AKING SISIMULAN

9 1 0
                                    


  Gusto ko ulit gumawa ng tula
Pero diko alam kung san magsisimula
Ano ba dapat ang mauna?
Anong bahagi at san banda?
Kailangan bang magsimula sa wagas na pag ibig
O baka ito'y maging malabong tubig
Na hindi ko kayang ibukangbibig
Kaya ako ngayon ay napapatitig.
O dapat bang magsimula sa wasak
Tipong para kang sinasaksak
Makakatulog na sa pag iyak
Kaya sa puso't isip ang sakit ay nakatatak.
Ganyan kase nakikita ko sa palabas
Sa aking paningin ito'y dinakalagpas
Kaya tungkol sa pag-ibig
Hindi ko ulit muna isasa tinig.
Wala naman kase ako nito
Kaya nga sabi ng kaibigan ko"Wag kang humugot, wala kanglablayp"
Ito'y akin namang tanggap
Hindi naman kase masaklap.
Hindi ko alam kung anong kahihinatnan
At tila bay nagugulumihan
Ako'y napapa-isip sa aking sarili
Ang ginagawa ko ba ay tama o mali?
Kaya siguro ang aking sisimulan
Sa mga nangyaring natutunan
Sa mga kaibigang tunay
Sa pamilyang nakaagapay
At kay G na nagbigay ng buhay.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORY & SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now