Chapter 5

19.6K 587 20
                                    

Chapter 5

Mist Villareal's Point of View

Naglalakad ako papunta sa rooftop ng I.T building., vacant time ngayon at paniguradong nasa Leisure room ngayon si Cloud at ang mga kakulto niya. Magandang puwesto itong rooftop ng I.T building kasi kitang- kita dito ang Leisure room nila. Kitang-kita ko ang mga kabulastugan nila.

Papasok na sana ako sa rooftop nang makarinig ako ng ingay sa ilalim ng hagdan.

"Sorry po. Hindi ko naman po sinasadya," sabi ng isang babae. Wala na sana akong pakialam doon pero nakita ko na lang ang sarili kong naglakad patungo sa ilalim ng hagdan. Curious lang siguro ako. Tama tama, curious lang ako. Curious ako kung ano bang nangyayari doon. Pasensya na, may pagkatsismosa ako.

"Sorry ka diyan?! I know sinadya mo ' yun! If I know ginawa mo iyon dahil galit ka sa akin!!" napataas ako ng makita kung ano ang nangyayari doon. May nakita akong apat na babaeng clown na nakapalibot sa isa pang babaeng nakasuot ng nerd glass at paldang abot hanggang sahig. ' Yung isang babaeng clown ay may mantsa ang blusa niya.

"Hindi ko naman talaga sinasadya eh," sabi ng nerd at halatang nanggagalaiti ang babaeng namantsahan ang blouse. Aba teka, parang sobra naman yata. Hindi naman siya nasugatan so bakit galit na galit siya dahil may mansta ang damit niya? milyon ba ang halaga ng suot niya kaya sobrang gigil na gigil siya?

"Anong hindi?!" akmang sasampalin na niya si nerd pero bigla akong nagsalita. Lumapit ako sa kanila at kitang nabigla sila sa pagsulpot ko. Tama siguro ang bansag sa akin ni Cloud, babaeng kabute.

"Aling parte ng 'hindi ko sinasadya' ang di mo maintindihan?" lahat sila ay nagtinginan sa akin.

"At sino ka naman?!" tanong niya itagao na lang natin siya sa codename Clown 1.

"Well, I'm just nobody," simpleng sagot ko.

"Nobody?! What an ugly name!! Do you know who I am?"

"Obviously not at wala akong interes na kilalanin ka." kahit pa anak siya ng kung sinong Ponsyong Pilato diyan ay wala akong pakialam. Ang akin lang ay matagil ang pambubully nila.

"I am Wing Jane Dimitri! Daughter of Jose Dimitri, one of the riches man here and in Asia!" tinaasan ko siya ng kilay. Yabang ng clown na ' to ah. Ang pangit ng name niya. Wing? as in pakpak? siguro noong pinagbubuntis siya ng nanay niya panay kain ng chicken wings kaya Wing ang pangalan niya.

"Tinatanong ko?" at tinaasan ko siya ng napakaganda kong kilay.

"Aba't---" okay, galit na galit na siya. Umuusok na nga ang ilong eh.

"Ano bang pinuputok ng buchi mo? iyang damit mo ba?" kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng 50 pesos.

"O" saboy abot ng pera sa kanya.

"Anong tingin mo sa akin?" histerical na tanong niya. Eh kung tutuusin nga mukhang sa ukay-ukay lang yang damit niya eh. Baka nga limang piso lang yan sa Bagong Silang.

"Cheap." sagot ko at tatalikod na sana kaso bigla niya akong pinigilan at akmang sasampalin. Buti na lang at mabilis ang reflexes ko at agad ko itong hinawakan. Huwag niyang minamaliit ako, isa ako sa top agent ng Scarlet Security Agency.

"Don't you dare lay your filfhty hands on me. Ayokong mahawaan ng bacteria." at marahas kong binitawan ang kamay niya.

Nasa roof top na ako at pinagmamasdan si Cloud gamit ang binoculars nang may kumalabit sa likod ko. Lumingon ako at nakilala. Si nerd pala, 'yung binubully ng apat na clown kanina.

"Ma'am Mist," sabi niya at nagtaka ako. Paano niya nalaman ang name ko?

"Kilala mo ako?" tanong ko.

"Opo. Taga Scarlet din po ako." nagulat naman ako. Taga Scarlet din siya? bakit di ko siya nakikita?

"Talaga? ngayon lang kita nakita. "

"Sa Intellegence unit po ako naka-assign." Kaya pala. Hindi ako may hawak sa mga trainees ng intelligence unit, si Sun ang trainor doon.

"I see. Patingin ng I.d mo," agad naman niyang inilabas ang I.d ng Scarlet. Talagang inispect ko ito ng mabuti baka mamaya impostor pala siya at syempre yari tayo pag nangyari iyan. Malalagay tayo sa panganib.

"Venus Quereshi." basa ko sa pangalan niya. Pinagmasdan ko siya at mukhang may lahing foreigner siya, Indian to be exact. Black beauty, kulay itim at medyo bilog at malaki ang mga mata niya. Not toally nerd kung tutuusin, bagay sa kanya ang name niyang Venus kasi maganda naman talaga siya. Agad ko din namang binalik ang ID niya at bumalik sa pagmamasid kay Cloud.

"Ma'am Mist, hindi ko alam na dito ka din pala nag-aaral."

"May assignment ako dito," I said.

"Talaga po?! Alam niyo po bang ang astig niyo! Idol po kita!!" ay wow, di ko akalaing may fans ako sa agncy kasi nga di ba halos lahat takot sa akin. Hindi ko na pinansin pa si Nerd or Venus rather at binalik na ang atensyon ko sa subject ko.

Kitang kita ko kuna papaano tumawa si Cloud kasama ang tropa niya. Para bang walang banta sa buhay eh. Napaka-care free. Hindi alintana na baka mamaya deads na siya. Napapaisip tuloy ako. Kailan nga ba akong huling tumawa? 'yung naging tunay na masaya? five years ago? I actually don't know. Hindi ko nga maalala.

"Ma'am ang ganda niyo po," napatingin ako kay Venus. Nakatingin siya sa akin at para bang ang mga mata niya ay kumikinang. Ngayon ko ulit narinig ang salitang iyan. Ngayon na lang ulit may nagsabi sa akin na maganda ako. Ang huling nagsabi niyan ay siya eh. Noong mga panahong sweet siya sa akin. So dahil kahit papaano ay nakatanggap ako ng papuri sa kanya ay may naisip ako.

"Venus,"

"Yes Ma'am?"

"I want you to be my personal assistant. Ako ang magiging superior mo." kitang kita ko kung papaano natuwa si Venus.

"Yes Ma'am! I will be your personal assistant! And you are my superior.!!" at sumaludo siya sa akin.

"Sasabihin ko ito kay Sun na ilipat ka niya sa department ko. Na ikaw mismo ay ang personal assistant ko." Tumingin ulit ako sa Leisure room at nakitang nagre-wrestling ang mga kakulto ni Cloud doon.

"Ah Ma'am, may assignment po ba kayo dito sa school?" tanong niya. Binitawan ko na ang binoculars dahil may nakikita na akong malaswa doon at tinuon na lang ang pansin ko sa kausap ko ngayon.

"Ah yes. Bodyguard ako ngayon. Maarte ang subject kaya dito ko siya minamasdan, arte eh daig pa mga babae."

"Sino po ba ang subject niyo?"

"Si Cloud Assunsion." 

This story is available and exclusive on dreame.com

https://www.dreame.com/chapter/u472jEx9UK7SNvW1cS%2Fveg%3D%3D.html

She's My Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon