"Agent Eks come to the office." She knocks twice before entering the Office of the General.
"Bakit mo ako pinatawag?" Walang ganong tanong ng dalaga.
"You have your new mission."
Pinatunog niya ang kanyang mga daliri bago inilahad ang kamay.
Ibinigay ng kanilang heneral ang isang file na naglalaman tungkol sa mga magiging mission niya.
"Parang mali ang ibinigay mong file."
"Yan ang magiging trabaho mo."
"Pero isa siyang Mafia 2nd in Command tapos papabantayan mo pa siya."
"He is a witness now and he needs protection."
Ibinaba ng dalaga ang papel at umupo.
"Bakit ako pa? Alam niyo namang hindi ko trip proteksyonan ang mga mafia. Pinapatay ko ang mga katulad nila Sir, hindi pinoproteksyonan."
"Wala ka ng magagawa dahil yan ang misyon na inatang sayo. Kailangan mong tapusin ang misyon mo kong gusto mo ng kikitaing pera."
"Oo na, oo na. Kelan ang umpisa?" Tanong nito.
"Mamayang alas sinco ng hapon. Ganoong oras ang tapos ng klase niya."
"Nag-aaral palang to?"
"Yes, and please X bantayan mo ang mga nasa paligid mo. Anytime ay pwede siyang sugurin ng kapwa niya at hindi mo pwedeng sabihin ang misyon mo sa iba."
"Yes Sir." Walang ganang sagot niya.
Akala pa 'man din niya ay magiging exciting ang misyon niya dahil dalawang buwan na siyang nabakante. Yun naman pala ay magiging tagabantay lang siya ng Mafia 2nd in Command na estudyante pa.
"Kapag minamalas ka naman oh." Mahinang bulong niya habang binabasa na ngayon ang profile ng magiging trabaho niya.
"Anong problema? Bakit pinatawag ka ng Heneral?" Tanong ni Jimmy. Ang matalik niyang kaibigan.
"Bagong misyon."
"Anong misyon?" Usisa nito.
"Confidential."
"Bawal sabihin?" Sinamaan niya ito ng tingin.
"Eh kong tinutuktukan kita jan?"
"Eto naman! Gala tayo mamaya, wala akong masyadong gagawin." Yaya nito sa kanya.
"Kong ikaw wala, ako meron. Next time nalang."
Tinapik niya ang braso ng kasamahan bago lumabas ng opisina.
Isang oras siyang naghintay sa labas ng University ng misyon niya. Marami ng tumitingin na estudyante sa kanya dahil sa ginagawa niyang paninigarilyo. Ganoon kasi ang ginagawa niya kapag naghihintay. Nang makita ang babantayan ay lumapit na ito.
"Alexis Ford." Tawag niya.
Tumigil ang isang gripo ng mga estudyante.
"Yes?"
"Eks(X)." Inilahad niya ang kanyang kamay.
"What?"
"Ang pangalan ko ay Eks(X).""And?"
Kinuha niya ang kamay ng lalaki at sapilitang nakipag-kamay."Kapag inabot, kunin mo. Sumunod ka sakin."
Utos ng dalaga bago tumalikod at naglakad. Narinig niya pang nagpaalam ang binata bago sumunod sa kanya.
"Anong kailangan mo?" Tanong ng binata.
"I will be the one who will guard you 24/7." walang paligoy-ligoy na sagot niya.
BINABASA MO ANG
Agent Eks
ActionWhen people need help, Eks will come. When people strive to death, she will come. She's an Agent. A stubborn mannerless Agent. She kills to live. Eks is a danger. Don't come near her.