Good day readers! Tawagin nyo na lang akong James, 18 years old from Cavite pero nag-aaral sa Manila. Itong ikwekwento ko sa inyo ay isa sa mga hindi ko akalain na mangyayari pala sa buhay ko. (btw, names have been changed to protect the privacy of individuals).
Bisexual ako pero hindi ako nagpapahalata talaga. Pumupunta din ako sa gym para mag-work out (at tumingin tingin na rin haha). Mahilig ako mag laro ng Tennis. I'm 5'9", maputi at chinito.
Noong una ay ayaw ako payagan ng parents ko na mag-aral sa Manila dahil daw gala ako, baka daw may mangyaring masama sa akin at kung ano ano pa. Pero dahil konti lang ang nag-ooffer ng Dentistry sa universities sa Cavite, pinayagan nila ako na mag-aral sa Manila. Kumukuha ako ng kursong Dentistry sa UE. 3rd year college na ako at ang istoryang ito ay naganap last year.
"Pre sama ka ba sa sunday nood Cheerdance kasama buong tropa???" Text ni Bryan, kaklase ko. "Sige sige. May ticket na ba? Diba mahirap makahanap ng ticket pag CDC?", "Oo meron na. May kilala si Celine, sya nag asikaso. ", "Yon! Nice! Bigay mo na lang ticket sakin bukas para sure haha" reply ko.
Dumating ang araw ng UAAP Cheerdance Competition (CDC). Galing akong Cavite dahil umuwi ako from dorm. Akala ko sobrang traffic pero hindi pala kaya 10am pa lang nasa MOA na ko (para tuloy akong mukhang excited na excited). Napaaga dating ko kaya pumunta muna ako sa coffee shop. Nakakainis ang daming tao kahit 10am pa lang. Pag ka-order ko ay umikot ako pero wala talagang maupuan kaya nagtanong ako sa isang lalaking naka-upo na parang walang kasama, "Ahmm excuse me, may kasama ka ba? Can I share a seat with you?" sabi ko sa lalaking naka-yellow. "Sure" Tapos inalis nya yung bag nya sa upuan. Umupo ako at tinitigan ko yung guy. "Fuck sobrang cute nya" naisip ko. Ang gwapo nya at sa tingin ko magkasing-height lang kami, maputi din sya."Taga-UE ka, right?" gulat ako bigla syang nag salita. "Ahh oo. Paano mo nalaman?" sagot ko. "Ayan oh nakalagay sa shirt mo". Ang tanga ko. Oo nga pala naka-UE shirt ako. Natawa na lang ako. "Ahmmmmm ikaw taga-UST ka?" "Haha Yup" Hinawakan nya yung shirt nya at parang pinagmayabang sa sakin. Naisip ko na ipagpatuloy yung conversation namin kaya nag tanong ako agad. "Bakit ang aga mo?" tanong ko. "Hinihintay ko kasi yung bibilhan ko ng ticket sabi agahan ko daw" "Ikaw bakit ang aga mo?" sagot naman nya. "Galing pa kasi akong Cavite, akala ko traffic kaya inagahan ko" sagot ko. "Ohhh" Ayun lang ang reply nya so sa tingin ko parang tapos na yung usapan namin. After 5 minutes, nilabas ko yung envelope ko na puno ng papel at kinuha ko yung hand outs ko para mag-aral muna. "Ui naghahanap ka ng dorm? Condo?" Nakita nya siguro yung brochures na nasa ilalim ng nilabas kong hand outs. "Ahh oo. Ayoko na kasi don sa dorm ko eh, magulo" Sagot ko agad. "Gusto mo samin? Condo along Espanya-P.Noval. Tatlo pa lang kami don eh." "Hmmm magkano at may pool ba dyan at gym?" "Oo meron, tsaka safe dito. Ako palang tapos isang taga-FEU at isang graduating na taga-UST din." sabi nya. "Oh sige. Kailangan ko na kasi lumipat eh, sobrang gulo don sa dorm ko" sagot ko. Ngumiti sya na parang tuwang tuwa sabay sabing "Kunin ko na lang number mo para text ko sayo ibang details". Napaisip tuloy ako na shit ang swerte ko naman, sana matuloy para magkaroon naman ako ng gwapong roommate. Kaya agad agad kong binigay number ko.
Niyaya ko sya na mag lunch dahil 11am na din naman. Sumama sya at pumunta kami sa isang fast food chain. Nakapag-usap pa kami nang matagal. Nalaman ko na 2nd year na sya at kumukuha ng kursong Interior Design. Nagkwento sya about sa condo. Para tuloy syang ahente sa mga real estate, binebenta nya talaga yung place sa sakin. Haha "Gusto mo sabay pa tayong mag gym eh, twice a week akong nag g-gym doon. Swimming din minsan" sabi nya. "Sige ba. Sana matuloy paglipat ko"
Dumating na daw yung bibilhan nya ng ticket. Naghiwalay na kami at nagkita na din kami ng mga kaklase ko. Mag sisimula na yung CDC. Sobrang ingay sa loob. Pumunta na kami sa UE side. Umupo ako at tumingin sa UST crowd. Parang sya ata yung nakikita ko na nakatulala lang. Kumaway kaway ako, mga 20 sec din akong kumakaway para makita nya ako. YESSS! Lumingon sya at nagkatitigan kami. Kinawayan nya din ako. Biglang nag ring yung phone ko. Sinagot ko pero hindi ko masyadong marinig kaya lumabas ako. "Ui bakit ka kumakaway?" Tawa sya ng tawa. "Tara kita tayo saglit lang" Sabi nya. Nagkita kami malapit sa CR. Pagkakita namin, nagsalita sya agad "Bro, hindi ko pa pala nahihingi pangalan mo" sabay tawa. "Oo nga no, kanina pa tayo magkasama" sagot ko. "Steve nga pala" "James, bro" Nag-shake hands kami. Kilig na kilig ako sa mga panahong yon. Sobrang cute nya tapos magkahawak pa kami ng kamay.