M.U noon at M.U ngayon
hmmm...
ano nga ba ang ibig sabihin ng dalawang letra na yan?
M.U
MUTUAL UNDERSTANDING.
does this M.U thinggy still EXIST?
ano nga ba ang pagkakaiba ng
M.U noon at M.U ngayon
ayon sa mga napagtanungan ko..
ang M.U daw NOON ay;
-label ng isang babae at isang lalaki na may parehong nararamdamang SPECIAL sa isa't isa PERO hindi mo matatawag na COUPLE.
-You both care for each other, PERO you CAN'T just demand for more.
-You can act as a couple, lambing lambingan.. consistent call and text, date paminsan minsan.. BUT you have LIMITATIONS..
and number one rule pa ganitong set up?
-NO COMMITMENT.
in short..
PARANG KAYO PERO HINDI KAYO.
next..
M.U NGAYON
nung nagtanong ako sa mga kaibigan ko kung para sa kanila ano na nga ba ang M.U..
aba naman!
TRENDING!
-MUTUAL UNDERSTANDING.. daw!?
o db.. may DAW! kasi kahit sila hindi na nila alam kung ano na nga ba ang DEFINITION NG M.U na yan!
-MAGULONG USAPAN
oo.. isang magulong kasunduan lang ang M.U na yan.. Madaming do's and don'ts hindi naman kayo official.
-MALANDING UGNAYAN
ayan..dyan sila magaling! yung iba kasi AYAW NG COMMITMENT!
gusto lang may kasweet sweetan.. hindi naman kayang PANINDIGAN.
-MISUNDERSTANDING
madalas sa ganitong set up kasi hindi maiiwasang may isang mapo-fall.. ng hard! yung gusto ng gawing OFFICIAL, LAGYAN NG LABEL AT TITULO ang kung ano man ang meron kayo... e kaso yung isa hindi ready to commit.. ANG USAPAN NGA DIBA.. NO STRINGS ATTACHED?!
paano na? e di nganga?!
-MASYADONG UMASA
dahil nga M.U kayo, panigurado! may isang lihim na aasa na baka in time PWEDENG ILEVEL UP ang stage ng kung ano man ang tawag sa relationship na yan dahil nga diba..may MUTUAL UNDERSTANDING daw kayo..
at dahil nga may emotional investment,
syempre minsan hindi maiiwasang may MAINLOVE na talaga.. pero dahil nga wala naman kayong pinanghahawakan kundi ang MUTUAL UNDERSTANDING shit niyo na yan.. ang ending...
ie-END na lang ang lahat.
ang gulo noh?
ako din naguluhan..
ang gulo ng
MUTUAL UNDERSTANDING NA YAN!
understanding daw hindi naman pala NAGKAINTINDIHAN! bakit kasi may ganyan pang nalalaman..
ayan tuloy, nasasaktan.
ang ending?!
M-ag isang U-miibig
#boomansaket!
mas masakit pa sa break up ng totoong magBOYFRIEND/GIRLFRIEND...
mas mahirap kaya mag-move on kasi in the first place.. WALANG KAYO!
kaya ikaw..
bago ka pumasok sa ganyang set up, mag isip ka!
mahirap mabrokenhearted sa hindi mo naman naging jowa!
hehehh..
ayun..
bow.
ang pahayag na ito au basta lang pumasok sa isip ko kanina habang nasa fx ako.
ikaw?! may ka-M.U ka?
happy reading!

BINABASA MO ANG
TARA..USAP TAYO <3
Randomikaw ba ay malungkot? iniwan ng jowa? masaya? may bagong lovelife? may crush pero hindi mo masabi? gustong makipagbalikan sa ex? hindi maka-move on sa past? inlove sa bestfriend? NBSB? na-friendzone? searching for lovelife? naghahanap ng mapagsasa...