Blythe's POV
Dali dali kong inayos ang pagkakasukbit ng bag ko at agad ng tumakbo palabas ng kwarto. Wala ng suklay suklay, maganda pa rin naman ako e. De joke lang, kasi kung diko bibilisang kumilos ay malalate na talaga ako sa first class ko, at first day ko as a college student.
"Oh, mabuti naman at nagising ka pa. Aba, akala ko hindi ka papasok, e. At akala ko rin, maghapon ka nalang matutulog sa kwarto mo." napanguso ako ng marinig ko ang boses ng magaling kong mama. Nakapamaywang pa sya habang nakaharang sa dadaanan ko.
"Ma, naman e. Bat hindi mo naman kasi ako ginising? Late na tuloy ako." napapadyak ako sa inis. Eh kasi naman, nasanay kaya akong palagi nya akong ginigising. Nahiya kasi yung boses ng manok sa boses ni mama, e.
"Hoy, baka nakakalimutan mong college ka na? Paano kung magaasawa ka na, gigisingin pa kita para ipagluto yang asawa mo?" mas lalo akong napanguso dahil sa sinabi nya. Advance talaga magisip tong si Mama, e. Sa sobrang advance nya magisip, parang gusto ko tuloy syang batukan.
"Eh, sino ba kasi nagsabing magaasawa na ako, Ma? Ng mabatukan ko." maktol ko at agad napaiwas ng babatukan nya ako. To talagang si mama, may pagkasadista. Pag to, pinatulan ko makita nya. Dejk.
"Ako? Bakit aangal ka?" sabi nya na parang naghahamon ng away. Sus, gurang na nga nang aaway pa.
"Wala, ma. Joke lang iyon, nu ka ba. Hehe." gusto ko pa sanang sumagot ng pabalang pero may naalala ako bigla. Naku po. "Baon ko pa pala ma, Hehe." inilahad ko pa yung palad ko sa harapan nya kaya agad na nagsalubong yung kilay nya. Ay pak, nakakilay si mama, tinalo pa ako.
"Ano? Kung makahingi ka sakin ng pera parang may pinatago ka, ah." napanguso ako. Hindi naman sana muna ako manghihingi ng pera kung di nya inutang yung ipon ko, e. Tapos nung sisingilin ko na sya ang dami dami na naman nyang sinabi, kesyo bayaran ko din daw yung mga kinakain ko at maghanap na daw ako ng lilipatan so sa huli, hindi nya rin ako binayaran. Wala e, ilista ko nalang sa hangin.
"Ma naman, late na ako e. Baka ma badshot sakin yung mga teachers mo, balaka. Kapag nangyari yun, hindi na ako magaaral." Naks, Badshot? San ko napulot iyon?
"Arte mo. Kala mo naman kinaganda mo iyan. Oh eto, baon mo. Tanda tanda na, nanghihingi pa ng baon." inabutan nya ako ng isang libo at ngiting tagumpay na naman ako mga bes.
"Thank you, Ma. The best ka talaga, I love you." akmang hahalik ako sa pisngi nya ng ambahan nya ako ng suntok. Hala ka, ano na namang ginawa ko?
"Baon mo yan ng isang taon, kala mo ha." tumalikod na sya at ipinagpatuloy ang pagwawalis sa likod ng bahay. Padabog naman akong sumunod sa kanya habang mahinang nagrereklamo.
"Ma, naman." napakamot ako sa ulo ko. Mas hinabaan ko pa yung pagnguso ko kasi trip ko lang. Wala kayong pake.
"Diyos ko, Bitang. Lumayas ka na, paka dami mong arte e." ipinagtulakan pa nya ako palabas ng bahay hanggang sa makarating ako sa harap ng gate. Unti nalang talaga iisipin ko ng di nila ako tunay na anak e. Tsk,
"Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos bitang lang itatawag mo sakin? Ma, naman. Blythe yun, Ma. Blythe." inulit ulit ko na para di nya na makalimutan. Makakalimutin na tong si Mama e, tanda na kasi.
"Oo na, diyosko. Ano? May plano ka pa bang pumasok o wala na? Sabihin mo lang ng mabawi ko na yung baon mo ngayong araw." nanlaki naman yung mga mata ko. Luh, si Mama.
"Aalis na nga ako diba, ma? Kaya nga nandito na tayo sa harap ng gate e. Sweet sweet talaga ni mama, hinatid pa ako." biro ko.
"Oh sige na, lumayas ka na. Andami dami ko pang gagawin e. Istorbo ka." biro nya at pakunwari pa akong tinaboy. Ano ako, manok? Chicks ako, chicks.
"Hmp. Alis na ako, babye." kumaway pa ako with flying kiss bago umalis.
Pumunta na ako sa paradahan ng jeep at nakipagsiksikan para makasakay. Ng makahanap ako ng komportableng upuan ay inilabas ko ang phone at earphone ko para makinig muna ng music.
"Pwesto lang po tayo ng maayos, kabilaan pa iyan." napairap ako dahil sa lakas ng boses ni manong. Agaw eksena si manong.
"Kabilaan pa to, manong? Eh, halos magkapalitan na nga kami ng mukha dito e. Wag naman ganon, luging lugi ako." napairap naman yung baklang katabi ko ng marinig ang reklamo ko. Aba, anong gusto nyang sabihin ko? Na swerte ako dahil makakapalit ko ng mukha ang mukhang kabayong katulad nya?
"Grabe si ati." hindi ko nalang sya pinansin at isinagad ko nalang ang volume ng phone ko. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hindi na pinansin ang mga tao sa paligid ko. Naramdaman ko rin ang pagandar ng jeep at ang paglayo namin sa lugar na iyon.
Ang weird ko ba? Ayoko lang kasi ng may nalulungkot e, kaya hanggat maaari gusto ko masaya ako at ang mga tao sa paligid ko. Masyadong maiksi ang buhay para malungkot, umiyak, at malugmok dahil sa problema. Life is short, so i choose to enjoy it.
Napamulat ako ng mata ng marinig kong binanggit ng driver ang pangalan ng school namin. Kinusot ko ang mga mata ko ng maramdaman ang paghinto ng jeep na sinasakyan ko.
"May bababa ba dito?" napairap ako. Tanga din tong si manong e, hindi pa nya sinigurado kung may bababa bago nya hininto tong jeep. Pano nalang kung wala ako dito? Di walang bababa? Di nasayang yung effort nya? Ayt, tanga.
Bumaba na ako mula sa jeep at nakangiting pinagmasdan ang eskwelahan sa harapan ko. This is it, college life here I come. Please, be good to me.
Nanatili akong nakamasid sa future school ko pero natigilan ako ng mapansing nandun pa rin yung jeep na sinakyan ko kanina at lahat ng pasahero ay nakatingin sakin.
Tinaasan ko sila ng kilay pero halos lumubog ako sa kinatatayuan ko ng marinig kong sumigaw yung driver. Shit.
"Kanina ko pa hinihintay yung bayad mo, miss. Diyes pesos lang dimo pa mabayaran? Miss naman, sana sinabi mo ng maaga para hindi ka na namin hinintay."
PUTANGINA.
BINABASA MO ANG
Stupid Heart
Teen FictionBlythe Fleur is a happy go lucky girl. She spend her teenage years, enjoying and spending it with a smile plastered on her face. Pero anong gagawin nya, kung muling magbabalik sa buhay nya si Sean James Linux? Ang ex nyang napakatagal na ng huling...