Prologue

6 0 0
                                    

WITHOUT YOU



" Renz, buntis ako. " naiiyak na ako habang nilalakasan ang loob na sabihin sa kanya sa personal ang kalagayan ko. Kakadating lang niya dito sa park, at iyon agad ang ibinungad kong mga salita sa kanya. Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko ay kitang kita ko ang panlulumo niya at ang pagtamlay ng mata niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, magaling lang s'ya sa una.


Nananitili kaming nakatayo, hinihintay ang mga sasabihin niya. Pero 'di ko akalain na ang maririnig ko ang magpapasabog sa puso ko.


" Ipalaglag mo yan! " mahina ngunit madiin niyang sinabi sa harap ng mukha ko.


Hindi ko na mapigilan ang maiyak. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.

Ano bang kasalanan ko?


Iyon na lamang ang naitanong ko sa sarili ko pagkasabi n'ya ng mga salitang iyon.


" Ayoko ng gan'yang responsibilidad, hindi mo yan pwedeng buhayin!..... Aalis na 'ko, umuwi kana. Tanggalin mo yan! " ito na yata ang pinakamasakit na salitang narinig ko sa taong mahal ko. Hindi ko kaya, natatakot ako.

Paano kung may masamang mangyari sa'kin?

Paano kung magalit sa akin ang Diyos kung papatayin ko ang batang nasa sinapupunan ko?

Paano na? Ano'ng gagawin ko?

Maraming pa akong mga katanungan no'ng araw na mangyari 'yan.

Ako nga pala si Maelee, ang dalagang ina.








----------- miracle

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon