala sila nabisita.

Sa cellphone lang ang komunikasyon namin, at doon ko nalang nalaman kay sister Criselda na itinago sa akin ni Mother Anita ang kanyang sakit.

Nagkaroon naman siya ng colon cancer kamakailan lang daw at dahil matanda na ay mabilis itong naratay sa banig ng karamdaman.

Humingi ako ng sick leave sa opisina para naman kahit papaano ay maalagaan ko ang matandang madre kahit na sa huling sandali lang ng kanyang buhay.

Sa Home for Fallen Angels na ako lumaki, nagtatrabaho dito si nanay, maaga kasing nawala si tatay dahil sa aksidente sa kanyang dating trabaho, mabuti nalang at may kaibigan si inay sa mga madre rito at kinupkop nila kami noon.

Binigyan siya ng trabaho bilang tagapagluto sa mga bata rito, masaya ang naging buhay namin sa bahay ampunan, may mga madre na itinuring din akong anak ang iba ay guro ko at iba ay kaibigan.

Pero noong pagkatapos kong magtapos ng elementarya ay ginupo ng sakit na leukemia si nanay at dahil walang pera ay hindi namin siya napagamot ng maayos.

Hindi nagtagal ng ilang buwan ay nawala siya sa mundo at si mother Anita ang pinakamalapit sa akin ang siyang nag-aruga sa akin bilang pangalawa kong ina.

Pagdating ko rito ay dumiretso ako sa kwarto niya at nadatnan ang paghihirap niya. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang makita ang pagsusuka ng matanda habang hinahagod siya ni sister Criselda sa kanyang likuran.

Tumutulo ang mga luha ko pero pigil kong makagawa ng ingay, pero nang huminahon na ito at nakahiga na sa kanyang kama ay unti-unti akong lumapit .

"Narito kana pala Eunice, ilalabas ko langnitong planggana at kukuha ng panlinis kay Mother." saad ni sister Criselda.

Tumango lang ako at lumabas na siya dala ang planggana, umupo ako sa tabi ng aking pangalawang ina.

Nadudurog ang puso na hinaplos ko ang kanyang buhok.

"Mother, bakit mo po itinago sa akin ito? Sana ay napagamot pa po kita bago pa lumala ng ganito." umiiyak kong sabi.

"Shhh... --- tinapik niya ng marahan ang isa kong kamay--- matanda na ang nanay anita mo anak, hindi ko na kailangan pang pahabain ang buhay ko, ito ang kalooban ng Diyos. At sa tingin ko ay gusto na niya akong magpahinga." mahinahon niyang sabi, halata ang panghihina sa kanyang boses.

"Pero hindi ko pa po nasusuklian lahat ng kabutihan na ginawa mo sa akin, mula noong sampung taong gulang ako na tumayo ka po bilang ina sa akin." hindi ko mapigilang pumiyok sa aking pagsasalita.

"Hindi mo kailangang suklian iyon anak, sa iyo na nanggaling tumayo ako bilang ina mo, ang kahulugan ng pagiging ina ay pagbibigay ng pagmamahal ng walang kapantay at walang hinihintay na kapalit." nakangiti pa ito kahit halatang nahahapo na.

The Shadow Of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon