Chapter 2

450 9 5
                                    

"Nene Jackie, pwede bang ikaw na muna ang sumalubong sa mga mangingisda sa laot?" pakiramdam ko kasi lalagnatin ako

"paano naman kasi tay' one to sawa kayo uminom..hindi nyo na iniisip ang kalagayan nyo.."sabi ni jackie sa kanyang ama

"Paano naman kasi nene, birthday ng ninong mo, minsan lang magpainom yung tao kaya pinagbigyan ko na" paliwanag ni tony sa anak

"Nang dahilan pa ang itay, ginamit pa si ninong mulo" pabulong na lang nya bagama't may kalakasan pa rin

"May sinasabi ka nene?" tanong ng ama

"Wala po tay, sabi ko magpahinga na lang kayo " nagpusod na ng buhok si jackie pagkuwa'y kinaha ang bonnet at sinuot..Lumabas na sya ng dalawang balangkas na bahay nila na gawa sa pawid at sawali

Walang anumang binitbit ang planggana at timba para sa mga isda

Ilang sandali pa ay narating nya na ang dalampasigan para sumalubong sa mga paparating na mangingisda

"Kaylan kaya kami aasenso..Nahihirapan na rin si itay samin ni boyet, lalo pa at konti lang ang sweldo ko sa pinapasukang public school dito sa lugar namin..Ang hirap maging teacher, mababa lang ang sweldo ko, kulang saming tatlo.." angal ni jackie sa sarili

Namamasukan sya bilang public teacher sa kalapit baryo nila, Nagtapos sya ng kursong Psychology dahil sinikap ng tatay nya na makapag'aral sya..Pagka-graduate nya nun nagtrabaho sya bilang clinical psychologist sa isang hospital sa bayan.Pero nung laging nagkakasakit ang tatay nya, napagdesisyunan nya na lang na magturo.Kumuha sya ng basic education para maging teacher..Malapit lang kasi ang baryo kung saan sya nagtuturo kaya madali nya mapupuntahan ang tatay at kapatid nya..

Pansinin si jackie sa barangay nila..minsan napagkakamalan syang ampon daw ni tony at selia( ang yumao nyang ina)..

Paano kasi maliban sa Maputi at makinis nyang balat na malayo sa kulay ng mga magulang, pati na rin ang maamo at maganda nyang mukha ay Hindi sya napagkakamalan na tga baryo Bagong sirang..

Kahit sya nagtataka kung bakit malayo ang itsura nya sa mga magulang, pero sinasarili nalang nya yun..

Masaya sya sa pamilyang mayroon sya..

Nang matapos mamakyaw ng isda, ay pinuntahan nya na ang magara at mala mansion na rest house kung  saan ang kanyang ninong rico ang nagbabantay..

"tao po, tao po "' tawag ni jackie nagbabakasakali syang andun ang ninong rico nya

Malalaki ang kanyang isda nanakuha kaya naisip ni kim na idaan muna sa rest house..

Nakwento kasi ng ninong nya na pupunta daw ang may'ari nito kaya naisipan nyang dun muna unang dalhin bago nya ito ilako

"tao po, tao po.."tawag ulit ni jackie

Pero wala pa ring sumasagot

Gumala sa paligid ang kanyang paningin, Nasulyapan nya ang maganda ang mamahalin na sasakyan na BMW na nakaparada sa gilid ng rest house

"wow ang ganda naman" nilapitan ni jackie ang sasakyan, nilapag nya muna ang dalang mga isda...

Hindi pa sys nagkasya na pagmasdan ito sa labas kaya sinilip nya ang loob nito...Lalo syang namangha ng makita ang itsura nito sa loob..

"Hoy!" tawag ng baritonong boses na galing sa likod ni jackie

"Ay Kahoy!"napigtad si jackie dahil sa malakas na sigaw na iyon..sabay lingon

"Anong ginagawa mo sa kotse ko, ha?!"..nakapamulsa na tanong ng gwapo at matangkad na lalake sa harap ni jackie

pero hindi lang ang galit ang nakabadha sa mukha ito o ang nalilisik na mata nito kundi ang ayos nito

Loved by IncidentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon