Keith's point of view
Nagising ako dahil sa ingay ni Mama. Ano ba naman si Mama o, umagang-umaga yung bunganga agad maririnig ko.
"Nanalo tayo Papa! Hoooooo! Ang saya-saya ko. Ang swerte talaga natin sa anak natin." Yan ang naririnig ko ngayon.
Ano kayang pinanalunan ni Mama? At ako yung dahil?
Bumangon ako at dumeretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush ng may biglang yumakap sa likod ko.
"Anak ang swerte namin sa'yo. Dahil diyan, bibili tayo ng laptop mo!" sigaw niya at nagtatalon-talon pa.
Binilisan ko ang nagtoothbrush para tanungin kung bakit niya ako ibibili ng laptop. Nagmumog na ako at agad na tinanong.
"20k yung napanalunan ko anak! May binebente yung tita mo na 15k na laptop, para naman yun sa pag-aarap mo eh. May matitira pa naman para sa araw-araw na kakainin natin. Huwag kang mag-alala." Sabi niya tsaka ngumiti.
Lumabas na kami ng banyo at agad ko naman siyang niyakap.
"Mas swerte ako sainyo Ma, kahit na mahirap tayo ay ibinibigay niyo parin ni Papa ang mga kailangan ko." Sabi ko at may pumatak na luha.
"Huwag kang umiyak Anak, natural lang tun kasi anak ka namin at magulang mo kami. Kahit na ano pa yan, paghihirapan namin ng papa mo. At balang araw, yayaman din tayo!" Masigla niyang sigaw at nagtawanan kami.
"O siya, hindi na ako magdradrama Ma, nagugutom na kasi ako. Tawagin ko lang po si Papa."
"O sige, para sabay-sabay tayo palagi."
Pinuntahan ko si Papa sa sala at sinabing kakain na. Sumunod naman siya at masaya kaming kumaing tatlo.
"Sino mauuna maligo?" tanong ni Mama matapos kaming kumain.
"Si Keith muna, tapos sunod na tayong dalawa." Sagot ni Papa at inakbayan si Mama.
"Hahaha. Eto talagang si Papa, sige na nga po mauuna na ako. Basta ayoko po ng kapatid ha?" Nakangisi kung sabi at nagtawanan sila dun.
Mabilis kaming kumilos at nag-abang ng tricycle sa kanto. Nag back ride si Papa at kami ni Mama sa loob.
Mabilis naman kaming nakarating sa Mall dahil andun raw si Tita. Talagang bibilhin ni Mama yung laptop. Ngayon naman ay hinahanap namin kung saan yung Jollibee dito sa Mall dahil hindi ko na kabisado dito.
"Jusko naman Anak, nagka amnesia kana ba? Ano mo'ko?" Pabirong tanong ni Papa.
"Body guard?" Pabiro kung sagot at nagtawanan kami.
"Ayun ang Tita mo o! Bilisan niyo maglakad." Utos ni Mama at ginawa naman namin.
"Uy Mare, andito na pala kayo. Uy, Keith. Napakaganda mo talaga, at dalagang dalaga na." Sabi ni Tita na ikinangiti ko.
"Maggre-grade 10 na kasi yan Mare, pero hindi pa alam maglaba." Singit ni Mama.
"Hala Ma? Seryoso ka Ma? Nilalabhan ko nga rin kayo ni Papa e, Tita huwag kayong maniwala kay Mama." Sabi ko at kumindat.
"Hahaha. Nakakatawa talaga kayo, dahil kayo lang din ang bibili. 12k nalang para may natira pa sainyo."
"Napakabait talaga ni Tita o! Ang ganda ganda pa e. Salamat ng marami tita. Salamat rin po sa bag na ibinigay niyo." Tuwang-tuwa kong sabi at niyakap siya.
"Bag? Anong bag yun Keith?" Takang tanong ni Tita.
"Yung bag po na binigay niyo sakin? Napakaganda nun Tita, hehehe."
"Sino nagsabi sa'yo na binigyan kita ng bag?" Takang taning niya ulit.
"Si Papa po tita, diba Papa?" Liningon ko siya at ngumiti naman siya.
"Ang papa mo ang bumili nun Keith at hindi ako. Nga pala Mare, eto na yung laptop, may lakad pa kasi ako e." Sabi ni Tita at nagpalitan sila.
"Papa? Ikaw nagbigay nun sakin? Papa naman e, ang mahal-mahal nun Papa. Nagsinungaling kapa sakin." Nagtatampo na sabi ko pero nakayakap ako sakanya.
"Kahit na, ang mahalaga ay mag gagamitin ka para school mo. Ma, ako na magdadala niyan. Kain na tayo." Sabi ni Papa at umupo dito sa upuan ng Jollibee.
"D-dito tayo kakain Ma, Pa?" Takang tanong ko at ngumiti lang sila saakin.
"Oo naman, Family bonding na natin 'to. Tutal magiging busy kana at matagal na tayong hindi kumakain sa labas." Paliwanag ni Mama dahil si Papa ang nag-order.
Nang maka-order si Papa ay agad kamaing kumain. Grabe, ang sarap parin talaga ng ganto. Mabubusog ako ng husto dahil dito eh.
"Dahan-dahan naman sa pagnguya, nagiging baboy kana e!" Suway ni Mama sakin.
"Sorry Ma, ang sarap lang kasi e." Sabi ko at agad na tinapos ang pagkain.
"Pahinga lang tayo ng konti at maglalaro tayo, kahit ilang games lang at uuwi na." Sabi ni Mama.
*****
Nandito kami ngayon sa Tom's World dahil nga maglalaro daw kami. Ang tanda-tanda na ni Mama at Papa laro pa ang inatupag.
"Shoot mo! Ang tanga mo naman Kit!" Sigaw ni Mama kay Papa. Hahaha. Nakakatawa sila, sobra.
Para silang mga bata. Nagbabangayan at nagaasaran. Kailan kaya ako magkakaroon ng gaya ni Papa? Ang swerte kasi ni Mama dahil mahal na mahal siya ni Papa. Si Mama kasi brutal masyado at si Papa naman ay maunawain. Perfect na para sakin. Hindi naman kasi ako Brutal e, kumabaga, Simple lang.
"Keith tara na, gabi na. Hays, ang saya ng araw na to no? Ngayon nalang tayo namasyal dito sa Mall." sabi ni Mama na humihingal.
"Nagpakapagod kayo masyado. Ako na po magluluto mamaya." Sabi ko at kumaway sa tricycle driver.
****
Ako nga ang nagluto at ako rin ang naghugas dahil pagod na pagod talaga si Mama at Papa. Jusko!
Bukas na pala ay pasukan, dipa ako handa pumasok dun sa school na yun. OMG!
****
•Adeadlyprincess