Sabrina's POV
Papasok na ko sa school. Di na ko nagpasundo kay Dara kasi papa niya na yung susundo sa kanya. Ayos na rin at para mapaaga ako ng pasok.
Nandito na ako at maaga nga. Lilima pa lang kasi sila eh. At di ko sila ka-close. Paano, pampam yung dalawa sa lima na yun. Si Riyah Samonte at Ellsi Bondad.
May galit saakin, at di ko alam kung bakit.
Engot ata. XD
*FF
"Good Morning, 4-A." oh yeah, andito na si Mrs. Reyes. Andito na rin sila Dara.
"Good Morning, Mrs. Reyes." daily routine naman namin to. Bat ganun? Parang wala akong gana ngayon?
"So.. Guess what?" huh? Ano daw?
"Mam! Ngayon na po ba papasok yung transferee?" tanong ni Timmy. Ahh! Kaya pala!
"Haha. Ikaw talaga, Timmy! Oo ngayon na siya papasok. Teka, susunduin ko lang siya sa office." saglit lumabas si Mam.
"Sab!" tawag ni Jai.
"Hmm?" sabi ko nung lumapit siya saakin.
"May problema ka ba? Bakit parang wala ka sa mood?" ay? Napansin nila?
"Wala akong problema. Parang tinatamad nga ako ngayon eh. Hahah."
"Ahh. Halata naman. Haha! Teka! Wala pala si Jina!" tumingin ako sa upuan ng katabi ko. Oo nga, wala si Jina. Seatmate ko siya. Tsk.
"Malamang diyan paupuin yung transferee." sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Sarreh! Haha! Geh balik na ko dun. :)" ang cute talaga ni Jai. Kaya nagustuhan ni MJ eh.
Dumukmo muna ko. Maya-maya, nanahimik na sila, means dumating na si Mrs. Reyes.
"Class! Andito na siya. Class, please welcome, Mr. Charles Kenrick Delos Reyes." wow! May grand entrance pa talaga? Ayst!
Tumingin ako dun sa transferee. Gwapo kaya lang mukhang masungit. Tsk! Bad boy nga daw diba?
"So, alam niyo naman ang ibang infos about sakanya. So, Charles, dun ka muna sa tabi ni Sabrina." tinuro niya ako kay Charles. Umupo naman agad si Charles sa tabi ko. Di man lang nagthank you kay Mam. Ano to, bastusan? Teka! Badboy nga daw siya eh, Sab! Haisst!
"So treat him, good. Uhmm, di muna tayo magkaklase. Bukas nalang. Ok, intay niyo nalang si Ma'am TLE." sabi niya then lumabas. Ayos yan ma'am. Gusto ko ring walang klase. Tinatamad ako eh!
"Tsk. Sab? San CR dito?" nagulat nalang ako nang tinanong ako ni Charles. Aba! Close kami?
"Bumaba ka ng hagdan. Pagkayari diretsuhin mo yung hallway. Tas lumiko ka sa kanan. Tapos lumiko ka ng kaliwa. At yun na CR." Haha! Ayos ba description ko?
"K" okay! Tama yan! Sa dami ng sinabi ko, yan lang sasagot niya. Putek! Dumukmo nalang ulit ako. Eh umalis na siya eh.
"Salamat." sabi niya. Napa-angat ulo ko.. Ay si Charles lang pala. TEKA? Marunong pala siyang magthank you? Tss.
"Welcome" walang gana kong sabi.
Hay! Inaantok ako. Dapat pala di na ako dumukmo.
"4-A!!!! Announcement!!!" si Ms. PRO. Tumingin naman kaming lahat sa kanya. Ay kanila pala. Tatlo silang nasa harap e. Si President, Vice at si PRO.
"Si Ma'am TLE po ay may lagnat....."
"Yessssss!!!! Whooooo!!!" sila
"Shut-up! Nagkasakit na nga yung teacher, nakuha niyo pang magsaya! Normal ba talaga kayo?" si President.
"Tsk. So kahit wala siya, may gagawin kayo. Wait, yung mga tatawagin ko, kailangang gumawa. Except lang kay Charles ah! Okay, Cyrene Hidalgo, Jianna Santos, Patrick Lopez, Kysler Rodriguez, Riyah Samonte, Ellsi Bondad, and Shyrra Flores." Boom Panes! Di kami natawag.
"Sa mga di natawag, maari na kayong magrecess." --VICE Pres...
"Aishhh! Bat pati ako!?" pagrereklamo ni Riyah. Aish! Reklamador talaga!
The END...
BINABASA MO ANG
When the Bad Boy Fell in Love (KathNiel FanFic)
FanfictionNo Description, sorry. Pero maganda to PROMISE! Di kayo magsisisi! :-* --BebeMaidee11