Rich In Love Part 101-120

110 1 0
                                    

Chapter 101

L.ALOBBYMORNING

Nasa Lobby pa sina Liza, Emman at Maya at ang iba nilang co-employees. Ang iba ay nagchi-chismisan habang nakatingin sa kanila. Halos payuko na si Maya ng biglang eere sa TV ang flash report.

TV ANCHOR: Chief Heartthrob na si Richard Lim, nagpatawag ng PressCon tungkol sa diumano'y bestfriend nito na dawit sa video scandal with Roel, his co-star at ng isa pang lalaki na nag-ngangalang "Jorge". Pakinggan po natin ang kanyang pahayag.

Mapapalingon lahat ng tao kay Maya. Ifa-flash sa TV ang ginawang PressCon ni Richard sa loob ng Lim Mansion. Na sya naman dating ni Richard. Matitigilan ang mga co-employees nila na makakati ang dila ng makita si Richard.

Liza & Emman (to Richard): Good morning Sir.

Hahawakan ni Richard si Maya sa likod nito at hahalikan ni Richard si Maya sa right cheek. Mapapalingon sina Richard at Maya sa screen ng TV.

TV Anchor: Nagkakagulo ang lahat. Maging sa Youtube, Facebook at Twitter. Lahat ng tao ay nakikisimpatya sa nangyari sa bestfriend ni Richard Lim. Pero ang tanong ng mga tao... Kung inlove nga si Richard Lim sa bestfriend nya, ano nga ba ang real score nila ni Thalia, ang humored girlfriend nito?

Then after ng flash report ay magkakatinginan sina Richard at Maya. Mapapataas ng mga kilay si Richard.

Richard (to Everyone): Let's go!

Mauuna na nga sina Liza, Emman, Jelly at Sonny na nasa likod na nina Richard. Mauuna ng maglalakad ang grupo nila. Richard now facing Maya.

Richard (to Maya): Are you okay?

Tatango si Maya.

Maya (to Richard): Okay lang ako, Sir Chief.

Richard will grab Maya's right hand, take a deep breath (alam nyo na kung anong lumalabas sa face nya) then Richard will pull Maya papuntang elevator. Habang nasa elevator sila. May magtetext kina Richard at Maya. Kukunin ni Richard ang phone nya sa right pocket nya while hand in hand with Maya.

Richard (for his eyes only): Kuya, dito na daw kayo mag-dinner ni Ate Maya. I already texted Ate Maya na.

Kukunin ni Maya ang phone nya sa left pocket ng blouse ng uniform nya.

Maya (for her eyes only): Ate Maya, Mommy told me to text you, dito na daw po kayo mag-dinner later ni Kuya. I already texted him na.

Magkakatinginan sina Richard at Maya. Magkakasabay pa.

Richard & Maya (vice versa): Nagtext din sayo?

Magkakatawanan pa sina Richard at Maya. Pati sina Emman na nasa likod nila ay hindi maiiwasan na hindi mapangiti.

Richard (to Maya): Sabay na tayo mamaya ha.

Maya (to Richard): Naka'uniform ako??? Hindi mo na ko pauuwiin para makapagpalit?

Richard (to Maya): Don't change. Doon din naman ako didiretso. Di na kasi ako makadaan sa Condo.

Tatango-tango si Maya na parang mang-aasar.

Maya (to Richard): Ah!? So, naghanap ka ng karamay mo?!

Matatawa si Richard.

Richard (to Maya): Not really.

Maya (to Richard): Pauwiin mo naman ako sa Condo para magpalit. Amoy pawis na ko mamaya. Nakakahiya kina Tita at Tito.

Mapapalingon si Richard kay Maya.

Rich In LoveWhere stories live. Discover now